Dumating naman sa tamang oras si Alex. Magmi-meet sila ng kliyente sa isang cafe. Pagpasok niya ay nakakuha agad siya ng atensiyon sa ibang taong naroon. May mga matang humahanga, may nakabuka pa ng bibig. Ang mga kalalakihan ay napalingon talaga sa kanya. The attention she's getting is overwhelming. Hindi pa rin siya sanay dahil nakatago lamang siya sa isang maskara kapag confident na confident siya. "Maybe, because of the dress," ika niya sa sarili at binalewala ang mga tinging naipupukol sa kanya. Nanatili siyang nakatayo malapit sa entrance at pinagala ang mata. Ayon kay Annie, kilala siya ng taong imi-meet niya kaya huwag na siyang mag-alala pa. Napailing siya dahil siguradong binugaw na siya ng kaibigan. Kilala siya nito pero siya ni walang litrato o kahit sana sinabi lang ang suot

