BUKAS ang bibig at nanlalaki ang mga mata ni Betty Manzano na ina nila Top ng makita niya na ang limang mga binata ay may kanya kanyang puwesto sa hallway habang natutulog. Ang alam niya ay nasa camping ang mga ito. Agad siyang bumalik sa pintong kanyang pinaglabasan at maya maya ay hila na niya ang kanyang asawa na si Fernando na halatang kababangon lamang. Tulad ng kanyang reaction ay ganun rin ang kanyang asawa.
Nagkatinginan pa silang mag-asawa at parehong nagtatanong ang kanilang mga mata. Mabuti nalamang at ang hagdan nila ay parehong may malalabasan sa kaliwa at kanan pababa. Kaya instead na gisingin ang mga bata ay bumaba nalang silang mag-asawa at naisipan magkape. Umaga ng Sabado de Gloria na pinaniniwalaang nabuhay si Kristo.
Nagulat si Betty ng mapansin niyang nawawala ang kanyang mga halaman sa kanilang sala, sa kusina, sa dining. Ito ay mga indoor plants na pwedeng mabuhay sa loob ng bahay. At hindi niya maiwasan ang pakiramdam na parang di siya mapakali kaya tinungo nalang niya gamit ang may isip niyang dalawang paa ang likurang bahagi ng bahay na ikinagulat niyang kahit maulan ay yumabong ang mga halaman niya sa harden at nakakagulat na ang mansion ay nilamon ng wall grass ay may mga umusbong na mga bulaklak sa mga ito na nakapagbigay ng ganda sa mansion.
Kahit umuulan ay napalabas siya ng bahay. Naging paraiso ang kanyang harden ngunit bakit kahit magandang tingnan ay napakalungkot ng mga halaman. Iyon ang kanyang nadarama.
Tumatakbo naman si Fernando patungo sa kanya na waring may ibabalita.
"Napansin mo na ba ang paligid Honey!? Ohhhh my God!!!! Kahit pala dito!!!! Sa intrance honey ganito rin!!!! Ang mga halaman mong di naman namumulaklak ay namulaklak na!!!! Natulog lang naman tayo.... Tapos.... Tapos ito na! " gulat na pagbabalita ni Fernando.
"Parang nasa paraiso na tayo honey!!! Pero nakakatakot!!!! Tumatayo ang balahibo ko at alam mo yun na parang may mga manunuod satin!!! " si Betty na tumataas ang balahibo sa lahat ng parte ng kanyang katawan.
"Tumataas nga riin yung balahibo ko sa batok honey! Anu kayang kababalaghan ito? Tara na at pumasok na tayo sa loob! " pag-aya ni Fernando.
Agad silang naligo at nagpalit ng damit. Bago bumaba ay napatingin muli sila sa kanilang mga anak na natutulog sa hallway na sarap na sarap. Para silang mga bata na nagtatandayan ang mga katawan. Pagkatapos pagmasdan ay nagkape sila sa sala at binuksan ang TV.
"Bumabaha na sa Manila oh Tsk! Kunting ulan baha! At dahil kagabi pa umuuulan at walang tigil hayan na! Kapag nagpatuloy ang pag-ulan tiyak na malaki ang magiging epekto nito sa kalapit natin. Lalo na kapag tumaas na nanaman ang water dam at kailangan nilang magpakawala ng tubig, naku!!!" si Fernando na iiling-iling ang ulo habang humihigop ng kape.
"Pabigla bigla ang panahon natin honey, kulog at kidlat ang kahapon parin kumakawala. Paano na kaya ang mga taong walang sariling bahay. Sana naman tumigil na ang ulan. Pero honey nasan na kaya mga halaman ko? Ang mamahal pa naman nun. Tsk! " si Betty na nakahalumbaba at nag-iisip sa kanyang bagyang na worth of 200 thousand ang apat na pasong nawawala at ang worth of 300 thousand naman ang ibang variety ng halaman na mayroon siyang kasabay na nawala.
Pati mga katulong ay naghanap narin pero bakas lamang ng paso talaga ang naiwan sa pinagkunan.
"Mabuti at weekend ngayon honey! Sarap na sarap ang tulog ng mga anak mo kahit di malambot ang hinihigaan! Si Cairo ay nariyan rin na oh, kakapagtakang natulog ang batang yan dito na napakalapit lamang ng bahay. " si Fernando na pinatay na ang TV.
"Anong oras kaya sila dumating? Napauwe ng di oras mga bata dahil sa ulan. Nasira ang camping ng mga paslit! Di nalang sila umuwe sa resthouse natin sa baguio at dun nagpahinga."
"Sir ma'am excuse po. Handa na po ang inyong almusal. " tinig ng kasambahay nila mula sa kanilang likuran.
"Sige salamat. Tara na honey. " aya ni Fernando.
****
Nanghihina parin ang katawan ni Alumet dahil ibinuhos niya ang kanyang enerhiya na pinagkaloob niya sa kanyang ina upang protektahan ang puno ng buhay. Kakailanganin niya ng mahaba habang pahinga upang manumbalik ang kanyang lakas ngunit sa tansiya ni Muyak ay matatagalan itong manumbalik lalo nat ibinigay rin ni Alumet ang natitirang enerhiya niya sa mga halaman upang may pagkukunan silang mga diwata ng lakas.
Gusto man niyang gisingin ang prinsesa ay hindi maaari dahil ang apat na elemento niya sa loob ng kanyang katawan ay nararamdaman niyang nagwawala at maaaring maging dahilan ng pagkasira ng ilang bahagi ng mundo.
Binuksan ni Muyak ang pintuan ng beranda at pinatuloy niya ang hangin na nais bumati sa prinsesa at mga ibon na siyang maririnig na inaawitan ang dalaga. May mga hayop rin sa ibabang bahagi ng beranda na tahimik na nagmamasid mula sa ibaba.
"Mahal na prinsesa Alumet..." tinig ni Muyak na mababakas ang kalungkutan.
****
UMIIKOT ang ulo nito Betty dahil may naririnig siyang parang piyesta ng mga hayop ngayon at nagsama sama ang mga huni ng mga ito.
"Ma-maam!!! Sir!! Sa likuran mo!!! Da-daming hayop!!! " si Aling Delly na mababakas sa mukha ang takot.
"Ka-kabayo!!! May ahas!!! May may ano basta ang dami sir!!! " dagdag pa nito.
Agad tumayo ang mag-asawa sa kanilang kinauupuan at tumungo sa back door. Wala na silang naabutang mga hayop ngunit mga bakas na lamang ng mga ito na hindi mapagkakailang may mga hayop ngang nakapasok sa kanilang bakuran.
NAUNANG nagising si Cairo sa lahat. Dahan dahan itong tumayo at pumasok sa kwarto ni Alumet. Nakita niya si Muyak na nakatingin sa kanya kaya nagkaroon ng kung anu sa kanyang puso.
Napakaganda ni Muyak ngayon na napupuno ng mga halaman ang kanyang kasuotan. Ngunit ng dumako ang kanyang tingin kay prinsesa Alumet ay mas lalong nagwala ang kanyang puso dahil nag-uumapaw ang ganda ng dalaga na pinalilibutan ngayon ng mga paru-paro at mga ibong makukulay na nakagapossa kanyang kinahihigaan na puno ng mga baging. Ngayon lamang rin niya nakita ang mga naggagandahang ibon na ito na inaawitan siya.
Napansin ni Muyak na nagniningas ang katawan ni Alumet ngayon habang lumalapit si Cairo. Nabibigyan ng lakas ang bahagi ng katawang tao ng prinsesa.
Kasunod nito ang paglapit ng apat pang lalaki na ngayon ay pumalibot na sa prinsesa. Nababakas ni Muyak sa mga ito ang paghanga sa kanyang mahal na prinsesang nakahimlay. Itong limang lalaking ito para kay Muyak ay mabibiyayaan ng pagpapala s hinaharap. At alam niyang malaki ang maitutulong ng mga ito sa kabuuan ni Prinsesa Alumet.
"She look like in a fairly tale right, yung sleeping beauty ba yun o yung kay snow white tol!" si Macky na agad umupo sa sahig at itinukod ang baba sa kama at walang sawa na pinagmamasdan ang mukha ni Alumet.
Si Top naman ay walang ano ano'y mabilis na nakalapit sa dalaga at binigyan ng sampung halik ang prinsesa sa labi na ikinagulat ng lahat lalo na si Muyak.
"Lapastangan!!!! " sigaw ni Muyak at ang limang lalaki ay biglang hinala ng mga baging papunta sa tabi at ginapos ng mga halaman na nagkaroon ng sariling buhay dahil sa galit na tinig ni Muyak.
"Hey Top!!!! Why did you do that!!!!! " si Cairo na namumula sa galit!
"Macky said diba Sleeping Beauty at snow white!!! True love kiss!!!! Yun ang nakapagpagising diba!!!? " sagot ni Top.
"Gago ka tol!!!! " si Agham naman na sumagot.
"Muyak si Top lang ang may ginawang masama! bakit kami ay nadamay! " si Sky naman na pumapalag sa baging na gumagapos.
"f**k you Top!!! Muyak pakawalan mo ako dito at ililipat ko kayo sa resthouse!! Hindi kayo maaari dito!!! f**k!" seryosong tinig ni Cairo na nakatitig sa galit na si Muyak.
Agad na nawala ang pagkakagapos ng mga halaman kay Cairo na ikinagulat ng lahat maging si Muyak ay gayun rin. Si Top naman ay biglang mababakasan ng takot sa mukha.
Agad na pumunta si Cairo sa tabi ni Alumet at pinahiran ang labi ng dalaga.
"f**k you Top!!!! She's mine!!!! " sigaw ni Cairo na bumaling kay Top ang tingin habang ang lahat ay nakatingin sa kanya at kitang kita ang pamumula nito.
"We we wait!!! Di ko na uulitin Muyak. Pangako!!!! Sige na!!!! Wag ka ng magalit!!!! Kung- kung yung halik na ginawa ko ay handa ko naman syang panagutan!!!! Pakakasalan ko sya pangako!!!! " seryosong wika naman ni Top at hindi pinansin ang sinabi ni Cairo.
Ang mga baging naman ay nagkaroon nanaman ng sariling pag-iisip na kumawala sa katawan ng lalaki.
Patakbo naman lumapit si Top sa harap ni Muyak at lumuhod.
"Wag na kayong lumipat ng matutuluyan Muyak, handa akong gawin ang lahat para maalagaan ko ang prinsesa!" dagdag pa nito.
"Muyak, pakawalan mo na kami! Pakiusap, pinagmamasdan lang naman namin ang prinsesa eh! Wala naman kaming ginagawang masama at tutulong pa nga kami diba! " si Sky sa maamo nitong tinig.
Ikinumpas ni Muyak ang kanyang mga kamay at nakawala ang tatlo sa pagkakagapos.
"Iwanan nyo na kami rito mga ginoo. Kailangan ni Prinsesa ang tahimik na pagpapahinga.... at ginoong Cairo, walang tao ngunit puno ng buhay tulad ng mga halaman. Yun ang makakatulong sa kanya sa mabilisan niyang paglakas. Hindi siya maaari sa batong tahanan katulad nito. "
"Oo nasabi nya na sakin. Yun ang aasikasuhin ko sa araw na ito. Bigyan mo lamang ako ng ilang araw at patatayuan ko siya ng kubo sa burol. " agad na sagot ni Cairo habang hawak ang kamay ng prinsesa.
"Kung gayun tama nga ako ng hinala. " bulong ni Muyak sa kanyang isipan.
"Teyka teyka Muyak, safe naman kayo dito. " si Top na hindi umaalis sa kanyang puwesto.
"Dahil sa ginawa mong kapalastangan Ginoong Top, tutulungan mo si ginoong Cairo sa ninanais ng prinsesa. At kung ang sinasabi mong ligtas ginoo ay hindi ko maaaring panghawakan ng matagal. Sa ngayon ay oo dahil sa kalat ang kapangyarihang pinakawalan ni Prinsesa Alumet kaya hindi tayo matutunton ng dilim. Ngunit kapag nagising ang prinsesa at hindi niya makontrol ang kanyang kalungkutan ay kapangyarihan ay maaring manganib ang mga buhay ng mga nakapaligid sa kanya." sagot ni Muyak na labis na nag-aalala.
"Ngayon palang ay nagpapasalamat na ako sa inyo sa pagtulong nyo samin. Sabihin mo ginoong Top, kinausap ka rin ba ng prinsesa? "
"Ahhhh hind. pero- pero nakita ko sya.... nakita ko sya na nababalutan ng energy, yung pinagsama sama na apoy, tubig tapos halaman at ulap? " sagot ni Top.
"Me too! " sagot ng tatlo.
Nagbigay ng malaking palaisipan sa gunita ni Muyak ang mga sinabi ng lima. Napadako ang tingin niya kay Cairo na ngayon ay nagniningas ang nakadaop nilang kamay ng prinsesa at nakakabuti ito sa nakahimlay niyang amo.
"Siya nga. Siya pa ang isang gabay ng prinsesa. Hindi ako nagkakamali. Nakikita niya kaya ang mga nakikita ko? Ahhhh kung hindi ako nagkakamali ay dahan dahan ng lumalabas ang natatanging kakayahan niya. " bulong ni Muyak sa sarili.
"Ginoong Macky, Sky at Agham. Kakailanganin ko ang tulong ninyo. Magigising ang prinsesa pagkatapos ng dalawa o tatlong araw. Sa ngayon ay magiging tao siya dahil mahina parin ang prinsesa. Kinakailangan ko ang mga kagamitan ng tao ngunit naaangkop parin sa kanyang pagkamaharlika." wika ni Muyak na sinang-ayunan ng tatlo.
Nang tapunan ng pansin ni Muyak si Top at Cairo ay nagulat pa siyang nasa tabi na ni Alumet si Top at hawak narin nito ang kamay ng prinsesa na ngayon ay nagniningas narin ang nakadaop nitong kamay sa prinsesa.
"Ginoong Top at Cairo maari ko ba kayong makausap? Hindi dito dahil sa masyado ng naaabala ang prinsesa. Mamayang dapit hapon sa hardin." basag niya sa dalawang lalaking seryosong pinagmamasdan ang kanyang alaga.
Sabay na silang lumabas ng silid. Nadatnan nila ang kanilang magulang sa sala na nag kwekwentuhan. Agad naman na tinapunan sila ng pansin nito.
"There you are!!! Goodmorning!!!! Kanina ko pa kayong hinihintay na magising. Bakit mga pala kayo sa hallway natulog? May kinalaman ba kayo sa mga halaman ko dito sa loob na nawawala!? " si Betty na nakataas ang kilay.
"Ahhhh ehhhh ma, kain muna kami. Hehe kagabi pa kami di kumakain kasi hinabol kami ng mga impakto! Maya na tayo magkwekwentuhan ma ha. " sagot ni Agham.
" Tita tito goodmorning, makikikain po muna ako bago umuwe." si Cairo na sumabay na sa apat.
Iniwan nila ang ina at ama nilang nakatulala.
Dumeretcho sila sa dining at kumain na sila ng almusal ng bigla silang napatingin sa kinaroroonan ng silid ni Alumet.
"Nagugutom na kaya siya? " sabay na wika ng mga utak ng mga binata.
Agad na tinapos ni Sky ang kanyang kinakain at dumeretcho na siya sa library. Si Agham naman ay agad na tumutok sa kanyang lap top. Si Macky naman ay abala rin sa kanyang cellphone at naghanap ng mga damit na nababagay sa babae. Si Cairo at Top naman ay agad na tinawagan ang mga supplier ng mga native na gagamitin sa pagpapatayo ng kubo sa burol na pagmamay-ari ng pamilya ni Cairo sa Laguna.
Ilan pang sandali na nagkwekwentuhan ang mag-asawa sa sala ay nakarinig ang mag-asawa ng pagkabasag ng tasa at tea jar na hawak ni yaya Mely. Tinapunan nila ng tingin ang katulong na nakatingin sa may hagdanan kung kaya't napatingin narin si Betty at Fernando sa hagdan.