Hemira II 57 - Yin laban sa Yang ~Hemira~ "Euvan... Huwag mong ipipikit ang iyong mga mata... K-kayanin mo iyan. Maraming maheya ang makaaalis ng mahikang iyan sa iyo kaya paki-usap..." umiiyak na sabi ko kay Euvan na ngayon ay namimilipit pa rin sa sakit ng kaniyang katawan. Kumakalat na ang kalawang sa kaniya at napakabilis ng pagkalat niyon. "Patawad dahil wala akong maisip na paraan upang maialis sa iyo ang mahikang iyan... Ayokong mahirapan at makaranas ka nang ganyan ngunit wala akong magawa... Patawarin mo ako dahil wala akong magawa para sa iyo..." Hinawakan ko ang kaniyang kamay ngunit humawa ang kalawang niyon sa aking palad. Nanlaki naman ang kaniyang mga mata nang makita ang nangyaring iyon sa akin. "S-sinabi nang h-huwag mo akong hawakan!" kahit hinang-hina ay nagawa niya

