Giyo’s POV Madaling araw pa lang, bumangon na ako mula sa banig na nakalatag sa sahig ng bahay-kubo ko. Napatingin ako sa kahoy na dingding na halos madurog na sa kalumaan. Ang dalas kasi nang pag-ulan kaya napapadali rin ang pagsira nito. Sa labas, tahimik ang kapaligiran, pero sa kalooban ko, para bang may mga aninong gumagalaw sa dilim. Ilang gabi ko nang nararamdaman ito—parang may nagmamasid, sumusunod sa bawat galaw ko. Ang Baryo Fuentabella, na dati ay tahimik at payapa, ngayo ay tila nagiging balwarte ng panganib. Nawawala na rin ng tambay sa mga kanto, kahit mga lasinggero ay naubos din. Mga natatakot na. At ang masama pa ay mailap na ang mga tao sa akin. Iniisip nila na mapanganib ang magdidikit sa akin. Kung dati ay habulin ako ng mga kababaihan, lalo na ng mga bakla, ngayon

