Kinabukasan... (Umaga sa bayan ng Teban) Maraming mga tao ang nagsisimulang magkumpulan sa harap ng isang entabladong itinayo ng mga mandirigma at tila may gaganaping pagpataw ng kamatayan sa isang nabubuhay dahil sa ayos ng entabladong iyon. Bumalik na muli ang mga naninirahan sa bayan na iyon dahil ligtas na ang bayang iyon kaya naman marami ang makasasaksi sa kung anuman ang magaganap sa entabladong itinayo. OOOOOOOONG! Isang malakas na tunog ng trumpeta ang umalingawngaw sa lugar. "Naririto na ang mahal na hari at ang ating prinsesa!" pormal na pag-aanunsyo ng isang lalaking may hawak ng Seneca o isang bagay na ginagamit upang lumakas ang tinig at marinig nang marami ang sasabihin nito. Agad na nagbigay ng daan ang mga tao sa dalawang malaking reda na dumating at nagsitikluhuran
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


