Chapter 49

1977 Words

Suot ni Alex ang isang red-hot tube pleated gown dahil mag-uumpisa na sila sa photo shoot para sa launch ng panibago nilang shop, bilang si Miss X. Nakataas ang kanyang buhok at  ang maskarang itim ay hapit sa kanyang mukha kaya hindi na niya kailangan na hawakan iyon. Nasa dressing room siya ngayon at hinihintay na lang ang hudyat na tawagin siya. Kasama niya sa loob ang make up artist niyang si Yssa at inaayos nito ang pagkakaayos sa kanyang buhok. Muli niyang sinuri ang sarili nang pumasok si Joella sa kanyang dressing room na maaliwalas ang mukha at sobrang laki ng ngiti sa labi. Parang  nanalo sa beauty pageant kung makarampa palapit sa kanya. "Stunning! Iba talaga ang dating kapag nakasuot ka na ng maskara. Fierce! Parang hindi ikaw!" pahayag ni Joella na ikinatawa na lamang niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD