Isang linggo simula nang malaman niya ang sakit at maaring pagkamatay ni Alex, pinilit ni Rick na tanggapin ang lahat, sinisiksik niya sa sarili na maaaring wala na nga ito. Kahit pa ayaw talagang paniwalaan ng puso niya iyon. Halos ilang araw rin siyang wala sa sarili. Kung hindi lamang sa kanyang mga magulang, malamang ay nagpatalo na siya sa kalungkutan. Successful man ang operasyon ng kanyang ina, hindi niya gugustuhing bigyan ito ng sama ng loob kaya inilihim niya muna sa mga ito ang balitang nalaman tungkol kay Alex. Kahit pa gustong-gusto niya ng masasandalan. Ng balikat na maiiyakan. Sa mga oras na mag-isa siya. Ninais niyang naroon ang kanyang ina at ama para tapikin siya sa balikat at sabihin na okay lang, kailangan niyang magpatuloy sa buhay. Kailangan niyang tumayo muli at itu

