Nagsimula siyang maglakad palapit sa asawa habang nanatili lamang si Rick sa kinatatayuan upang hintayin siya. "Want some ice cream?" tanong nito nang makalapit na siya sa asawa. Tumango lamang si Alex at sumabay sa paglalakad ng asawa. Nagulat lamang siya nang akbayan siya nitong muli iginiya sa isang bench na malapit sa ice cream store. "Rocky Road and maple nut flavor, right?" tanong ni Rick sa asawa nang maayos na itong nakaupo. "Oo." Agad na tumalima si Rick at kaswal na naglakad patungo sa ice cream store. Habang naghihintay sa mahabang pila, pasulyap-sulyap siya sa asawang naghihintay. Nakayuko ito at pinaglalaruan ang paa. Parang bata na gimagalaw pa ang ulo na tila may musikang pinapakinggan. Mukhang masaya si Alex. Napasaya niya rin itong muli sa wakas! Hindi man buo, at le

