Chapter 52

1079 Words

Third Person POV FLASHBACK  Sa araw na iyon, abala ang mga tao sa palengke. Iba’t ibang boses ang naririnig—mga tindera na nag-aalok ng gulay, prutas at kung anu-ano pa. Amoy ang sariwang isda at malulutong na gulay na nahalo sa maalikabok na hangin. Nasa gitna ng mga nagdaraang tao, isang babae ang tahimik ngunit halatang nagmamadali. May dala siyang cake na nasa loob ng kahon, maingat niyang iniingatan para hindi masira. Papunta siya sa isang birthday party at iyon ang cake na kaniyang ibibigay para sa selebrasyon. Habang naglalakad, abala siya sa pag-iwas sa mga tao. Ngunit sa dami ng nagkakabanggaan sa masikip na kalsada, hindi niya napansin si Giyo, isang lalaking may kalakihan ang pangangatawan at tila nalilito sa dami ng tao sa palengke. Nang makita niyang hindi makakaiwas ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD