Chapter 66

1663 Words

"Gusto kong sumubok muli... sa iyo, Rick," saad ni Alex na nanginginig ang mga labi at may luhang namutawi sa mga mata niya. Hindi naman makapaniwala si Rick sa narinig mula sa asawa. Kaya naman walang kaabog-abog na inabot niya ito upang yakapin nang mahigpit. "Salamat, salamat Alex," usal niya nang paulit-ulit. At lalo pang nagpasalamat si Rick nang maramdaman niya ang pagtugon din ng yakap ni Alex. Kaya hindi na niya napigilan ang pag-iyak mula sa pagkakayakap. Idinukdok ang mukha sa balikat ng asawa at hinayaang tumulo ang kanyang luha. Ganoon din naman si Alex. Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib. Siguro nga ay panahon na para piliin niyang umusad at maging maligaya. Napahikbi siya dahil sa masayang damdamin ang pumupuno sa kanyang puso. Inilayo siya ni Rick at pinakatitigan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD