"One more pose! Jeanna, hawakan mo ang balikat ni Xandra. Leah, lapitan mo pa siya. Good! Xandra pakitaas ng kaunti ang maskarang hawak mo--right! Right there," sigaw ng baklang photographer sa tatlong babaeng naka-pose. Nakasuot ang mga ito ng gowns. Sa kaliwa ay si Leah na nakasuot ng kulay bughaw na gown. Si Jeanna sa kanan naman ay nakasuot ng pulang gown at ang nasa gitna ay si Xandra na nakasuot ng puti habang hawak ang isang maskara na pantakip sa kalahati ng kanyang mukha. "Good! Very good, siguradong pagkakaguluhan na naman ito at maso-sold out! Okay wrap up na tayo!" sigaw ng photographer habang kinakausap na ng mga assistant. Para iyon sa catalogue sa summer collection nila. Tinanggal ni Xandra ang kanyang maskara. Tinapik niya ang dalawang modelong kasama. "Thanks, girls."

