Nakaharap ngayon si Rick sa isang bote ng alak sa kanyang condo unit. Pagkatapos humupa ang damdaming pinakawalan niya sa harap ng puntod ni Alex, nagpasya siyang magpakalunod muli siya sa alak para kalimutan ang sakit ng pagkawala ni Alex ng tuluyan sa buhay niya. Muli na sana niyang tutunggain ang nasa baso nang isang kamay ang pumigil sa kanya. Napalingon siya sa may-ari ng kamay na iyon. Kapagdaka'y nag-iwas siya ng tingin dito at pasimpleng hinila ang kamay niya. "Talaga bang sisirain mo ang sarili mo, Rick? Please, stop being guilty! Siya ang nang-iwan sa iyo, so stop making it hard on yourself!" Puno ng galit ang mga mata ni Keila na nakatitig sa lalaking nagpapakalango na naman sa alak. Napatawa si Rick sa sinabi ni Keila. Wapangbibang sisisihin sa lahat. Siya ang dahilan ka

