Hemira II 52 - Pagkaulila ~Mades~ "Cleon?" ngunot noo kong sabi nang makita ko ang lalaking humarang sa mga mostro na inutusan kong pumaslang kay Aerin. Nakasuot siya ng puti lamang at batid kong si Cleon iyon. Biglang nagpuntahan ang tatlo sa mga mandirigmang tagaGemuria kay Aerin saka binuhat ng isa sa mga iyon ito saka itinakas na ito palayo. Pipigilan ko sana sila... "HAAAAAAAAAAHHH!" sigaw ni Cleon na mayroon nang hawak na espada at sumusugod na sa mga mostro. "Cleon!" tawag ko sa kaniya dahil sa kaniyang ginagawa. Pinatigil ko ang mga mostro na iyon kaya siya'y napatigil din at agad kong pinalipad ang banik na aking sinasakyan papunta sa kanya. Napatingin naman siya sa akin at nabakas sa kaniya na hindi niya inaasahan ang makitang puro lapnos ang aking katawan pati na ang ka

