"Mag-usap tayo!" Piniksi niya ang kanyang kamay nang hawakan siya nito. Pinahid niya ang luha sa mga mata. Gaya nito, wala na ang naglandas na mga luha sa pisngi nito. Tanging matigas na ekspresyon na lamang ang meron si Keipa na matamang nakatitig sa kanya. Tinalikuran niya si Keila, wala siyang panahon para i-entertain ito. May sarili siyang problema para dumagdag pa ito. Ngunit hindi pa siya nakakalayo nang muli siyang hablutin nito at mahigpit na hinawakan sa braso. Hinila siya ni Keila sa malapit na cafe. Padarag na naupo ito nang makapamili ng medyo tagong puwesto. Ngayon lamang napansin ni Alex na nakasumbrero ito at nakasuot ng malaking shades para itago ang mukha sa mga taong maaaring makakilala rito. Nagmatigas si Alex at hindi umupo. Nanatili lamang siyang nakatayo at nakat

