bc

HAIL THY BLOOD

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
murder
dark
manipulative
tragedy
twisted
mystery
evil
supernatural
school
like
intro-logo
Blurb

A girl where no one knows. A girl who appears everywhere. A girl who's a walking karma.

Once she appears in your life, you wouldn't get chance to run or hide because she can see you... EVERYWHERE.

She will judge you for your sins and will make you realize your wrong doings. But you don't have time to repent, so don't wait for her to come in your life. She's the walking karma that lives in Hell.

Author's Note: This story is inspired by girl from nowhere.

chap-preview
Free preview
CHRYSANTHEMUM
Human’s world is in so much chaos which makes their world the real Hell and demons of their own they are afraid of. So, when the right time has come, karma will strike back. And I, will be one of their judge to make them realize their sins.   The inhuman place makes human monsters. -          Stephen King, The Shining   Krista Reign O. Lopez’s POV Kasalukuyan kaming kumakain ngayon sa la mesa kasama ang aking pamilya. Masaya silang nag ku-kwentuhan, at nag tatawanan. Habang ako ay walang ganang kumakain sa pagitan nilang lahat. Tila ba wala ako sa tabi nila. “Oh, Krista, ayos ka lang?” iyon ang tinig ni mommy. Hindi ko siya nilingon at nag tuloy-tuloy lang sa pag kain. “Krista, kinakausap kita.” Mahinahon man ang kaniyang boses alam ko na naiinis na siya sa akin. Sakto namang natapos na ang pag kain ko kaya agad akong tumayo at uminom ng tubig. “Excuse me.” Wika ko pagkatapos kong uminom ng tubig. Lahat ng aking pamilya ay naka kunot ang noo habang nakatingin sa akin. Nagtataka sila sa ugaling pinapakita ko. Grabe. Ngayon lang nila naramdaman? Malamang wala lagi sa akin ang atensyon nila. Pag pasok ko sa kwarto ko ay sinarado ko ang pinto at sinalampak ang katawan ko sa ibabaw ng kama. Maya-maya ay nakaramdam ako ng antok hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Nang bumalik ang diwa ko ay dahan-dahan kong binuksan ang aking mata. Dahil Malabo pa ang paningin ko ay kinusot ko ang mata ko hanggang sa luminaw ang aking paningin. Una kong tinignan ang orasan ko dahil baka mamaya ay hindi ko namalayan na late na pala ako sa school. 7:30 a.m. na. 8::00 a.m. ang pasok ko kaya 30 minutes na lang ang meron ako. Idagdag mo pa ang byahe mula rito hanggang sa school. Dali-dali akong tumayo at pumasok sa banyo. Pagkatapos ay nag bihis na ako ng aking uniform at pinatuyo ang aking buhok. Naging bara-bara ang pag suklay ko dahil nag mamadali na ako. Tinali ko nalang ito para hindi mag mukhang magulo. Pag labas ko sa kwarto ay bumungad sa akin si mommy na nag luluto. Nang maramdaman niya ang presensya ko ay nilingon niya ako na may ngiti sa labi. “Oh, kumain ka na.” “Ma la-late na po ako.” Mahina kong sabi at dali-daling naglakad palabas ng bahay. Narinig ko pa na tinawag niya ang pangalan ko, ngunit wala na akong oras para kumain. Isa pa… ayaw ko muna siyang makasama.   Sakto namang may nakita akong dyip na paparating sa direksyon ko. Agad kong itinaas ang kanan kong kamay upang parahin ang dyip. Nang huminto ang dyip sa harap ko ay agad akong pumasok sa loob. “Sa Stone University po.” Ika ko sa driver. Kumuha ako ng six pesos sa wallet ko at binigay ito sa driver. Maya-maya’y  huminto ang dyip at pumasok ang isang babae na may kapareho kong uniform sa loob. Tumabi siya sa akin at agad ding nagbayad sa dyip. Nang tignan ko ang kaniyang pangalan sa kaniyang I.D. ay nangunot ang noo ko sapagkat mukhang ang first name lang niya ang nakalagay ‘di tulad sa amin na nakalagay ang last name at middle initial. “Hi!” gulat kong na i-angat ang mata ko sa kaniya nang bigla siyang magsalita. Mala anghel ang kaniyang mukha lalo na kapag nakangiti siya. “Ka-schoolmate pala kita.” Aniya at itinaas ang kaniyang kamay na tila ba gusto niya makipag kamay. “Serephina nga pala. Pwede makipag kaibigan?” seryoso ba siya? Kunsabagay, mukha naman siyang mabait. Tinanggap ko ang kaniyang kamay at pilit na ngumiti.” Krista. N-Nice to meet you.” Mas lumaki ang kaniyang ngiti at tila ba kumislap ang kaniyang mata. Aalisin ko na sana ang kamay ko sa kaniya nang bigla kong maramdaman na humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Pinilit kong alisin ang kamay ko sa kamay niya ngunit sadyang mas malakas siya sa akin. Ang weird ng isang ‘to. Idagdag mo pa na hanggang ngayon ay nakangiti siya sa akin. “Stone University!” sigaw ng driver. Doon na binitawan ni Serephina ang kamay ko. Nauna akong bumaba sa kaniya habang siya ay sumunod sa likod ko. “Sabay tayo!” aniya tsaka niya ikinawit ang kaniyang kamay sa braso ko. Nang maka pasok kami sa gate ay agad naming i-ti-nap ang aming I.D. Nang i-ta-tap na ni Serephina ang kaniyang I.D. ay biglang nag glitch ang monitor. Pinapasok na ng guard si Serephina dahil nga nasira ang monitor. Isa pa, dalawang minuto na lang ay mag uumpisa na ang klase. “So, anong section mo?” tanong ni Serephina. “Crimson. Ikaw?” bigla siyang napahinto kaya maging ako ay napahinto na rin. “Pareho tayo!” ngingiti na sana ako nang may na-realize ako. Pareho ang section namin pero bakit ngayon ko lang siya nakita? Transferee kaya siya? “Transferee ako.” Bigla niyang sabi sa akin na tila ba nababasa niya ang iniisip ko. “K-Kaya pala…” tatango tango kong sabi at muli na kaming nagpatuloy sa pag lalakad. Pagpasok namin ng classroom ay nandoon na pala ang teacher namin pero mukhang hindi pa siya nag sisimula magturo. Naupo na ako sa silya ko habang si Serephina ay naupo sa likod ko. Nang makita kami ng teacher namin ay nagsimula na siyang mag turo. Tutal naman ay kumpleto na kaming lahat at ilang segundo na lang ang natitira bago magsimula ang klase. Pagkatapos ng tatlong subject ay bumaba na kami papunta sa cafeteria para mag recess. Hanggang ngayon ay sumasama pa rin sa akin si Serephina. “Maghahanap na ako ng table natin.” Nakangiting aniya. “Sigurado ka? Gusto mo ako na bumili ng pagkain mo?” Umiling siya. “Hindi na. Hindi naman ako nagugutom.” Biglang nangunot ang noo ko. “Baka mamaya himatayin ka niyan o sumakit ang tiyan mo dahil walang laman ang tiyan mo.” Sa ‘di malamang dahilan ay bigla siyang tumawa. “Ayos lang talaga ako. Sige, maghahanap na ako.” Mukhang ayaw niya talagang kumain kaya hinayaan ko nalang siya. Um-order ako ng bisteak at mineral water tsaka ko hinanap si Serephina. Dumapo ang mata ko sa pinaka gitnang mesa. Naka patong ang kaniyang siko sa ibabaw ng mesa at naka patong naman ang kaniyang pisngi sa palad niya habang nakalingon sa akin ang kaniyang ulo. Nang magtagpo ang mata namin ay bigla niya akong nginitian. Maglalakad na sana ako papalapit sa kaniya nang biglang may kung sino ang bumangga sa akin dahilan para matapon ko ang dala-dala kong pagkain at water bottle. “Oh geez! Bakit ka kasi nandiyan?” hindi ko pinansin ang lalaking naka bangga sa akin. Tumayo ako habang naka suporta ang magkabilang kamay ko sa tuhod ko upang makatayo ako. “Krista!” napalingon ako sa harap ko. Bumungad sa akin si Serephina na tumatakbo palapit sa akin habang may halong pag aalala ang kaniyang mukha. “Ayos ka lang?” tanong niya nang makalapit siya sa akin. “Nasaktan ka ba?” aniya at sinuri ang katawan ko. “Ayos lang ako…” mahina kong wika habang naka tungo ang aking ulo. “Are you her friend?” hindi ko nilingon ang lalaki pero mukhang nilingon ito ni Serephina. “Sa susunod sabihan mo ‘yang kaibigan mo na huwag paharang harang sa daan para hindi ko nababangga. Oh! Pambayad sa pagkain.” Sa galit ko ay napayukom ang kamao ko pero wala na akong magagawa. Kailangan kong tanggapin ang pera tutal naman siya ang may kasalanan kung bakit natapon ang pagkain ko. Umalis na ang lalaki sa tabi namin at doon ko na naiangat ang ulo ko. Bumungad sa akin ang nag aalalang mukha ni Serephina. Ngayon lang mayroong tao na talagang nag aalala sa akin. “Maupo ka na muna. Ako na ang bibili.” Kinuha ni Serephina ang pera at naglakad papunta sa binil’han ko ng bisteak. Wala na akong nagawa kundi ang maupo na lang at maghintay. Kung tutuusin, ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan na talagang nag aalala para sa akin. Hindi tulad ng mga dati kong kaibigan na plastik. Maski rin sa bahay ay wala sa akin ang atensyon nila kaya napag iiwanan ako. Maka ilang saglit ay bumalik si Serephina na may dala-dalang bisteak. Inilagay niya ito sa tapat ko at ngumiti. “Kumain ka na.” magiliw niyang sabi sa akin habang nakangiti. Hindi ko na rin mapigilang mapangiti dahil nakakahawa ang ngiti niya. Lumipas ang ilang oras hanggang sa sumapit na ang uwian. Sabay kaming lumabas ni Serephina sa school at kasalukuyan kaming naglalakad ngayon sa gilid ng kalsada kung saan maraming nagtitinda. “Wala sa’yo ang atensyon ng pamilya mo? Baka naman akala mo lang?” tanong niya sa akin habang naglalakad kami. “Wala talaga ang atensyon nila sa akin. Hindi kasi ako ang paborito nila.” Nakangiti kong sabi kahit na sa loob-loob ko ay puno ito ng hinanakit. “Mmmm… “ tatango tango niyang sabi. “Teka lang ah?” aniya at tumakbo sa loob ng flower shop. Papasok na sana ako nang bigla siyang lumabas na may hawak-hawak na isang pink na bulaklak. “Para sa’yo.” Nagtataka man ay kinuha ko ang bulaklak. “Para saan ‘to?” “Para sa pagkakaibigan natin!” hindi ko mapigilang mapangiti. Pakiramdam ko muli akong nabuhay sa saya. “Anong bulaklak ‘to?” tanong ko habang sinusuri at inaamoy ang bulaklak. “Chrysanthemum.” Napatingin ako sa kaniya. “Ngayon ko lang narinig ang pangalang ‘yan.” Natatawa kong sabi. “Halika na!” muli kaming nagpatuloy sa paglalakad at sabay rin kaming nag dyip, pero siya ang naunang bumaba dahil mas malapit ang bahay niya kaysa sa akin. Pag dating ko sa bahay ay bumungad sa akin sina mommy, daddy at ang tatlo kong kapatid. “Oh, Krista! Halikana rito.” Anyaya sa akin ni daddy. Hindi ko siya pinansin at pumasok na lang sa kuwarto ko. Ayokong mabadtrip kaya hanggang maganda pa ang timpla ko ay iniiwasan kong makasalamuha sila. Inilapag ko ang bag ko sa baba ng sahig at naupo sa ibabaw ng kama habang hawak-hawak ko pa rin ang bulaklak at tinitignan ito. Hindi ko akalain na may taong darating sa buhay ko na magpaparamdam na espesyal ako. Kinabukasan ay masaya akong pumasok sa eskwelahan. Maaga akong nagising dahil ayoko nanamang makita si mommy. Pagpunta ko sa classroom ay laking gulat ko nang bumungad sa akin si Serephina nan aka upo sa kaniyang silya. Naka krus ang kaniyang braso habang naka sandal ang kaniyang likod sa sandalan ng kaniyang upuan. “SEREPHINA!” tawag ko sa kaniya. Agad naman niya akong nilingon at muli nanamang bumungad sa akin ang kaniyang ngiti. Ipinatong ko ang bag ko sa ibabaw ng silya ko at naupo sa katabing silya niya. “Mukhang masaya ka ngayon ah?” aniya. Sunod-sunod ang nagging pag tango ko. Natatawa pa nga ako sa sobrang saya. “Tungkol sa problema mo sa pamilya mo… meron akong solusyon.” Nawala ang ngiti ko at napalitan ito ng pagtataka. “Hindi ba’t gusto mo maramdaman na espesyal ka na parang nasa’yo ang atensyon ng pamilya mo?” “O-Oo… bakit?” “Dahil kaibigan na kita, gusto kitang tulungan.” “S-Sigurado ka?” “Mm! Mamayang uwian punta tayo sa condo ko. Sigurado akong magugustuhan mo ang plano ko.” Aniya at humarap sa blackboard. Ang kaninang matamis niyang ngiti ay napalitan ng nakakapangilabot na ngisi. Ngayon ay tila estranghero ang babaeng nasa harap ko. Biglang tumaas ang balahibo ko at nanlamig ang kamay ko. Kilala ko ba talaga ang babaeng ito? Pagkatapos ng uwian ay sabay ulit kaming naglakad ni Serephina. “Anong plano mo?” tanong ko. Hindi niya ako nilingon. Nanatili lang ang tingin niya sa harap habang may ngiti sa kaniyang labi. “Malalaman mo ‘pag dating natin sa condo.” “I-Ikaw lang ba ang mag-isa sa condo mo? Nasaan ang pamilya mo?” sa pagkakataong ‘to ay nilingon na niya ako. “Nasa impyerno.” Bigla akong natigilan sa paglalakad. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon. Katulad rin kaya ng pamilya ko ang pamilya niya kaya nasabi niya iyon? Dahil nahuhuli na ako sa paglalakad ay tumakbo ako upang makahabol sa kaniya. Katulad nga ng sinabi niya ay pumunta kami sa condo niya. Pagpasok ko sa loob ay hindi ko mapigilang magtaka dahil halos walang kalaman-laman ang condo niya. Hindi pa maaliwalas ang paligid kahit buksan mo ang ilaw. “Maupo ka.” Aniya. Naupo ako sa kaisa-isang upuan niya habang siya ay dumiretso sa kitchen niya. Hindi ko makita kung ano ang kinukuha niya dahil malayo siya sa akin. Muli siyang humarap sa akin habang ang kanan niyang kamay ay nakatago sa kaniyang likod. Nang i-angat ko ang paningin ko sa kaniya ay bumungad nanaman sa akin ang kaniyang ngiti. Ngiti na magpapakabog ng dibdib mo. Huminto siya sa tapat ko at sa pagkakataong ‘to ay inilabas na niya ang kanan niyang kamay. Nang bumungad sa akin kung ano ang hawak hawak niya ay tila ba nagimbal ang mundo ko. Llaong lumakas ang kabog ng dibdib ko at namumuo na nag pawis sa kamay at noo ko. Nanginginig na rin ang kamay at tuhod ko at ramdam ko ang pamumutla ng mukha ko sapagkat ang bagay na hawak hawak niya ay isang napakatalim na kutsilyo. “S-Serephina… a-anong ibig sabihin n-nito?” tama nga ang hinala ko… hindi ko pa tuluyang kilala ang babaeng ito. “Hawakan mo.” Naguguluhan man ay kinuha ko ang kutsilyo sa kaniya at tumayo. “Ngayon… isaksak mo ‘yan sa akin.” Napa atras ako sa gulat. Hindi ko akalain na sasabihin niya ang mga katagang ‘yon. Kung titignan mo nag mukha niya ngayon tila ba wala lang sa kaniya ang mga salitang ‘yon. “N-Nagbibiro ka ba? Prank ba ‘to?” pinilit kong tumawa kahit na sa dibdib ko ay tila ba may mga nagkakarerang kabayo. “Krista, magkaibigan tayo.” Aniya gamit ang malungkot niyang boses. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at tinutok ang kutsilyo sa kaniyang dibdib. “Kaya gusto kitang tulungan. Akala ko ba gusto mo makita at maramdaman kung gaano ka ka espesyal sa magulang mo?” Inis kong inalis ang pagkatutok ng kutsilyo sa dibdib niya, ngunit sadyang malakas talaga siya at mukhang wala akong laban sa kaniya. “Huwag kang mag-alala…” inalis niya ang kaliwa niyang kamay sa kamay ko kaya tanging ang isa nalang niyang kamay ang humahawak sa dalawa kong kamay. Doon na ako nagpumiglas, ngunit laking gulat ko dahil wala pa rin akong laban sa kaniya. Ngunit hindi ako tumigil. Pinilit kong magpumiglas kahit na alam kong wala akong laban sa kaniya. Bigla ko na lang din naramdaman na tumutulo na ang luha ko sa pisngi ko. Gusto kong makawala pero wala akong lakas. “Shhh…” aniya na tila ba pinapatahan ako. Inilagay niya ang kaliwa niyang kamay sa buhok ko at nilagay niya ito sa likod ng tainga ko kaya lalo akong nagpumiglas. “Alam kong natatakot ka… pero kapag sinunod mo ang sinasabi ko, matutupad ang hiling mo. Kapag pinatay mo ako, ipalit mo ang uniform mo sa uniform ko. Pagkatapos, sirain mo ang mukha ko at ilagay mo ang katawan ko sa ilog. Gusto mo bang malaman ang susunod na mangyayari?” tumigil na siya sap ag hawak sa buhok ko at tumingin sa mata ko. Maging ako ay napatigil din sap ag piglas. “Secret! HAHAHAHAHAHAH! HAHAHAHAHAHAHA!” Sa pagkakataong ‘to ay muli ko nanamang natunghayan ang ibang pagkatao ni Serephina. Hindi ko na maigalaw ang buong katawan ko sa takot dahil ang babaeng nasa harap ko ngayon… ay isang demonyo. “BWAHAHAHAHAHHA! BWAHAHAHAHAHAHAHA!” Nakakabingi ang kaniyang pag tawa. Tila ba mababaliw na ako sa kakatawa niya. “T-Tama na… tama na…” mahina kong pakiusap sa kaniya habang lumilingon lingon sa paligid na tila ba na-pa-praning ako. At mukhang na-pa-praning na nga ako dahil ang kaniyang halakhak ay naririnig ko sa likod at gilid ng tainga ko. Walang katapusan ang kaniyang pag tawa. Nakakabingi. Nakakabaliw. Nakakatakot. “TAMA NAAAA!!!” Hanggang sa hindi ko namalayan na naisaksak ko na pala ang kutsilyong hawak hawak ko sa dibdib ni Serephina. Napa hinto siya sa pag tawa ngunit may ngiti pa rin nag labi niya at sa isang iglap ay bumulwak ang dugo sa kaniyang labi. “S-Serephina…” BLAG! Napa atras ako nang bigla siyang natumba sa paanan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko mababaliw na ako. Gulong gulo ang isipan ko at hindi ko magawang ikalma ang sarili ko. “. Kapag pinatay mo ako, ipalit mo ang uniform mo sa uniform ko. Pagkatapos, sirain mo ang mukha ko at  ilagay mo ang katawan ko sa ilog.” Tama… ‘yon ang sinabi niya sa akin. Aligaga kong inalis ang uniform ko at uniform niya. Nanginginig ang kamay ko at walang tigil ang pag tulo ng luha ko kaya medyo natigilan ako sa kakapunas ng luha ko at pagpapakalma sa sarili ko. Nang maipalit ko na ang uniform namin ay naghanap ako ng mapaglalagyan ng katawan ni Serephina. Sa loob ng kaniyang kwarto ay mayroong isang malaking maleta na kulay itim. Kinuha ko ito at aalis na sana nang biglang dumapo ang tingin ko sa salamin. Puro dugo ang uniform ko. Pati ang mukha ko ay nadungisan hanggang sa ‘di ko na namalayan na unti-unting sumilay ang ngiti ko sa aking labi. Tama… walang makaka alam. Ito ang plano ng kaibigan ko. Kaibigan ko…. Kaibigan ko siya. Dapat ko siyang pagkatiwalaan. Lumapit ako sa katawan ni Serephina pikit mata kong pinag sa-saksak ang kaniyang mukha. Pagkatapos ay inilagay ko ang kaniyang katawan sa loob ng maleta. Kumuha ako ng itim na kapote para takpan ang uniform na suot-suot ko dahil marami itong dugo. Napakabigat ng maleta pero mukhang hindi ako mahihirapan dahil malapit lang ang ilog sa condo niya. Binukan ko ang maleta at binuhat ang kaniyang katawan tsaka ko buong lakas na itinapon ito sa ilog. Nilingon ko ang paligid dahil baka ay makakita sa akin. Mabuti na lang ay walang gaanong tao sa paligid kaya bibihira ang dumadaan sa ilog. Bumalik ako sa condo niya at doon ako naligo. Sa sobrang pagod ko ay nakatulog na ako sa kama ni Serephina. “BWAHAHAHHAHA! BWAHAHAHAHA! BWAHAHAHAHA!” “KRISTA~” “KRISTAAAAA!!” “Serephina nga pala. Pwedeng makipag kaibigan?” “BWAHAHAHAHHAHA!” “Nasa impyerno.” Nang biglang gumising ang diwa ko ay dali-dali akong naupo habang habol-habol ang aking hininga. Namumuo ang pawis sa noo ko at nanlalamig ang buo kong katawan—” “Krista.” Nang lingunin ko ang gilid ko ay bumungad sa akin ang mukha ni Serephina na puno ng dugo at saksak. “AAAAAHHHHHH!!!” Sa pagkakataong ‘to ay muli akong nagising. Sinampal sampal ko ang sarili ko upang tignan kung nagising na ba talaga ako. Anong klaseng panaginip ‘yon? Tumayo ako sa kama at lalabas na sana sa kuwarto ko nang biglang bumukas ang TV ng kuwarto at bumungad sa akin ang balita. Nang tignan ko ang headline ay biglang nanlambot ang tuhod ko dahilan para mapa upo ako sa sahig. ‘Isang highschool student ang natagpuang palutang-lutang sa ilog.’ At sa loob ng video ay bumungad sa akin ang aking pamilya na umiiyak. At hindi ko inaasahan ang pakiramdam na ‘to. Sobrang saya. Sa sobrang saya ko ay hindi ko mapigilang humalakhak. “SA WAKAS! SA WAKAAAASSS!!” Lumipas ang tatlong araw na mag-isa ako sa condo. Naging matunog ang pagkamatay ni Serephina sa mga tao. Balak ko ring pumunta sa funeral ni Serephina para makita ang magulang ko. Gusto kong makita ang luha nila at pagluluksa dahil ibig sabihin lang no’n na espesyal ako sa kanila. Tama… espesyal ako. Sumakay ako ng dyip at pagkatapos ng sampung minuto ay narating ko ang funeral. Naupo ako sa pinaka dulo habang pinapanood ang magulang ko na todo himpit ang pag-iyak. Hindi ko akalain na ganito ako ka-espesyal sa kanila…Tama nga si Serephina… Mabuti na lang at napatay ko siya. Lumipas ang ilang araw, Linggo, at buwan. Hindi na ako pumapasok sa eskwela. Lagi na lang ako sa loob ng Condo ni Serephina. Minsan na lang ako makatulog dahil lagi kong napapanaginipan si Serephina. Doon ko rin na realize na… mukhang napa ikot ako ni Serephina. Pansamantala lang ang kaligayahang ‘yon. Hindi ko man lang naisip. Pero ang isa sa pinaka pinagsisisihan ko ay naging bulag ako. Espesyal ako at lagi silang nag-aalala sa akin. Ako lang itong tinataboy sila… ang tanga tanga ko. Ako ang may mali, hindi sila. Kundi dahil kay Serephina… hindi ko ma-re-realize ang bagay na ito. At ngayong kailangan ko ng pamilya sa tabi ko ay wala sila. Pero may paraan pa… magpapakita ako sa kanila. Sasabihin ko ang lahat na nangyari. Maniniwala sila sa akin dahil anak nila ako. Iyon ang akala ko. “Lumayas ka kundi ipapa pulis kita!” sigaw sa akin ni mommy habang namumula ang mukha sag alit at inis. “IMPOSTOR KA! LUMAYAS KA! LAYAS!” Sigaw ni daddy. Hindi ako makapaniwala… taliwas ito sa akala ko. Sa huli ay bumalik ako sa condo na tila ba natalo ng Malaki sa iang pustuhan. Kung tutuusin nga mas sobra pa ang nararamdaman ko ngayon. Imbis na dumiretso ako sa kuwarto ko ay dumiretso ako sa kitchen. Walang emosyon kong kinuha ang kutsilyo na ginamit ko pang saksak kay Serephina. Itinutok ko ito sa dibdib ko at ngumiti habang tuloy-tuloy ang ag tulo ng luha ko. Hindi ko akalain na magbabago ang buhay ko nang dumating sa mundo ko si Serephina. Ipinikit ko ang mata ko at huminga ng malalim. Sa huling pagkakataon, iiwan ko ang mundo na may ngiti sa labi. -          *     -   Palubog na ang araw at presko ang simoy ng hangin sa paligid. Ngunit tila naman bumagyo ng lungkot ang isang libingan kung saan ni isang bisita ay walang dumating.   Tila ba walang pamilya ang isang ‘yon…   Ngunit may isang babaeng dumating. Sinisilip niya ang babaeng nasa loob ng kabaong at bahagyang iginilid ang kaniyang mukha habang nakalagay ang magkabilang kamay sa kaniyang likod.   Bumuntong hininga ang babae at inilabas niya ang kaniyang kanang kamay mula sa kaniyang likod kung saan may hawak-hawak siyang isang bulaklak na kung tawagin ay Chrysanthemum.   Itinutok niya ito sa kabaong ng babae at binitawan ang bulaklak. Nang dumapo ang bulaklak sa ibabaw ng salamin ay tinalikuran na siya ng babae at nagpatuloy sa paglalakad.   “Family… friendships… they are the same. You just need to lose someone to realize something.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

The Succubus Queen

read
27.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.0K
bc

His Obsession

read
104.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook