CHAPTER 34

1095 Words

CHAPTER 34 PAGKATAPOS NGA ng training sa maghapon na iyon ay kaagad na nagtipon-tipon sina Zia pati na ang kanilang managar na si Mommy Pitchie at sina Milan. Hindi naman sila ganoon karami. Wala pang sampu. Sinabihan sila ni Milan kung saan gaganapin at kung anong oras magkikita roon. Kinantahan pa nga nila ito ng birthday song. Nakakapit si Zia sa braso ni Mommy Pitchie habang kumakaway sa mga kaibigan. Isa-isang nagpaalam ang mga iyon hanggang ang maiwan na lang ay silang tatlo. Malapad ang ngiti ni Milan nang harapin sila. “Excited na ako,” anito na halatang-halata sa mukha dahil pati ang mga mata nito kumikislap.Pumalakpak pa nga ng mahina ang mga palad ni Milan. “Halata nga,” aniya rito. “Sige na at nang makapagbihis ka na rin. Kami kasi ay may pupuntahan pa,” ani Mommy Pitchie.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD