Chapter 47

1929 Words

Pinaharurut ni Alex ang sasakyan patungo sa isang lugar at sa isang taong mahalaga sa kanya. "Alex?" bulalas ni Annie nang mapagbuksan siya ng pinto. Agad itong yumakap sa kanya at humagulgol ng iyak. Maging siya ay napaluha. Ilang buwan  na rin siya sa Pinas ngunit ngayon niya lamang talaga ito dinalaw. Natakot kasi siyang makita ng kung sinong nagpapahanap sa kanya. Ngayong alam na niyang pinaniwalaan ni Rick na patay na siya, puwede na niyang madalaw ang kanyang matalik na kaibigan. Sigurado siyang titigil na si Rick sa paghahanap sa kanya. "Tama na ang iyak, pumapangit ka lalo eh," pagbibiro niya sa kaibigan nang ayaw siya nitong bitawan sa pagkakayakap. Sumisinghot-singhot pa ito. "Annie, baka panay uhog na ang damit ko ah, wala akong pamalit!" "Gaga!" asar na tinampal siya nit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD