Nagkulong si Alex sa kuwarto at nakatulala. Nakatingin lamang siya sa kawalan habang nakaupo sa sofa. Halos lamukusin niya ang kumot na naroon. Wala na siyang maramdaman.Wala na siyang madama. Wala na siyang mailuha. Parang namanhid ang kanyang pagkatao dahil sa sakit na nararamdam. Kinasusuklaman niya ang sariling hinayaan niyang masaktan siya ng ganoon. Nagpakalunod siya sa isang pagmamahal na alam niyang siya rin ang agrabyado at talo. Isang one sided love. Napahawak siya sa kanyang tiyan. Tila humihilab iyon. Bigla na lamang siyang nilukuban ng takot. Humiga siya sa sofa para magpakalma. Kahihiga lamang niya nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa doon si Rick. Madilim ang mukha nitong bumungad sa kanya. Kahit nahihirapan siya ay umayos siya ng upo. Nagkunwaring maayos siya, kahit

