MAHIGPIT ang pagkakasalo niya kay Cassandra, isang kamay sa likod nito, isang kamay sa balikat. Ramdam niya ang gaan ng katawan nito. Noong nandito pa ito sa puder niya ay maganda ang katawan nito at blooming talaga. Pero ngayon ay para na itong tumanda sa sobrang kapayatan.
“Cass… Cass, look at me.”
Pero nakapikit si Cassandra. Bahagyang namimilog ang mga mata niya sa ilalim ng talukap, tila nilalabanan ang hilo.
“Uwi na ako, Conrad. Hinahanap na ako ng asawa ko!” Sambit pa ni Cassandra sa kabila ng kalasingan.
“s**t…” bulong niya sa sarili.
“Kahit anong gawin mo Cassandra hindi na kita hahayaang bumalik sa tarantado mong asawa. Pinapa-imbestigahan ko na ang Alex na ‘yon kung sino man ‘yon. Mananagot siya sa pananakit niya sa ‘yo!” mariin niyang turan. Pero hindi niya sigurado kung naiintindihan ba siya ni Cassandra.
Unti-unting iminulat ni Cassandra ang mga mata niya pero malabo pa rin ang paningin. Ang una niyang nakita ay ang mukha ni Conrad—malapit. Masyadong malapit.
“S—Sabing bitawan mo ako? kaya ko ang sarili ko, Conrad! Doon ka kay Antonia mo. Mahal na mahal mo ‘yon ‘diba?”
Kahit sa kabila ng esperitu ng alak ay hindi pa rin nakakalimot si Cassandra. Para bang automatic na agad sa dulo ng dila niya.
“Hold tight, Cass!” saad lang ni Conrad.
“C—Conrad…”
“Dadalhin kita sa loob!” sagot niya habang naglalakad at buhat si Cassandra.
“Hindi… ayoko sa loob… masyadong malamig…” kumunot pa ang noo ni Cassandra. Hindi maiwasang mapangiti ni Conrad dahil parang batang nagrereklamo si Cassandra.
Napangiti si Conrad kahit hindi dapat lalo na nang mas lalo lang siniksik ni Cassandra ang mukha sa dibdib ni Conrad. Doon niya naramdaman ang init na kanina pa niya hinahanap.
Natigilan si Conrad.
Ganito rin siya dati. Ganitong-ganito si Cassandra noon kapag nilalamig sumisiksik sa dibdib niya.
Nilapag niya muna si Cassandra sa sofa at nakayuko siya kaya nasa ilalim niya ito.
“Cassandra…” marahan niyang sambit.
Pero imbes na itulak siya palayo, hinawakan pa ni Cassandra ang laylayan ng damit niya.
“Sandali lang…” bulong nito.
“Okay. I’m right here, Cassandra.”
“Tubig…” bulong ni Cassandra na bahagyang namimilipit ang noo.
Mabilis siyang kumuha ng tubig sa mini bar at bumalik. Inalalayan niya itong makaupo.
“Dahan-dahan lang.”
Pero nang iaabot niya ang baso, biglang nadulas ang kamay ni Cassandra at natapon ang kalahati sa damit ni Conrad.
Pareho silang natigilan.
Ang tubig ay dumaloy mula sa dibdib pababa sa tiyan niya.
Napayuko si Cassandra.
“Sorry…” mahina niyang sabi.
Ngunit hindi doon nakatingin si Conrad. Kundi kay Cassandra habang hinahaplos nito ang dibdib niya. Dala na rin ng kalasingan ay naging matapang si Cassandra. Dumausdos ang kamay niya mula sa dibdib hanggang sa abs ni Conrad. Pero hinayaan siya ni Conrad.
Nakatingin siya sa mukha nito namumula, nangungusap at masyadong malapit na naman.
“Cass…” halos pabulong na sambit ni Conrad. Sunod-sunod siyang napapalunok ng pabab nang pababa ang palad ni Cassandra. Pero hindi niya ito pinigilan hanggang sa kanyang short at agad na napasinghap si Conrad nang mahawakan ni Cassandra ang sandata niya.
“W—What are you doing, huh?” natatawang saad niya. Pero tumayo agad ang alaga niya sa kamay ni Cassandra. Kahit pa may short siya ay ramdam niya ang init ng palad nito.
“Conrad…” sambit niyang hindi malinaw kung galit, takot, o pagod lang.
Subalit sa kabila ng tension sa pagitan nila ay bigla na lang tumulo ang luha ni Cassandra sa gilid ng kanyang mga mata.
Nagulat si Conrad. Hinaplos niya ang mukha nito, sa kabila ng pagdurusa ng dating asawa ay bakas pa rin ang napakaganda nitong mukha. Ang mukhang ito lamang ang hindi nagbabago, napakaganda pa rin ni Cassandra.
“Hey… bakit ka umiiyak?”
Hindi agad nakapagsalita si Cassandra. Parang sabay-sabay na bumalik ang lahat—lamig, pagod, alaala, galit, at kung ano pa mang pilit niyang tinatago mula nang tumapak siya muli sa mansyon na ito.
“Namiss kita, Conrad.”
“I missed you too, Cassandra. I miss you more than you know. But you keep pushing me away. You’re so cold… cold as ice, Cassandra. You don’t even let—"
Bago pa makapagsalita si Conrad ay bigla siyang kinabig ni Cassandra sa kwelyo ng polo damit niya.
Nagulat si Conrad.
“Cass—”
Pero hindi na niya natapos ang sasabihin.
Dahil sa isang iglap, dumampi ang labi ni Cassandra sa labi niya.
Natigilan siya uli.
Nanlaki ang mga mata niya sa unang segundo.
Pero nang maramdaman niya ang pagkibot ng labi nito ay dahan-dahan siyang napapikit.
Tinugon niya ang halik ni Cassandra.
Parang dalawang taong hindi sigurado kung tama pa ba ang ginagawa nila.
Ilang sandali lang. Ilang segundo ng kahinaan.
Hanggang sa unti-unting lumambot ang katawan ni Cassandra sa mga braso niya.
Hindi na ito gumagalaw.
“Cass?” marahan niyang tawag.
Bahagyang umatras si Conrad at tiningnan ang mukha nito.
Tuluyan na itong nakatulog.
Namumula ang pisngi. Bahagyang nakabuka ang mga labi.
Napapikit nang mariin si Conrad.
Para bang pinipigilan niya ang sariling mag-isip ng kung anu-ano.
Pagkatapos ay napailing siya.
At sa huli… natawa siya.
“Grabe ka, Cassandra. Ikaw ang unang umatake tapos ikaw rin ang sumuko.” Panghihimutok ni Conrad na bakas ang pagkabitin sa ilang sandali ng mga labi nilang magkalapat. Pero hindi maipaliwanag ang sayang namutawi sa kanyang puso. Bakas ito sa kanyang mukhang maliwanag na tila ba naglaho ang lahat ng mga iniisip niya. Sa negosyo, sa karera at maging sa mga personal na bagay.
Maingat niya itong binuhat muli. Sa halip na dalhin sa guestroom, dire-diretso siya sa sarili niyang kuwarto.
Dahan-dahan niya itong inihiga sa kama. Inaayos ang unan. Hinawi ang buhok na tumatakip sa mukha nito.
Saglit siyang tumayo sa tabi ng kama, pinagmamasdan siya.
Tinabihan niya si Cassandra. At sa gitna ng gabing punong-puno ng hindi pa nasasagot na tanong… pareho silang nakatulog nang napakahimbing.