Humingi pa ng isang wine si Alex sa naglalakad na waiter. Nilagok niya uli iyon. Tuloy-tuloy, uminit ang kanyang lalamunan. Manamis-namis na may pait ang wine kaya medyo napapikit siya sa hagod ng inumin. Tinalikuran niya si Rick at hindi na ito pinansing muli. Naiirita siya kung bakit iniwan silang dalawa ni Eizer doon. Tuloy para siyang nakalutang sa ere. Hindi niya kayang pakiramdaman ang sarili, lalo na at nasa malapit lang si Rick. Nakatalikod siya at pinapanood si Eizer sa opening speech nito nang may isang bulto ng tao ang lumapit sa kanilang mesa. "I'm sorry, ngayon lang ako. Bigla kasing may importanteng sign up." Nabosesan ni Alex ang babaeng nagsalita. Ayaw man niya itong lingunin, magiging bastos naman siya. Nang humarap siya, nakita niya ang paghalik ni Keila sa pisngi ni R

