Agad na bumaba si Chester para pantayan ang batang nasa harapan niya. Nakaluhod ang isang tuhod niya sa sementong daan. Hinila at walang kaabog-abog na niyakap ang kanyang anak. Literal na humagulgol ito ng iyak. Alam nilang lahat na lukso ng dugo at ang hindi makakailang pagkakamukha ng dalawa ang nagsabing kanya ang bata. Na anak niya ito. Si Lexter naman na gulat na gulat ay napayakap na rin ang kamay pagkatapos tumingin sa gawi nila. Hindi tuloy maiwasan ni Alex na maluha na rin. Habang si Annie ay kanina pa humahagulgol ngunit pinipigilan sa pamamagitan ng pagtutop sa bibig. Lumapit si Alex sa kaibigan at niyakap ito. "It's time to let them know. Huwag mong ipagkait sa dalawa ang bagay na ito. They deserve to know that they are father and son." Lumakas ang hagulgol ni Annie. Ngay

