"Like what I said a while ago, Abby, babaero ang lalaking iyon. Para sa kaniya ay laruan lang ang mga babae." "Parang kilalang-kilala mo ang taong 'yon, ano? Tell me the truth, Islao. Magkakakilala ba kayo?" "Hindi, ah," mariing tanggi ni Islao. "At wala akong plano na kilalanin ang mayabang na 'yon." Pinanatili nito ang paningin sa daan. Seryoso rin ang mukha at pinipigilan ang sarili na mapamura para hindi mahalata ng dalaga ang kasinungalingan. Hindi niya puwedeng sabihin ang katotohanan. Hindi pa sa ngayon. Tumango lang si Lady Abby saka kinuha ang cellphone dahil tumunog iyon. Agad niyang pinatay ang tawag nang makitang numero lang ang rumehistro screen. Malakas ang kutob niya na ang ama ni Mattias ang tumatawag sa kaniya. Ibinalik niya ang cellphone sa bag. Ayaw niyang makausap

