Chapter 69

1418 Words

Pareho silang nakaupo sa may bench at nakatanaw si Rick sa maliwanag na kalangitan. Nakaakbay siya sa kanyang asawa habang nakasiksik ito malapit sa kanyang kilikili at nakayakap dito. Nakamasid si Rick sa maliwanag na buwan at mga bituin habang hinahayaan ang asawang kumalma. Mas lalo pa nitong isiniksik ang sarili sa kanyang kilikili kaya niyakap pa niya ito ng mas mahigpit. "Hindi ka pa ba, nagugutom?" tanong niya mula sa paghaplos sa buhok nito. Naramdaman ni Rick ang marahang pag-iling ng asawa. "Ako nagugutom na ako ng asawa...uwi na tayo ng makain kita," pagbibiro niya para pagaanin ang sitwasyon ngunit hindi tuminag si Alex sa pagkakadukdok ng mukha sa kanya. Humugot siya ng malalim na hininga bago muling magsalita. "Alam ko kung bakit ka nagkakaganito.  It's about Keila, right?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD