Hemira II 55 - Pagkatakot ni Ceres ~Tagapagsalaysay~ "GAAAAAAAHHHHHH!" sigaw ni Hemira nang ipasok ni Handro ang kamay nito sa kaniyang likod gamit ang mahika nito at tumagos iyon sa kaniyang balat. Nagimbal naman sila Yohan at Euvan dahil sa ginagawa nito sa kanya. "HEMIRA!" "Makukuha ko na rin sa wakas sa iyo ang Yin!" sabi nito at dumako ang kamay nito sa ibaba ng kaniyang balikat. Nang mahawakan nito ang bato roon ay nanlaki ang mga mata nito. "Bitawan mo siya!" sigaw ni Yohan dito at binato niya ito ng mahikang hanging talim kaya naman nahugot nito ang kamay mula sa katawan ni Hemira. "GRRRRRAAAAHHHH!" atungal ng itim na dragon at nahigop na ang katawan niyon papunta sa kamay ni Handro. Nawalan ng lakas si Hemira kaya naman niyakap siya ni Yohan upang hindi siya mahulog. "Hemi

