Kabanata - 15

1838 Words
TAHIMIK ang opisina sa pinakataas na palapag ng gusali ng kumpanya ni Conrad. Malawak ang silid, may malalaking salamin na mula sahig hanggang kisame kung saan tanaw ang buong syudad. Sa ibaba, parang maliliit na ilaw at gumagalaw na tuldok ang mga sasakyan sa kalsada. Magaan ang aura niya dahil napakaganda ng gising niya kanina. Tulog pa nga si Cassandra nang magising siya. Hindi niya maiwasang mapangiti habang papasok sa elevator dahil naalala na naman niya kung paano siya hawakan nito sa dibdib hanggang sa kanyang pagka lalaki. Kahit na matagal na silang hiwalay ay tumitigas pa rin ang sandata niya sa dating asawa. Kanina naman nang umalis siya ay humihilik pa si Cassandra. Pagkapasok niya sa opisina, ay agad rin kumatok aang kanyang secretary sa pinto. “Come in.” Pumasok ang kanyang secretary na may dalang tablet at ilang dokumento. Halatang maingat ang kilos nito sa loob ng opisina. “Good morning, Sir. The board members have already arrived. They’re waiting for you in the conference room.” Sandaling tumahimik si Conrad bago siya lumingon mula sa bintana. Inayos niya ang cuff ng kanyang suit bago kinuha ang coat na nakasabit sa likod ng upuan. “Is everyone present?” “Yes, sir. The investors from Singapore and the executives from the partner companies are already seated.” Bahagyang tumango si Conrad. Naunang lumabas ang secretary habang sinusundan siya ni Conrad sa hallway ng executive floor. Tahimik ang buong palapag, ngunit ramdam ang bigat ng meeting na magaganap. Bago tuluyang lumabas si Conrad ng kanyang opisina, bigla siyang huminto sa tabi ng mesa. Saglit siyang nag-isip bago kinuha ang kanyang telepono. Pinindot niya ang numero ng mansion. Ilang segundo lamang ay may sumagot na kasambahay. [“Good morning, sir,”] magalang na bati nito. “Good morning. Is Cassandra awake?” [“Hindi pa po Sir. Chineck namin kanina tulog pa po.”] Bahagyang kumunot ang noo ni Conrad habang nakatingin sa salamin ng kanyang opisina. Tumingin siya sa relo niya. Mag-alas diyes na ng umaga. “Still sleeping?” [“Yes, sir. Kanina po tiningnan namin humihinga naman po ang tiyan niya. Humihilik po siya ng mahina kaya buhay pa naman po.”] Sa halip, naging kalmado ang kanyang boses. “She’s probably just exhausted. Huwag n’yong gigisingin. Let her rest.” [“Yes po, sir.”] Pinutol ni Conrad ang tawag at dahan-dahang ibinaba ang telepono sa mesa. Sa loob ng ilang segundo, tahimik lamang siyang nakatayo roon. Hindi niya alam kung bakit… pero may kakaibang pakiramdam sa kanyang dibdib. Gayunpaman, umiling siya nang bahagya at muling inayos ang kanyang suit. Tuluyan na siyang lumabas ng office. Pagdating nila sa malaking conference room, bahagyang bumukas ang pinto. Sa loob, naroon ang mga taong bihirang magsama-sama sa iisang mesa mga investors, at mga makapangyarihang personalidad sa industriya. Ngunit nang pumasok si Conrad ay unti-unting natahimik ang silid. Umupo si Conrad sa pinakadulong upuan ng mesa. Nagsimula ang meeting, agad na nagbukas ng presentation ang isa sa mga senior executives’ ng kumpanya. Lumitaw sa malaking screen sa gitna ng conference room ang mga graph at financial reports. Tahimik na nakaupo si Conrad sa head seat ng mesa habang nakikinig pero eryoso ang ekspresyon ng mukha. “Good morning, everyone,” panimula ng executive habang ipinapakita ang unang slide. “As you can see from the latest financial report, the company’s growth has exceeded our projections for this quarter.” Lumipat ang slide at ipinakita ang mas mataas pang graph. “Our international partnerships have expanded significantly. The new medical technology division alone increased our revenue by more than seventy percent.” May ilang board members ang bahagyang napangiti at nagkatinginan. Pero si Conrad habang patagal nang patagal ay lumilipad bigla ang isip niya. Iniisip si Cassandra kung ano kaya reaction nito na magising sa kama niya. Naalala kaya nito ang pinangagawa kagabi dala ng kalasingan? O hindi na? nakakapanghinayang naman! Kinuha niya ang phone sa bulsa saka may mga tinext siyang importanteng tao. Nagpalakpakan ang mga nasa room kaya napakurap si Conrad. Natapos na pala ang presentation na hindi niya napapansin ang oras. Marahang tumayo ang isang matandang lalaki sa kabilang bahagi ng mesa. Isa siya sa pinakamatagal na tao sa kumpanya isa sa mga pinagkakatiwalaan pa ng pamilya Del Carmen mula pa noong panahong pamumuno ni Doña. Bahagyang ngumiti ang matanda habang tumingin sa kanya. “Sir Del Carmen. I’ve been with this company since your grandmother’s time.” Napatingin sa kanya si Conrad. “I just want to say… congratulations.” Napangiti si Conrad sa lalake at nakipagkamay siya mismo kaya tuwang-tuwa ang matanda. Mukhang malapit na rin itong magretired bakas na ang dekadang pagtatrabaho sa kanyang buhok. “If Doña Carmelita were here today. She would be very proud of you.” “Thank you,” maikli ngunit taos puso niyang sagot. Lumabas na silang lahat habang naiwan ang ibang empleyado. Dumiretso na siya sa office niya at nakasunod naman ang secretary na patuloy sa mga notes nito. Pagtingin niya sa relo ay 11: 30 na tamang-tama para sa lunch. Pinindot niya ang numero ng restaurant sa Shangri-La. “Good morning. High Street Cafe. How may I assist you?” magalang na bati ng receptionist sa kabilang linya. “Good morning. This Dr. Conrad Del Carmen,” kalmadong sagot niya. “I’d like to reserve a private table for lunch.” [“Of course, sir. For how many people?”] “Two.” [“Certainly, sir. Your table will be ready.”] “Thank you,” maikli niyang sagot bago pinutol ang tawag. Ibinaba niya ang telepono at sandaling napaisip. Hindi madalas mangyari na magkita silang dalawa ni Cassandra. Ilang beses lang ba, tatlong beses sa ilang buwan nakalipas. At kahit matagal na silang hiwalay ay may mga bagay na hindi pa rin tuluyang nawawala. Muling kumatok ang secretary niya sa labas. “Come in. Bahagyang bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang secretary na may hawak na tablet. Lumapit ito sa kanya at bahagyang yumuko. “Sir, a reminder,” mahinahon nitong sabi. “You have a lunch meeting today with—” Ngunit bago pa nito matapos ang sasabihin, agad siyang pinigilan ni Conrad. “Cancel it.” Sandaling natigilan ang secretary. “Sir?” bahagya nitong ulit. Kalmado lamang ang mukha ni Conrad habang nakatingin sa mga dokumento sa harap niya. “I already have plans for lunch today.” Turan niya, Tahimik ang secretary sa loob ng ilang segundo. Kilala nito ang boss niya bihira itong mag-cancel ng meeting, lalo na kung sa ikakalago lalo ng kumpanya. Ngunit agad din itong tumango. “Understood, sir. I’ll inform them immediately.” Tumayo si Conrad mula sa kanyang upuan at inayos ang kanyang suit. “I’ll be stepping out for a while.” “Yes, sir.” Lumabas siya ng office habang ang secretary naman ay agad na naglakad upang ipaalam ang kanseladong meeting. Maya-maya, nakarating si Conrad sa parking area ng gusali. Nakahanay roon ang mga mamahaling sasakyan ng mga executives, ngunit may sariling parking space ang kanyang kotse. Tahimik niyang binuksan ang pinto ng kanyang sasakyan bago siya sumakay. Makalipas ang ilang minuto, huminto ang kanyang sasakyan sa isang eleganteng flower shop. Pumasok si Conrad sa loob at agad siyang sinalubong ng mabangong amoy ng sari-saring bulaklak. Lumapit ang isang saleslady. “Good afternoon, sir. How may I help you?” Tumingin siya sa mga bouquet na nakahanay sa display. “For someone special,” sagot niya nang simple. “Would you like red roses, sir?” Sandaling napaisip si Conrad bago siya tumango. “Yes, please.” Habang inaayos ng saleslady ang bouquet, tahimik lamang siyang nakatayo roon. Makalipas ang ilang sandali, iniabot sa kanya ng saleslady ang bouquet. “Here you go, sir.” Tinanggap iyon ni Conrad bago siya muling naglakad palabas ng flower shop. Binabaybay niya ang kahabaan ng Edsa at panaka-nakang tumitingin sa pulang rosas para kay Cassandra. Noong una niyang binigyan ito ng rosas ay inutos pa sa kanya ng Lola niya. Sa totoo lang ay napilitan lang siya noon pero ang saya ni Cassandra ay hindi matatawaran. Parang nana lot sa lotto sa simpling bulaklak na ‘yon. Kaya ngayong bibigyan niya ito na hindi kailangan pagsabihan, hindi kailangan pilitin dahil siya mismo ang bumili na walang dumidikta. Sigurado ay muli niyang makikita ang masayang mukha ng ex-wife niya. Binilisan niya pa lalo ang pagmamaneho upang makarating siya agad. Pagkapasok lang sa subdivision ay matulin pa ang patakbo niya hanggang sa tapat ng gate. Hindi na niya na-ipark ang sasakyan dahil aalis din naman sila agad para sa lunch date sa Shangri-la. Excited siyang bumaba sa kotse, at sa sandaling lumabas, sinalubong siya agad ng maid. “Good morning po, Sir Conrad! Dito po pala kayo maglu-lunch? Sasabihan ko ang cook na—” “Huwag na, manang. Aalis rin kami agad, sa labas kami kakain ni Cassandra.” Sagot niya agad. “Sir Conrad—” Hindi na natapos ng maid ang sasabihin dahil mabilis siyang pumasok sa elevator patungo sa itaas. Dumiretso siya sa kuwarto nila ni Cassandra, halos hindi na siya makapaghintay na makita ito, Ngunit nang binuksan niya ang pinto, agad niyang napansin ay maayos ang kama, perpektong nakaayos, ngunit… wala si Cassandra. Walang Cassandra ang bumungad sa kanya. Tumayo siya sa gitna ng kwarto, bahagyang nagulat. Nakasunod ang kasambahay sa kanya. “Where is she?” tanong niyang kunot ang noo. Lumapit ang maid, medyo nag-atubili, ngunit nagsalita rin. “Sir, kanina po pagkagising niya… ay nagmamadali siyang umalis.” Nanginginig nitong sambit dahil mas lalong nagsalubong ang kilay ng doctor. “What? What do you mean? Bakit mo siya hinayaan umalis?” tumaas ang boses niya. “Sir—” “Tawagin mo ang mga kasama mo!” mariin niyang utos. Nagmamadali ang kasambahay at ilang sandali lang ay lahat nandito na sa itaas. “Anong ginawa ninyo kay Cassandra at umalis siya agad? inaway n’yo ba? pinaiyak n’yo ba? hindi n’yo inasikaso? Baka nalamigan at—damn!” “Tell me what happened?” umalingaw-ngaw ang boses niya sa mga kasambahay. Hanggang sa ang mayordoma ang sumagot. “Kanina ay mabilis siyang umalis. Pinigilan ko pa, ginawa namin ang lahat para hindi siya umalis. Ngunit siya itong umiiyak at nagmamakaawang pabayaan siya dahil… dahil—” “Dahil what?” sigaw niya bigla. “Dahil natatakot siya… baka daw dumating rito si Antonia at makita siya. Ani ko pa, hindi naman dito nakatira si Antonia. Mabait si Cassandra, masunurin, malawak ang pang-unawa lalo na at masayahin pero ngayon ang batang ‘yon…” napaiyak ang mayordoma habang inaalala ang kapayatan nito, ang mga iilang pasa, na halatang pinabayaan nito ang sarili. “Pinigilan ko pa siya, iho… ngunit sinabi niyang palalayasin mo rin naman siya katulad noong dati kaya siya na itong umalis na lang…” Nabitawan niya bigla ang hawak niyang kumpol na bulaklak at bigla na lang tumulo ang luha niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD