Buong maghapon silang nasa bahay lang ni Rick. Wala nga ito sa trabaho ngunit abala naman ito sa study area. Sabagay, maging siya ay abala sa kanyang opisina. May ipinadala kasi si Annie. Kailangan niyang baguhin ang wedding gown. Hindi raw nagustuhan ng bride. Napasabunot siya sa buhok dahil wala talaga siyang maisip kung paano iyon babaguhin. Sinunod niya lamang ang binigay na preference ng bride. Wala siyang nakaligtaang detalye. Ngunit maging siya, alam niyang tila may kulang talaga roon. Kahit ang bride ay napansin iyon kaya naman humingi ito ng tulong sa kanila. Gusto nitong baguhin iyon ayon sa kanyang taste. "Anong gagawin ko rito?" tanong niya sa sarili at mas humigpit ang sabunot sa kanyang ulo. "May problema?" Agad na bumaling ang ulo niya sa nagsalita. Naroon si Rick sa kan

