Chapter 42

1728 Words

Nakatanaw si Rick sa bintana ng kanyang condo unit habang hinihintay ang detective at kaibigan  na inupahan. Nasa Maynila siya ngayon para sa isang business meeting at para na rin sa isang bagay na madalas niyang gawin kapag naroon siya--ang hanapin ang babaeng hanggang ngayon ay gumugulo sa isip niya. Hindi lang sa isip kundi, dahilan kung bakit tila hungkag lagi ang kanyang pakiramdam. Dala ang baso ng alak, nakatanaw siya sa kadiliman ng gabi sa ikalabing limang palapag ng gusaling kinalalagyan niya. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago tunggain  ang alak na nasa baso. Napapatanong kung kumusta na ba ito? Masaya na ba uli ito? Nasaan na ba si Alex? Napalingon si Rick sa narinig na pagkatok sa pinto. Naglakad siya patungo roon. Pinagbuksan ang bisitang kanina pa hinihin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD