Chapter 20

1766 Words

"Sandali, Rick. Hindi na naman maayos ang kurbata mo,oh!" ani Alex at lumapit sa asawang paalis at malapit na sa pinto. "Para kang bata, hindi maayos ang paglalagay..." Nagulat si Alex nang bigla siyang halikan ni Rick sa kanyang ulo. Nakayuko kasi siya kaya iyon ang naabot ng nguso nitong ngayon ay nakangisi na. "Sinasadya mo na yata, eh?" nakanguso niyang saad at ibinalik ang tingin sa kurbata nitong inaayos pa rin niya, para na rin itago ang pisnging alam niyang namumula. Napangisi naman si Rick. Isang linggo na silang ganoon. Aayusin ni Alex ang mga gamit niya sa umaga, kasabay niya itong mag-umagahan hanggang sa uuwian niya itong may maaliwalas na aura. Tuloy ay nagugustuhan niya ang sitwasyon nila. Kahit minsan ay talagang abala siya sa trabaho at late na kung umuwi, Alex is there

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD