Matagal siyang nanatiling nakatulala at nakamasid lang sa kawalan habang rumaragasa ang masasakit na alaala ng nakaraan. Lahat-lahat simula nang mahalin niya si Rick. Pero ang mga pasakit na iyon ang nagpakatatag kay Alex. At aaminin niya sobrang masaya siyang minahal si Rick kahit pa nasasaktan siya noon. Dahil sa unang pagkakataon noon, may pinahalagahan siyang tao at ipinaglaban niya ng halos p*****n. Ipinaglaban niya kahit sabihin pang wala naman siyang napapala! Kaya hanggang ngayon ay litong-lito siya. Dahil unti-unti nang nalulusaw ang galit na binuo niya para kay Rick. Natitibag na nito ang pader na ginawa niya para ikulong ang sarili para hindi na muling masaktan. Muli niyang niyakap ang sarili habang tumagilid sa pagkakahiga. Pumikit siya hanggang sa gupuin na siya ng antok.

