CAIRO POV
Muli akong napatingin sa babaeng natutulog sa aking hita. Hinaplos ko ang kanyang bilugan at makinis na mukha. Napakaganda talaga niyang babae.
"Isa rin ba siyang diwata? " walang ano ano ay naitanong ko kay Muyak na agad na dumungaw sa kinaroroonan ko naman ang tatlo na sina Sky, Agham at Macky, at panakaw na tingin naman ang inilaan ni Top.
"Pangahas ka!!!! Wag mong hahaplusin ang mukha ng aming Prinsesa!!! " sigaw ng babae na nagpakilalang si Muyak at sa isang iglap ay katabi ko.
"Hoooolllllyyyy shiiiiitttt!!!!! " sigaw ko ng bigla itong sumipot sa aking tabi.
"Fuckkkk youuu!!!!! " sabay sapok ng ulo sakin ni Macky.
"Awwwww!!!!" inis kong hinipo ang aking ulo.
"Ehhhh kasi naman itong si Muyak ay bigla biglang nasulpot kung saan!!! Shitttt!!! " katwiran ko naman.
"Ayan ka nanaman!!!!! Anak ka ng -" naputol na wika ni Macky ng makita niya ang babae na nasa kandungan ko.
"Ohhhhh hoooollllly mother!!!!!! Whooooaahhh!!!!! Goddess tol at hindi diwata!!!! " kitang kita ko sa mukha ni Macky ang paghanga sa babaeng nasa kandungan ko.
"Whoooahhh!!!!" sabay pang wika ng dalawa na sina Sky at Agham na titig na titig kay Amulet.
"Tol ang ganda nya...... Mama Mia..... Maladyosa ang ganda nya!!!!! " si Sky na hindi kumukurap ang mga mata na nakatingin samin.
"Dyosa!!!!! Tsk! Parang di sapat sa inyo mga girlfriend nyo ah!!!! " si Top naman na hindi makadungaw sa kinaroroonan namin.
Muling bumalik sa unahan si Muyak.
"Huwag mong sadyain na haplusin ang balat ng prinsesa pakiusap Ginoong Cairo at huwag mo siyang ipapakapit sa iba. Sagrado ang Prinsesa Alumet, at kapag isa sa inyo pa ang humaplos sa kanya ay sinisiguro kong nakakasama namin kayo sa lakbayin namin. " tinig ni Muyak.
Ngunit huli na ang kanyang sinabi dahil hawak na ni Agham ang kamay ng dalaga at ni Macky na tuwang tuwang humahaplos sa maganda nitong kutis na tinitingnan ko.
"Ahhhh ohhhh!" tangi ko nalang nasambit upang tumingin sakin muli si Muyak at nagulat.
"Oooohhhh my God!!!!! Shiiit!!!! " narinig kong bulalas ni Agham na nakatingin sa unahan at kita kong nakikita na niya ang nakikita ko kasabay ng pamumutla nito.
"Whaaattttt theeeeeee!!!!!! Ohhhhh my God!!! Oh my God! Oh my God! Oh my God! " bulalas rin ni Macky.
"Hooooyyyy ano nanamang pinaggagawa nyo!!!!! Wala na ang mga nakasunod na impakto satin bakit para nanaman kayong nakakita dyan ng multo!!!! Tskkk!!! Hey Sky palit muna tayo!!!! Ikaw naman ng magdrive at dalawang oras na akong nagmamaneho!!!! Masyadong napwersa ang katawan ko kanina. " si Top na pilit inaarok ng tingin ang nakatulalang si Sky dahil sa babaeng nasa harapan niya at pilit na nakatagilid na ang puwesto nito madungawan lamang ang babae.
"Sky totoo nga may maganda kang katabi!!!! Pero white lady!!!! " si Macky na muling nagsalita na nanginginig na sa takot.
"Nakikita mo na ako? At ikaw nakikita mo na rin ako? " si Muyak na nagpalipat lipat ang tingin sa dalawa na tumatanggo.
"Kung ganun dahil sa nahawakan na nila ang prinsesa kaya naging dahilan na nabuksan ang aming presensiya sa kanilang mga mata. " bulong ng isipan ni Muyak.
"Tskkkk!!!! Sinabi ko ng huwag nyong hahawakan ang Prinsesa!!! " sigaw ni Muyak na agad na binitawan ng dalawa ang kamay ng natutulog na dalaga.
"Mga baliw na talaga kayo tol!!!!" natatawang wika ni Sky.
"Di kami baliw tol may white lady ka talagang katabi!!! Pero maganda! " wika ni Agham.
"Ang magandang babae ay nasa harap ko at ang katabi ko ay Panget na lalaki!!!! " si Sky na titig na titig parin kay Alumet na natatawa.
"Puttchaaaa sabi ko palitan mo ako!!!!! " si Top naman na nagsalitang muli.
"Kuya naman pagtyagaan mo na at malapit na tayo sa Manila!!!! Wala narin naman nahabol sating halimaw. Peroooo woooaaaah grabeeehhh totoo pala mga aswang!!! Hindi ko makakalimutan ang gabing ito!!!! Biyernisanto!!!!"
"Maniwala ka Sky, kung naniniwala ka sa halimaw kanina, maniwala ka samin! totoong may katabi kang babaeng nakaputi!!! Kuya Top maniwala kayo may katabi kayong babae!! " si Macky na nakataas na ang mga paa at sumisiksik sa kapatid ng biglang lumipat ng puwesto si Muyak.
MAG-AALAS DOS NA NG MADALING araw at patuloy parin ang kanilang biyahe. Si Macky at Agham ay nagsusumiksik sa isang sulok ng sasakyan dahil sa katabi na nila ngayon si Muyak. Napansin din ng dalawa na may mga nakaputian sa likod ng kanilang sasakyan na nagbibigay liwanag sa kanila. At walang duda na naggagandahan at gwapuhan ng mga ito.
"Ikaw si Ginoong Macky at ikaw naman si Ginoong Agham. Dahil tatlo na kayong nakakakita saming mga diwata, pakiusap dalhin nyo kami sa paanan ng bulkang mayon dahil sa totoo lang ay hindi namin nalalaman ang lugar na iyon. Dalhin nyo kami kay albularyong Pedro Duke ngayon. "
"Bulkang Mayon!? " sabay na wika ng dalawa na sina Macky at Agham.
"Kanina mo pa sinasabi ang lugar na iyan. Alam mo bang napakalayo noon! Ni hindi pa nga kami nakakapagpahinga at hito't basang basa pa tayo. " sagot naman ni Cairo.
Nagugulumihanan naman ang dalawa sa frontseat na sina Top at Sky. Nagsisimula nanamang manindig ang kanilang mga balahibo.
"Pero matutulungan nyo ba kami!? " muling tanong ni Muyak.
"Ihahatid ko kayo sa Bicol kung nasan ang Bulkang Mayon ngunit hindi sa ngayon. Gabi na at pagod na kami. At isa pa ang sasakyan ko naiwan!!! " si Cairo na nangangamot ng ulo.
"Kung ganun salamat. Ang iyong salita ay hindi maaaring mapako Ginoo dahil may kaparasuhan na maghihintay sa inyo kung ito ay kalilimutan mo. " si Muyak na seryosong nagwika.
"Whatttt!!!!? May kaparusahan!!!? Ako na ang tutulong, tapos pag nagbago ang isip ko ay may parusa? Agad? Tskkkk!!!! " sagot nito ni Cairo na pilit na tinatanaw sa likuran ang babae.
"At kayong dalawa ay kasama sa kaparuhan na iyon, kung hindi matutupad ang mga sinabi ng Ginoo dahil sa hinawakan nyo ang sagradong Prinsesa ng aming kaharian. " dagdag ni Muyak.
"Patiiii kami!!!!? Teyka teyka Muyak! Sino ka ba, at sino siya? Ano kayo? " sabay na wika ng dalawa.
"Shiiiit!!!!! Sino bang kausap nyo!!!? Si Sky na tumingin sa likuran.
"Siya!!!" sabay na turo ng tatlo sa isang sulok.
"Mga puta kayo!!!!! Tigil tigilan nyo na mga pinagsasabi nyo ha!!!! Para kayong mga nakashabu!!!!! " sigaw ni Sky na kinikilabutan.
"Kami ay mga diwata. Tagapangalaga ng mga kalikasan. Bumabalanse sa mundo ninyo at mundo namin. Ngunit nanghihina na kami. Ang aming prinsesa ay mahina kaya naman kami ay nanghihina narin. Pahinga. Kailangan nyang mag pahinga at makalimot kahit saglit dahil kung hindi ay parehong lalamunin ang dalawang mundo ng mga elementong nabubuhay sa aming prinsesa. " malungkot na pahayag nito.
Ilan pang sandali ay tahimik na silang lahat sa loob ng sasakyan. Pumasok ang sinasakyan nila sa malawak na kakahuyan at nagpark ang Ranger sa isang malaking mansion na pagmamay-ari ng Manzano. Automatic naman na bumukas ang gate dahil sa sensor ng sasakyan na allowed pumasok sa compound.
Walang gustong bumaba. Nakikiramdam ang bawat isa sa kanila.
"f**k!!!!! Bakit feeling ko may mga nakasunod satin!!!" si Top matapos humugot ng malalim na hininga.
"Talaga naman meron kuya!!!! Ayan sila ohhhh ang dami nilang umikot na sa paligid ngayon!!!! Mga nakaputian!!!!! " sagot ni Macky.
"Mackky!!!!! Masyadong nakahithit ka na ng???? Fuccck kanina ko pa naaamoy ang mahalimuyak na yun sa loob ng sasakyan natin!!! Parang mga bulaklak!? Napansin nyo ba yun!? Tsk!!!! Nakakainis na talaga!! Whooooahhh ako na ang unang bababa at nilalamig na ako." si Sky na nag ipon ng lakas upang bumaba na.
"Di naman ako nagbibiro at nagsasabi talaga kami ng totoo. Tsk!!!! " rinig pa ni Top na sagot ni Macky.
"Di nyo kailangang matakot. Walang nakasunod satin na maitim na kampon ni Empetus. Kami ay mga diwata na gumagabay sa prinsesa. Mananatili sila sa paligid upang bantayan ang kaligtasan ng prinsesa. Nasa labas narin ang sasakyan mo Ginoong Cairo kung ikaw man ay nababahala. " wika ni Muyak na mababakas sa mukha nito ang kalungkutan at biglang nawala.
"Ang galing! Magic!!! " ng makita niya na bigla nalang lumitaw ang kanyang sasakyan sa hindi kalayuan sa kanila.
"Umuulan parin....kelan ba ito titigil? Pero hindi na ito tulad ng dati na malakas." nawika ni Cairo
Bumukas ang pintuan at naroon si Top may dalang payong upang payungan si Cairo at ang babae.
Biglang bumilis ang pintig ng puso ni Top ng makita niya ang babae na nasa kandungan ni Cairo. Akma ng ayusin ni Cairo sa kanyang bisig ang babae ngunit pinigilan siya si Top.
"Ako na. " wika ni Top na hinawakan na niya ang balikat ang babae at ipinasa ang payong kay Macky na kasalukuyang naunang bumaba.
"Kaya ko Top. Ako na! " si Cairo na inalis ang kamay ni Top.
"Wag na kayong magtalo. Ako na!" sabat naman ni Sky na hinawi si Top at siya namang humawak sa balikat na tinabig ni Cairo.
"Ako na mga tol! Ako naman ang allowed na humawak sa kanya!" inis na wika ni Cairo.
Hanggang sa nagsiksikan na silang tatlo.
"Mga tol!!!!! Tama na at galit na si Muyak!!! " sigaw ni Agham na sabay nilang tiningnan ang itinuturo sa kanilang likuran kaya sabay sabay silang napatingin rito.
Biglang napaout balance si Top at Sky dahil sa maraming nakapalibot sa kanilang nakaputian at iba na ang mga aura ng mga ito. Nakaramdam sila ng takot at naninigas sa kanilang puwesto.
"Sabi ko na kasing ako nalang! Ayaw nyong maniwala!!! " habol na wika ni Cairo.
"Si-si- sino sila!!!???? " si Sky na nanginginig na nagtanong.
"Yang sa unahan ay si Muyak yan kasama ng mga iba pang alagad ni Prinsesa Alumet na katabi ko. Mga diwata! Naniniwala ka na ba ngayon!!! Tang ina ka!!! Kanina pa natin sila kasama!? At sa tingin ko, dahil nahawakan nyo ang sagradong prinsesa kung kaya nakikita nyo na sila at kasama na kayo sa kaparusahan kapag di natin sila tinulungan hehe! " si Cairo na pilit ang katuwaan ngunit dama ang pagkabahala.
"Diwata!!!!? Fuuuckkk!!!! Ang galing!!! " si Top na nakanganga parin.
"Sabado de Gloria! " bigla nalang nasambit ni Sky.
Biglang naglaho muli ang mga diwata at agad silang tumayo ng maayos ngunit nanginginig parin ang katawan. Buhat buhat na ni Cairo si Alumet papasok ng mansion. At dahil madaling araw na ay halos tulog ang mga tao sa kabahayan.
Binuksan nila ang guest room at dun pinahiga ang prinsesa. Kumuha ng damit si Top sa kanyang kwarto at pajama para sa babae ngunit hindi nila alam kung papaano bibihisan ito ng biglang nawala sa kanyang kamay ang mga damit at awtomatikong suot na agad ng dalaga ang damit ni Top ngunit may pagbabago. Naging damit ito na napupuno ng mga bulaklak at nagkaroon ng style.
"Whooooaaah!!!! " sabay sabay na wika ng lahat.
"Maaari nyo bang dalhan ng mga halaman ang prinsesa sa loob ng kwarto ito? At kung maaari ay mapuno ang bawat sulok dahil nanghihina na siya. Hihiramin namin ang silid ninyo." si Muyak na bigla namang lumitaw na ikinagulat ng lahat.
Agad namang kumilos ang lima at kinuha nila sa sala ang mga indoor plants ng kanilang ina. Nang magpasok ang mga ito sa loob ng silid ay nagulat sila na may inilagay sa paso si Muyak at makikitang nilalamun na ng mga halaman ang bawat pader at mistulang naging harden ang kuwarto. Humalimuyak ang bango sa paligid at nagkaroon ng mga bulaklak.
"Wowwwwww!!!!!" sabay sabay nilang sambit.
"Ako na ang bahala sa prinsesa mga Ginoo. Salamat. Maaari na kayong magpahinga. " si Muyak na muling nawala.
Ayaw pang lumabas ng kwarto ng lima. Gusto nilang nasa tabi lamang sila ng magandang dilag na kasalukuyang nakahiga. Ang mukha nito ay nakakahumaling at nakakasarap sa pakiramdam kapag pinagmamasdan.
Umihip ang hangin sa kawalan kahit walang aircon at hindi naman bukas ang balcony. Sila'y nilamig kaya naman wala silang nagawa kundi lumabas ng kwarto.
Kanya kanya silang naligo at nagsipagbihisan. Hindi narin umuwe si Cairo sa kanilang bahay na malapit lang rin naman sa kanila. Humiram ito sa kababata niyang si Top ng masusuot. At hindi inaasahan na sa paglabas niya ng kwarto ni Top ay naabutan niyang nasa hallway natutulog ang apat na magkakapatid sa harap ng pinto ni Alumet kaya nakisiksik narin ito sa kanila at natulog.