Hemira II 53 - Paghihiganti para sa Pinaslang na Minamahal~Seth~ Hindi pa rin ako makapaniwala habang nakatulala kina Zetes, Eugene at kay prinsipe Argyris na yakap ang katawan ni prinsesa Aerin lalong-lalo na dahil sa pagtangis nila na tila nawalan na iyon ng buhay. Napatingin ako kay Mades na halatang nagagalak dahil sa pagkawala ni prinsesa Aerin. "Seth, ipinagkakatiwala ko na sa iyo ang aking asawang si Aerin. Siya ang lahat sa akin kaya kahit anong mangyari ay huwag mo siyang pababayaan." "Ngunit prinsipe Alberon, bakit kayo nagsasalita na tila kayo'y mawawala na? May sakit lamang kayo at batid ko na kaya ninyong labanan iyan." "Basta, kung mayroon mang mangyari sa akin, ipangako mo na hindi mo siya pababayaan." "Kung iyan po ang inyong nais. Ipinapangako ko po." "INAAAAAAAAAA!

