"What happened to you?" inis na tanong ni Vena. Inilapag nito sa mesita ang dala na tray na naglalaman ng dalawang baso ng orange juice at dalawang platito na may tig-isang hiwa ng cake. "Kagabi tumawag sa akin si Islao at nagtanong kung nasaan ka. Ang kulit ng pinsan mo." Nakasimangot ito nang umupo sa katapat ng sopa na kinauupuan ni Lady Abby. "Nag-alala tuloy ako sa 'yo. Hindi naman ako makaalis sa ospital hangga't hindi natatapos ang shift ko." Resident doctor sa City Hospital ang kaibigan niyang si Vena. Nakilala niya ito nang huling taon niya sa kolehiyo. Iyon ang mga panahon na nag-uumpisa na siyang sumabak sa underground business ng ama niya na si Don Redentor. Nagkagulo noon at nabaril siya sa hita. Nagkataon naman na napadaan si Vena sa lugar kung saan niya naka-engkuwentro an

