"I really miss you, hija." Nakangiti si Don Ismael at hindi maalis ang paningin nito sa mukha ng dalaga. "Palagi kong sinasabi sa anak ko na isama ka ulit sa bahay, pero..." Napailing ang don. "Hindi ka raw niya mahagilap. Something's wrong with the two of you?" Tipid na ngumiti si Lady Abby. Natutuwa siya sa ugaling pinapakita sa kaniya ng ama ni Mattias. Pakiramdam niya ay makakasundo niya ito. "I am busy these past few weeks, Sir." "Just call me dad, hija," wika ni Don Ismael saka ibinigay sa waiter ang menu book. Lalong lumuwang ang pagkakangiti niya. "Sure...dad." Hindi talaga siya nagsisisi na inimbitahan niya ito na samahan siya mag-dinner. Wala rin naman kasi itong kasama nang pumasok sa restaurant at isa pa ay gusto niyang makipagkuwentuhan dito patungkol kay Mattias. Nitong

