KEIRA CERVANTES POV "MICHAEL, SANDALI!" Nahigit ko ang aking paghinga nang mabilis siyang umibabaw sa akin. Hindi siya umalis sa ibabaw ko kahit anong tulak ko. Sa halip, nilamukos niya ng halik ang mga labi ko kaya't hindi na ako nakapagsalita pa. Hindi ako makahinga sa klase ng halik niya ngayon. Mas'yadong mapagparusa. I'm mad, Keira. Habang tinatanggap ang pananalakay ng mga labi niya, umalingawngaw sa isip ko ang sinabi niyang galit siya. Noong una'y hindi ako tumutugon, hinayaan ko lang siya hanggang sa kusa na ring makigaya ang mga labi ko. Tuluyan na naman akong naging alipin ng mainit na halik ni Michael. Nang magsimula akong tumugon, nagsimula na ring magbago ang galaw ng mga labi niya. Mula sa mapusok, mapanakit, marubdob at mapagparusang halik ay naging masuyo, maga

