CHAPTER 35 PAGKARATING NI Zia sa kaniyang condo unit ay namahinga lang muna siya sandali bago naisipan na magluto ng instant pancit canton. Hindi na kasi siya dumaan pa sa mga fast food chain sa labas kanina habang pauwi dahil inaantok siya. Balak niya munang umidlip kahit paano bago gumayak at magtungo sa The Alchemist. Habang hinihintay na kumulo ang tubig, naupo muna siya sa isang silya habang inabala ang sarili sa pagtingin sa kaniyang social media. Karamihan ay mga kasamahan niya sa pagmomodelo ang dumadaan sa kaniyang newsfeed. Wala masyadong relatives dahil hindi naman sanay gumamit ng ganoon ang kaniyang Aunt Mila. Binababa niya ang cellphone niya sa mesa nang maalala ang sinabi nito sa kaniya noong umuwi siya sa bahay nila… “Kumusta ang naging lakad mo? Okay naman ba?” tanong

