CHAPTER 36 PAGKARATING NI Zia sa loob ng The Alchemist ay maraming tao agad ang bumungad sa kaniya. Hinid naman nab ago sa kaniya ang ganoong klaseng lugar dahil maraming beses na siyang napasok dito. May mga kaibigan kasi siyang myembro ng exclusive membership club ng nasabing lugar. Patay-sindi angt mga ilaw at nakabibinging tunog ng musika ang siyang sumalubong sa kaniya. Pilit niyang inaninag kung mayroon ba siyang kakilala sa lugar na iyon ngunit wala pa siyang nakikita kaya mas pumasok pa siya. Sa gawing kanan ang pinaka-DJ spot habang sa kaliwang bahagi naman nakalagay ang mga mesa. Nasa gitna ang malaking dance floor. Sa paligid naman ay puno ng mga mesa na siyang okupado ng mga kostumer. Kahit kailan talaga ay hindi kumonti ang tao sa The Alchemist dahil kilala ang lugar na ito

