Nakakapit sa malaking kamay ng ama ang isang pitong taong gulang na si Alex. Tiningala niya ang ama at ito naman ay bumaba ang tingin sa kanya saka sila nagngitiang dalawa. Papunta sila sa mansyon ng mga Sebastian kung saan may gaganaping party dahil successful ang launching ng kauna-unahang furniture shop sa kanilang bayan. Furniture shop na mag-aangkat ng sariling atin na produkto sa ibang bansa. Ginawang kasosyo ang kanyang ama kahit wala namang perang naimbag ito sa naturang negosyo. Ito lang naman kasi ang utak sa mga disenyo ng mga furnitures, malaking ambag na iyon para ito ang pagkatiwalaang mamahala na rin sa negosyong iyon. "Daddy?" "Yes, my princess?" Nakangiting bumaba ang kanyang ama para pantayan siya. "May gusto ka bang sabihin?" Ngumisi siya, nakita tuloy ang bungal ni

