"Bye, wifey!" Hinapit siya ni Rick sa beywang saka kinintalan ng halik sa labi bago ito pumasok sa kanyang sasakyan. Aalis ito para sa isang conference sa Manila. Tatlong araw itong mawawala. "Ingat ka. Tumawag ka pagkarating mo roon," bilin ni Alex. Tumalikod siya nang paandarin na ni Rick ang makina ng sasakyan. Nakakailang hakbang pa lamang siya nang muli niyang marinig ang pagbukas at pagsara ng pinto ng sasakyan. Papaharap pa lamang siya nang muli siyang hapitin ni Rick sa beywang at yakapin ng mahigpit. "Ma-mimiss kita, wifey. Isasama sana kita pero mas ayokong nasa Maynila ka," aniyang kinintalan siyang muli ng halik sa labi. Napanguso si Alex pero muli rin niyang hinalikan ang asawa. "Tatlong araw lang naman. Tatawagan mo naman ako kapag may oras ka 'di ba?" Kinulong ng p

