CHAPTER 5: SHE'S AWAKE

1003 Words
CAIRO POV Hawak hawak ko si Amulet saking mga bisig nang bigla nalang siyang lumutang sa ere at kitang kita ng aking mga mata na pinaglalaruan siya ng apat na nagniningas na liwanag. Nakakarinig ako ng malamig na tinig ng paghikbi. Ang aking mga mata ay kusang lumuha sa di ko malamang dahilan. Nadarama ko ang kalungkutan sa paligid. Ng maya maya ay isa sa kanyang liwanag ay umiikot sa akin. Nababasa ang buo kung katawan sa di ko malamang dahilan. Tubig. Pinaliliguan ako ng tubig. "Kung patuloy syang matutulog ng malungkot ay nanganganib ang inyong mundo gabay.... Na sa iyo ang liwanag ng pagkontrol sa kanyang emosyon. Lulunurin ng tubig ang inyong mundo kung patuloy na iiyak ang kanyang puso." Pagkatapos ng liwanag na nakapagpabasa sakin ay napalitan ito ng init. Ang init. Para akong sinusunog ng apoy at bigla akong natuyo. "Kailangan mong magmadali dahil ang mundo ng Encantadia ay tinutupok ng aking asupre. Hindi ko ito makontrol hanggat may galit sa kanyang puso." Pagkawika naman nito'y malakas na hangin ang sumunod at aking nadama. " Sa mundo mo at mundo nya ay kumakawala ang aking lakas at tinulutulungan ang apoy at tubig na tupukin ang parehong daigdig. Kailangan ka niya... Kailangan namin ang iyong presensiya..." Pagkatapos nitong ipabatid sakin ang mensahe ay muling napalitan ito ng buhay na vines na pumapaikot sa akin. "Sa akin magmumula ang buhay at lakas, ako ang sentro ng kanyang kakayahan ngunit ako'y mawawala kung hahayaan mo siyang matulog ng may agam agam sa kanyang puso. Lalo rin siyang manghihina sa kanyang paghimlay. Naririnig mo ba ang bawat hikbi niya gabay!? Kalungkutan... Dalhin mo siya sa aking kandungan... Bigyan mo siya ng tahanan. Bigyan mo kami ng hingahan. Huwag mo siyang tatalikuran. " "Siya ang buhay, kami ang susi. At ikaw si Cairo. Isang taong pinili ng kanyang puso upang maging gabay naming mga elemento. Ipadama mong ikaw ay nariyan na. " sabay na wika ng apat na tinig. At muli ay ibinalik nila sa aking bisig ang napakagandang si Amulet. **** SA PAREHONG ORAS ng pagtulog ng magkakapatid ay nagpakita ang kalagayan ni Prinsesa Amulet. Ito ay ang nakalutang siya ere kasabay na naririnig nila ang paghikbi ng diwata. Silang apat ay nasa bawat sulok na nakapaikot sa dalaga. Nakikita rin nila si Cairo na nagitna at umiiyak. Kasabay ng pag-iyak nito ay ang malamig na paghikbi ng isa pang babae. Isa sa magkakapatid ay nakaramdam ng init at nakikita't naririnig niya ang nasa paligid. Nahagip ng mata niya si Muyak na pinagmumulan ng paghikbi bukod sa napakagandang boses na siya ring umiiyak. Nagliliwanag rin si Muyak na parang bombilya. Ito ang mga pangitain na nakita ng limang binata habang sila ay natutulog. **** "Ma'am!!!! Sir!!!! Nakita nyo po ba yun!!!? Mga- mga nakaputi!!! Paakyat!!!! Dun paakyat sila!" sigaw ni yaya Mely na putlang putla na ang mukha na itinuro ang kinaroroonan. "Yaya, naparami nanaman ang inum nyo ng kape!!!! Wala naman eh, tanghaling tapat yaya. Maulan lang at malamig. Ikaw naman kung ano anu na nakikita mo. " "Maam, totoo po, may-may third eye po kasi ako na minsan ay bumubukas. " nahihiyang tapat nito. "Hala yaya, wag mo na akong takutin. " -Betty "Pasensya na po Maam. " "Gumamit ka ng dashpan At mga basag yan. Mahirap na kapag nasugatan ka pa yaya mely. " paalala naman ni Fernando ng akmang lilinisin na niya ang mga nabasag. Dinig ni Cairo ang usapan ng mga tao sa sala at totoo ngang nakikita rin niya ang mga diwata na paikot ikot sa kabahayan. Mababakas sa mga mukha nila ang pag-aalala. Isa sa mga ito ay lumapit sa kanya. Nakuha na agad niya ang gustong iparating ng isang diwata kaya naman tumatakbo itong pumanhik sa hagdan na sinundan na ng apat pang mga kalalakihan mula sa iba't ibang sulok ng bahay. Ikinagulat nanaman ng mag-asawa ang ikinilos ng lima. "Ehhhh!!!!? Naghahabulhabulan ba sila!!!? " si Betty na kunot ang nuong tinanong ang asawa. " Honey baka naman trip lang nila. Dito ka nga sa tabi ko." si Fernando na kinindatan ang asawa at tinapik tapik ang sofa kung saan ay gusto niyang paupuin ang kanyang asawa. Biglang kumulog ng napakalakas at bumuhos ang malakas na ulan. Ang kidlat ay nag-uunahan na tumatarak kung saan. "Kakaiba ang panahon natin ngayon honey. Wala namang bagyong inuulat pero ang sungit ng panahon." si Betty na agad na lumapit sa asawa. PAGBUKAS na pagbukas ng pinto ni Cairo ay nakita niyang nakalutang sa ere si Amulet na nagniningas. Bigla itong natulala sa kanyang nakita. Naalala niya ang unang araw na nakita rin niya itong nakalutang. Muli siyang nakaramdam ng kaba sa kanyang dibdib. Kasunod niya si Top na biglang inabot at hinatak niya ang babae patungo sa kanya. Wala itong pag-aalinlangan na niyakap niya ang dalaga at ikinulong sa kanyang bisig. Nakita ni Cairo at ng tatlong binata na nagmulat ng mata si Amulet na lumuluha. Mahigpit namang niyakap ni Top si Amulet. Pinadama niya sa dalaga ang kapayapaan. "Prinsesa, tama na..... Andito ako para damayan ka mahal ko.... " bulong ni Top sa teynga ng diwata na bigla nalamang lumabas sa kanyang bibig. Tumigil ang malakas na ulan at hindi na nag-ingay ang kulog at kidlat. At muli ay nasaksihan nila Cairo, Macky, Agham at Sky ang mata ng dalagang mayapang pumikit at tumigil sa pagluha. Para itong bata ngayon na nahiga sa balikat ni Top. Maging si Muyak ay nagulat rin sa isang tabi na nakahandusay at nanghihina. Inayos ni Top si Amulet sa pagkakahiga. Hinalikan pa niya ito sa noo bago umalis sa tabi ng dalaga at umupo sa isang tabi. "Anong nangyari Muyak? " basag ni Top sa lahat. "Kumawala ang kanyang lakas. Sinisigaw niya ang kanyang ina. Hindi ko ito napigilan.... Salamat at normal ko na muling nararamdaman ang puso nya.... May sugat ka ginoong Top, huwag mo itong ipagsawalang bahala. Hindi kita matutulungan na gamutin iyan dahil sa nanghihina rin ako." pagkawika nitoy nawalan rin ito ng malay at naglaho. Agad na lumapit ang tatlong binata sa kapatid nila. "May sugat ka? Saan? " takang tanong ni Agham. "Tsk! Ang braso mo tol dumudugo!!!" Nababahala namang wika ni Sky. Agad na kumuha naman ng first aid kit si Macky sa malapit na kuwarto. "Cairo, bakit tiningnan mo lang sya!!? Sasabayan mo lang ba siyang umiyak!!!!? Dinig ko ang lahat tol. Ikaw ang dapat na tumutulong! Ikaw ang dapat na komokontrol sa emosyon nya!!!? Anong kinatatakutan mo!!!? " boses ni Top na gumising kay Cairo at nagpabalik ng ulirat nito. Agad na lumapit si Cairo sa tabi ni Amulet at umupo ito sa sahig habang tinititigan ang maamo nitong mukha. Nagulat pa ito ng muling nagmulat ng mata Amulet. Ang mga kamay ni Cairo ay kusang gumalaw patungo sa kamay ng dalaga. "Patawad Liwayna kung nakakadama parin ako ng takot. Pero simula ngayon ay pinapangako ko na makakasama mo na ako. Hindi kita iiwan. " Pagkawika nito ay isang matamis na ngiti ang kumawala sa labi ni Amulet. Habang hawak ni Cairo ang kamay ng dalaga ay lumiwanag ito kasabay ng pagliwanag ng paligid sa labas na makikita sa bukas na glass wall ng beranda. Ang mga halaman ay namumukadkad at biglang sumigla na parang isang umaga. Si Top ay biglang lumutang sa ere at napunta sa tabi ni Amulet kasama ng tatlo pa niyang kapatid na gulat na gulat. Mababakas na sa mukha ni Amulet ang maaliwalas na aura kaya naman ang kanyang balat at kuminang ng nakakaakit na parang perlas. Lalo itong gumanda sa kanilang paningin na nagpanganga sa kanilang bibig at nagpaluwa ng kanilang mga mata. Umayos naman si Amulet ng pagkakaupo na parang nanumbalik ang kanyang lakas habang hawak parin ni Cairo ang kanyang kamay at hinalikan ito ng binata sa katuwaan bago siya nawalan ng malay. Walang alinlangan namang niyakap muli ni Top si Amulet na ikinagulat ng diwata. AMULET POV "My princess..... " bulong ni Top sa aking teynga na ikinapula ko. Nauunawaan ko siya't naririnig ko ang t***k ng kanyang puso na dalisay ang hangarin para sa akin. Nakakaramdam ako ng kaginhawahan sa lalaking ito tuwing malapit siya sa akin. Alam kong saglit lamang ang lakas sa aking katawan dahil hiniram ko lamang ito sa aking gabay na si Cairo na ngayon ay nakangiting natutulog sa aking tabi habang nakaupo sa sahig. "Ikinagagalak ng aking puso na hindi ninyo ako iniiwan. Gusto ko mang bigyan pa kayo ng oras upang kilalanin kayo ngunit hindi pa sapat ang aking lakas, dahil maging ang aking mga gabay ay nanghihina rin. Matutulog pa akong muli, salamat sayo ginoo... " matapos kong sabihin ito ay naramdaman ko na ang pagpikit ng aking mga mata at muli kong nadama ang sarap matulog sa kanyang balikat. TOP POV Sa pangalawang pagkakataon ay muli kong inayos ang pagkakahiga ni Amulet sa kanyang higaan. Ang sugat ko ay biglang humilom. Si Cairo naman ay lumutang sa ere at dahan dahan itong inilapag ng hangin sa tabi ng diwatang natutulog. Nakaramdam ako ng selos sa hindi ko malamang dahilan. Alam kong gabay ni Amulet si Cairo dahil sa panaginip kong iyon. Ngunit naniniwala akong nagtago ang puso ko at puso ng prinsesa kung kaya't malakas ang aking loob sa mga ikinikilos ko. Wala na ang ulan. Gumanda na ang paligid. Humalik muna ako sa nuo ni Amulet bago ko naisipang lumabas ng kwarto na sinundan naman ako ng tatlo kong kapatid. May mga diwata sa paligid at hindi ko kailangang mag-alala. **** "Hey Top!!!! Relax!!!! Damang dama ko ang hagupit ng selos mo hehe!!!! But anyway!!!! Wewww f*****g dammit!!!! Ang ganda ng boses nya!!!!! Ang ganda nya!!!! " si Sky na hindi maitago ang paghanga at natatawa. "Oyyyy Top lang hiya ka rin noh at lakas talaga ng loob mo kanina pa!!!! Hinalikan mo na sa labi yung prinsesa tapos may pahalik halik ka pa sa noo and then may payakap yakap ka pa ha!!! Lupit!!!! Tsk! Idol na talaga kuya!!! " si Macky na nakalagay ang mga kamay sa ulo. "Lakas tama ni bro!!!! Matic!!!! Nangangamoy gulo for sure ang Cairo at Top nito!!!! " dagdag ni Agham ngunit nanatiling tahimik si Top at tumuloy nalang sa kanyang kwarto na sinundan parin ng tatlo. "She's mine no matter what. " wika ni Top sapat na marinig ng kanyang mga kapatid. "Oooy!!!! Wag mong sasabihin tol na talagang may balak kang agawin si Amulet kay Cairo? " si Sky na nakahiga sa kama ng kapatid. "Bakit sila ba? " walang emosyon nitong tugon. "Ehhhh hindi sila... pero kung tama pagkakarinig ko, inangkin nya rin si Amulet diba mga tol? " si Macky na nakasandal sa hamba ng pinto. "At hindi man sila pero si Cairo ang unang nakakita kay Amulet tol. " si Agham naman na nakapameywangan paharap kay Top. "So what. Proprotektahan ko siya at gagawin ko ang lahat mahalin man niya ako o hindi. Ako man o si Cairo." sagot niya. " Oy!! Talagang hulog ka na nga sa diwata tol!!! Paano naman si Kaila? Si Cairo walang shota yun! Ikaw tol , fiancee ang meron ka at take note kakapropose mo palang! " "f**k! Kung ako sayo tol tigilan mo na yang nararamdaman mo kay Amulet! Ako, nakipagbreak na kay Sally so pwede na ko sa mga diwata lalo na kay Amulet!" pilyong sagot ni Sky na nakapagbigay ng tensyon kay Top. "Haha me too!!! I'm free now!!! " si Agham na lumakad papunta sa beranda ng kapatid. "Mas lalo naman ako! One month na kong single!!!! " sagot ni Macky. Napahawak si Top sa kanyang sentido at malalim na nag-iisip. **** "See honey!!!!! Look!!!! Kanina napakadilim ng paligid!!!! Kulog, kidlat at ulan, tapos ngayon mainit!!!! " si Betty na mabilis pang lumapit sa wall glass sa may sala. "Naku honey sasakit lang ulo natin kung iisipin pa natin ang mga yan! Ang mabuti ay tumila na ang ulan. Isa pa ang panahon naman talaga at pabago bago honey." "Honey naman, eh paano mo maeexplain yung mga halaman sa labas na biglang lumago at yung mga halaman ko dito sa loob na nawawala? " "Honey bili ka nalang ulit. Yung sa labas, magic yun. Ayaw ko mag-isip at dapat relax lang tayo. Huh" "Tsk!!! oo nga pala! Asan na ba mga batang yun? Di na ako binalikan, yung mga halaman ko! Ang lakas talaga ng pakiramdam ko na sila ang may gawa. " **** Nagulat si Agham ng tumambay siya sa beranda ng kanyang kapatid ay nabungaran niya si Muyak sa ilalim ng puno malapit sa may halamanan na nakahiga sa lupa. Nagkaroon ng sariling pag-iisip ang kanyang mga paa na lumabas ng kuwarto ni Top at nagmadaling tunguhin ang kinaroroonan ng gabay ni Amulet. "It's panliligaw time!!!! " huling wika pa niya bago nakalabas ng kwarto. Dali dali namang pumunta ng beranda si Sky at Macky upang alamin ang nakapagpahatak kay Agham upang wikain ang kanyang mga sinabi. "Puttcha!!!! Ang Muyak ko pa!!! " si Macky na napakamot ng ulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD