Hemira 37 - Temptasyon ~Yohan~ Naliligo na ako ngayon dito sa napakalinis na ilog na nahanap ko. Malapit lang 'to sa kampo namin at kahit malamig ang tubig, ang sarap naman sa pakiramdam. Inilubog ko ang sarili ko sa tubig at nagbabad muna sa ilalim ng ilang segundo saka umahon na rin nang mauubusan na ako ng hininga. Habol na habol ko ang hininga ko nang makaahon ako at agad kong hinilamos ang mukha ko. Tsk. Buti pa sila Ariadne at Nerina, hindi sila nalulunod sa tubig kahit ibabad sila ng taon do'n. Madadaya. Pero teka. Puwede ko namang gamitin ang mahika ng tubig ni Nerina para magawa ko rin 'yon at mapractice ko na rin! Ayos! "Water Maiden of the Four Elements! Let me borrow thy power! Water magic release!" Naramdaman ko na parang bahagi na ng katawan ko ang tubig sa paligid ko.

