Tatlong araw bago sumapit ang kaarawan ni Rick nang magpasyang lumabas si Alex. Ngayong araw ay makikipagkita siya kay Chester. May importante at kailangan silang pag-usapan. Pinagmasdan niya ang sarili sa salamin. Malaki nga ang ibinagsak ng kanyang katawan. Lagi na lang kasi siyang walang ganang kumain. Minsan ay tila siya nasusuka at sinisikmura. Buti na lamang at may vitamins na binigay ang doktor sa kanya na nakakatulong sa kalusugan niya. "You are not in good shape, Alex," pagalit na sita ng doktor sa kanya. Pinilit siya ni Chester na magpatingin sa doktor pagkatapos niyang mawalan ng malay sa hotel suite nito. "Dok, I am trying my best to eat. Medyo ayaw lang talaga sa akin ng pagkain ngayon," sagot niyang nahihiya na. Napalingon siya kay Chester na malakas ang buntong hininga h

