Hemira II 58 - Parusang Kamatayan ~Tagapagsalaysay~ "Hemira! Gumising ka!" panggising ni Abun sa buhat niyang si Hemira habang mabilis ang kaniyang lakad at maingat ang pagkakabuhat dito. Papunta siya hardin ng mga renki na matatagpuan pa sa may parteng likuran ng labas ng palasyo upang maipagamot ito. Wala itong malay at lutaytay na ngunit wala na sa katawan nito ang kalawang na mahika ni Muriel. Labis nang kaba na ang kaniyang nararamdaman para sa buhay nito. Kung mayroon lamang siyang kakayahang lumipad ay ililipad niya na ito patungo sa hardin ng mga renki dahil may kalayuan iyon. "Ilang sandali na lamang ay madadala na kita sa mga renki kaya huwag ka munang bibitaw sa iyong buhay..." aniya na kunot na kunot ang noo dahil sa pag-aalala rito. May mga sumunod sa kaniyang mga mandi

