Hemira II 56

4253 Words

Hemira II 56 - Tunay na Dahilan ni Euvan ~Sa pwesto nila Hemira~ Parehas na nakahandusay sila Yohan at Hemira sa lupa pagkatapos ng kanilang pagbulusok mula sa ere. Nakatihaya si Yohan sa madilim na kalangitan at si Hemira naman ay nakadapa sa lupa. Walang gumagalaw miski isa sa kanila ngunit ilang sandali lamang ay nagmulat ng mga mata si Hemira kahit na hinang-hina. Pinilit niyang makaupo gamit ang lahat ng natitira niyang lakas at nagawa niya iyon. Itinuon niya ang kaniyang mga kamay sa lupa upang hindi mawalan ng balanse ang kaniyang katawan sa pagkakaupo. Tumingin siya sa paligid upang hanapin si Yohan at nang makita niya ito na malapit lamang sa kaniya ay umusog siya ng upo papunta rito. "Yohan..." tawag niya rito ngunit hindi ito nagmumulat ng mga mata. Nagsisimula na siyan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD