Chapter 46

1135 Words

Pumasok siya sa opisina ng madre na namamahala sa orphanage na iyon. Isang orphanage na tumutulong sa mga batang may sakit. "Na-miss ka niya ng sobra. Halos ikaw ang bukambibig ng bata," ika nito at iginiya siya sa isang mesa. May nakahanda na roon na tsaa at tinapay. "Sister Sol, itutuloy ko po ang pag-ampon kay Sophia..." Mataman siyang tinitigan ng madre. Binabasa ang kanyang isip. Hindi niya alam ngunit naalangan siya rito kaya napaiwas siya ng tingin. "Sigurado ka ba, Alex?" Napalunok siya sa pagtawag nito sa pangalan niya. Ito lang ang hindi niya masabihang Xandra ang gusto niyang pangalan. Ibinaon na niya sa limot si Alex. "May sakit si Sophia. Hindi natin alam kung hanggang saan na lang ang buhay niya." Tumango siya. Pirmi na ang desisyon na meron siya. Gusto niyang punan ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD