CHAPTER 6: SHE'S MY GIRLFRIEND

459 Words
Dahan dahang naupo si Agham malapit sa ulunang bahagi ni Muyak. Iniangat niya ang ulo nito at inilagay sa kanyang hita. Taimtim niya itong tinitigan at ang kanyang mga labi ay kusang ngumiti. Ang kanyang mga mata ay naging malamlam dahil sa katanungan na bumabalakid ngayon sa kanyang isipan. "Maari bang magsama ang isang tulad kong tao at ang tulad mong isang diwata? Posible bang magmahalan tayo ng malaya? " nasambit nalamang ng kanyang bibig. "Kung ako ang tinutukoy mo ginoo sa iyong katanungan na diwata ay hindi maaari. Ang tulad kong gabay ay walang karapatang umibig kanino man kundi ang palingkuran lamang ang mahal na prinsesa Amulet. Ako ay itinakda upang gabayan ang mahal na prinsesa. Wala akong karapatang gamitin ang aking puso upang magmahal at unahin ang aking sarili hanggat ang prinsesa ay nag-iisa. At higit sa lahat habang ako ay nakabigkis sa kanyang liwanag ay mananatili ako sa kanyang tabi, handang isugal ang aking buhay para lamang sa kanyang kaligtasan." wika ni Muyak na dahan dahang naupo at sumandal sa puno. "Hindi pa man ako nagsisimulang manliligaw sayo ay binasted mo na agad ako Tsk!!! " nawika ni Agham na waring may kumirot sa kanyang puso. Natahimik si Muyak sa kanyang narinig at di niya maiwasang nakagat niya ang ibabang bahagi ng kanyang labi ng bigla nalamang hatakin ni Agham ang kanyang batok at siniil ng halik at pagkatapos niya itong bigyan ng mainit na halik ay pinagdikit niya ang kanyang noo sa noo ng diwata. "Maghihintay ako sayo Muyak dahil naniniwala ako na itinakda tayo para sa isa't isa. " pagkasambit nito ay tumayo siya at iniwan ang diwata na tulala at hinahaplos ang kanyang labi. **** "Fucccckkkk!!!! dumada moves ang ulol!!!! " si Sky na napapailing habang nakamasid sa kalayuan. MAHIMBING PARING NATUTULOG si Cairo sa tabi ni Prinsesa Amulet. Batid ni Top na talagang nagamit ng diwata ang lakas ng kanyang kababatang kaibigan. Hating gabi na ay hindi parin siya makatulog sa kakaisip sa problema ng kanyang puso. Noong una palamang niyang nakita ang dalaga sa kandungan ni Cairo ay batid narin niyang na love at first sight siya sa diwata. May mga gusto siyang balikan sa mga oras na lumipas. Na sana siya nalang ang unang nakatagpo sa dalaga. Na sana siya nalang ang naging gabay ay hindi si Cairo at sana hindi siya naging padalos dalos ng desisyon na ayain si Kaila na magpakasal sa kanya na ngayon ay talagang pinagsisisihan na niya. Nagpakawala siya ng malalim na hinga bago siya tumabi sa diwatang nagniningning at busilak na liwanag ang kumikinang sa kanyang katawan. Hindi siya nag-alinlangan na ilagay sa kanyang braso ang ulo ng babae. Gusto niyang matulog katabi ng babaeng kanyang sinisinta. Humalimuyak ang bango sa loob ng silid. Hanggang ang bango ay kumalat sa buong kabahayan at lumabas. Napuno ng mga alitaptap ang paligid. Ang hangin ay sumasayaw. Nagulat si Muyak ng bumungad sa kanyang harapan ang mahimbing na natutulog na sila Cairo at Top na katabi ang kanyang alaga. Si Cairo ay hawak ang kamay ng prinsesa at si Top naman ay nakapulupot ang kamay sa beywang ng prinsesa at ang ulo ng kanyang alaga ay nasa balikat ng binata. Bumalik siya sa kwartong inuukupahan ng kanyang alaga dahil nakabawe na siya ng lakas. Ang tatlo ay nagniningning. Ito talaga ang nakapagpagulat sa kanya. "Anu ang magiging papel mo ginoong Top sa mahal na prinsesa? Si Ginoong Cairo ang gabay ng apat na elemento, ano naman ang sa iyo? Humina ang pangitain ko simula ng mapadpad ako dito sa lupa. Hindi sapat ang mga halaman sa paligid para dumaloy sa amin ni prinsesa ang natatangi naming kapangyarihan. Kailangan na naming matagpuan ang metyeros. Oo, ang metyeros ay malaki ang maitutulong samin kapag suot na ito ng prinsesa tulad ng nakita ko sa pangitain bago ang malagim na pangyayari. Unti unti naring lumilinaw ang mga nakita kong lumabo noon. Alam kong matatagalan pa kami sa mundo ng mga tao. " si Muyak na palakad lakad sa beranda ng kuwarto ni Amulet. "Si ginoong Top, hindi kaya siya ang???? Kailangan kong makasiguro..... Sandali, si Prinsipe Neheya. Oo tama, narito siya sa mundo ng mga tao. Ngunit saan ko siya matatagpuan? Wala akong kaalaman alam sa mundong ito. Ang Metyeros. Kailangan namin ng metyeros na sa ganun at magkaroon ako ng katawang tao tulad ng kay prinsesa Amulet ng hindi naaapektuhan ang pagiging diwata ko. Kailangan ko ng basbas ng metyeros sa patnubay ni Prinsesa upang maisagawa ang iba ko pang tungkulin. Tsk!!!! Gayunpaman ang mundo ng Encantadia ay hindi na nilalamun ng asupre. Magandang balita ito. Kailangan ko ang presensiya ng dalawang ginoo na ito na dapat ay laging nasa tabi ng prinsesa." **** CAIRO POV Nagising ako na parang ang daming mata na nakatitig sa akin. Ang sarap amuyin ng bagong manunuot sa aking ilong. Pagmulat ko ng aking mata ay kapit ko ang napakalambot at mabangong kamay ng prinsesa!? Ng prinsesa? Ang aking isang kamay naman ay nakayapos sa kanyang beywang? Sa kanyang beywang? Paanong katabi ko ang prinsesa? Dahan dahan akong gumalaw at akmang uupo. Nagulat akong yakap ni Top si Amulet. Ang ulo ng dalaga ay nakahilig sa balikat ng aking kaibigan at ang mga kamay ni Top ay nayapos sa leeg patungo sa buhok ni Amulet. "Anung!!!!? " biglang namula ang aking mukha at nakaramdam ako ng galit. "f**k! " wika ko at nakarinig ako ng tawanan sa bandang paanan at dun ko narealize na talagang may nakamasid sa amin. Mga diwata na mas lalong dumami sa loob at ang magkapatid na printing prente sa kanilang puwesto. "Ang sabi ni Muyak anumang oras ay gigising na ang prinsesa Amulet dahil sa may dalawang panget na tumabi sa prinsesa! Tsk!!! Tsk!!! Ang sarap ng tulog nyo ahhh!!! " tukso ni Agham habang kita kong umiiling iling pa ang ulo nito. "Putcha!!!! Dapat dito narin ako natulog eh!!!! " segunda ni Macky. At dahil sa maingay ang paligid ay napansin ko naring nagising si Top. "f**k!!!! Hey you! Alisin mo nga yang kamay mo kay Liwayna!!!! " utos ko kay Top. "Ang ingay nyo mga ginoo. Maaari bang lumabas muna kayo dahil may ritual pa kaming gagawin. " dinig kong wika ni Muyak na dahan dahan ng kumilos si Top upang ayusin ang prinsesa at ako ay bumaba na sa kama. Sabay na kaming umalis sa kwarto. Sinundan ko si Top na patungo sa kanyang kwarto. "Hey! How about Kaila? Why are you doing this bro!? May commitment ka na. Ano yun!? " may tensyon sa boses kong tanong sa kaibigan ko. " I don't know what should I'm going to answer on that stupid question Cai. All I know right now is I love that woman. " "Bulllshiiit Top! The woman you love is the woman Im waiting for long!!!! The woman in the other room is the woman I love! Sa bawat panaginip ko noong ako ay walong taong gulang siya ang batang babae na nakakasama ko sa panaginip ko. Si Amulet Liwayna to!l sya yung babaeng ikwenikwento ko sayo noon pa! Puwede ba kay Kaila ka na! " sabi ko bago ako lumabas ng kuwarto nya at napagdesisyunan ko ng umuwi muna at babalik ako kaagad. Anumang oras ay gigising na si Liwayna. Iuuwe ko siya sa bahay. Ipinaayos ko na ang kubo na pansamantala na niyang tutuluyan sa may harden at alam kong matutuwa sya roon bago ko sya iuuwe sa laguna. Alam narin ito ni Muyak. Pagkababa ko ay nakita kong maagang nasa sala sila tita Betty at Tito Fernando na nagkakape. "Good morning Po! " bati ko. "Good morning! Hindi ka pa ba umuuwe sa inyo!?" "Dito po ulit ako nagpalipas ng gabi tita pero ngayon po uwe po muna ako at babalik rin agad." sabay paalam ko at sumakay agad ako sa aking sasakyan. May mga diwata sumabay sakin upang ayusin ang harden na paglilipatan ng prinsesa. Di na nila kailangan sumakay dahil may mga pakpak naman sila. Hindi ito kalayuan sa bahay nila Top dahil limang minuto lamang ang byahe ay ang bakuran ng Yuan family na ang makikita mo. Iilan palang ang kabahayan dito sa Solis Compound. Sakop parin ito ng Manila ngunit hindi ito crowded tulad sa ibang bahagi ng Manila. Pagkarating palang namin sa bahay ay agad na nagsipagkalat ang mga diwata. Mabilis akong naligo at nag-almusal. Sinaglit ko ang munting kubo ng prinsesa at namangha ako sa aking nakita. Naging korona ngayon ito sa loob ng aming bakuran sa likuran. Walang masyadong tao rito. May dalawa kaming katulong na matanda na. Wala naman akong kapatid dahil nag-iisa lamang ako. Si mama at papa naman ay busy sa kanilang negosyo. Hindi tulad sa mansion nila Top na maraming katulong. Agad na akong sumakay sa aking sport car. Nais kong pakabalik na agad at sa paggising niya ay katabi niya ako. Dala ko rin ang isang paris ng damit na babagay sa mahal kong liwayna. Maganda ang tela nito na nababagay sa makinis niyang balat. Pinaspecial delivery ko pa ang damit na ito mula sa sikat na Cannor Clothing Industry. May mga damit narin siya sa kubo. Dagdag lamang ito sa mga damit na inorder nila Macky. "Oh hijo, nandito ka na agad. " wika ni Tita Betty. "Hehe opo. Hinihintay ko lang pong magising ang aking Liwayna tita at iuuwe ko na po siya." "Liwayna? " "Ah eh opo. Ahm nasiraan po kasi ako ng sasakyan nung galing kaming Baguio. Eh masama po pakiramdam ni Liwayna kaya nasa guestroom nyo po sya ngayon. Yun po ang pinahiram na kwarto ni Top." paliwanag ko na nangangamot pa ako ng aking batok. " "owwww! Kaya ba sa hallway kayo natulog nung nakaraang gabi? " Hindi ko pa nasasagot ang tanong ay nagsipagbabaan na ang magkakapatid na pawang katatapos lang ring maligo. "Good morning everyone!!!!! " si Sky na sumusuntok pa sa kawalan. "It's Sunday guys!!! Simba tayo! Mamaya pa naman ang lastmass. " aya ni Tita Betty "ahhhhhuhhhh nope! " - Sky "Ayaw." -Macky "No thanks! " -Too "Nextime na ma! " -Agham Sabay sabay na tanggi ng mga anak ni Tita. "Ehhhhhh? " nakataas pa ang kilay na sagot naman ni Tita sa mga ito. Pumuwesto ng upo sa kanilang tabi ang mga kaibigan. "Excuse po may ihahatid langbpo ako sa taas." paalam ko sa mga ito at umakyat na ako. "Bakit ayaw nyong magsimba? " dinig ko pang tanung ng kanilang ina. PAGBUKAS na pagbukas ko ng kwarto ay nakita kong gising na ang prinsesa Liwayna. Nakatingin ito sakin at agad ko itong niyakap. Siguro ang height niya ay nasa 5'3" habang ang height ko naman ay saktong six footer. Pareparehas kami ng tangkad ng mga Manzano brother. Ang sarap nyang yakapin at ang bango pa ba animoy bagong paligo. "Cairo.... Ikaw na nga... kanina pa kita hinihintay. Aalis na ba tayo? " wowwww!!!!! Ngayon ko lamang narinig ang ang boses ni Liwayna na dati rati ay nagikhik lamang ng kanyang tawa. Ang sarap sa pakiramdam. "Liwayna. " nawika ko at binuhat ko siya sa katuwaan. "Masaya ako at makakausap na kita ngayon!!!! Maligayang pagdating sa mundo ng mga tao mahal ko! " malakas sa loob kong pagbati sa kanya. "Muyak, ito na ang damit. " wika ko na sabay abot sa diwata pagkatapos kong bumitaw sa pagkakayakap sa prinsesa. Sa isang iglap lang ay nagbago ang kasuotan ng mahal ko. Humigit pa siya sa isang modelo. Ang damit na maganda ay mas lalong nakitaan ng pagkamarangya at para siyang manika. Hindi, hindi siya manika kundi siya ang pinakamagandang diwata na nasilayan ko na walang paparis sa kanyang ganda kahit sa mang mundo. "Susuutan kita ng sapin sa paa mahal ko.... Di ka maaaring maglakad ng walang saplot ang iyong malarosas na paa ngayong nasa kaanyuan ka ng pagiging tao. Di na ako makapaghintay na iuuwe na kita sa pansamantala mong tahanan." "Salamat. Natutuwa akong nakikilala mo parin ako ginoong Cairo." tugon niya sakin bago ko siya iniupo sa gilid ng kama. "Sa tingin mo ba ay kalilimutan ko ang maliit na prinsesang napakakulit sa aking panaginip? Kahit kailan ay di kita kinalimutan. " Isang paris ng two inches heels sandals na kulay ginto ang aking isinuot sa kanya. Kakulay ito ng kanyang off shoulder dress. Matingkad ang kulay nito at buhay na buhay. "Nakakatuwa na may mga ganito kayong kasuotan sa mundo ninyo ginoo. " Itinayo ko siya at muli ko siyang niyakap at hinagkan sa noo. "Hayaan mo na lahat ng mga bagay dito sa mundo ng tao ay makikilala at malalaman mo kung para saan sila ginagamit." "Salamat kung ganun. Ahmmm Cairo nagugutom na ako..." walang kimi nitong wika. "Muyak? " "Mga prutas. Katas ng prutas ang kanyang kinakain ginoo. Ang katawan ng prinsesa ngayon pansamantalang tao. Ang apat na elemento sa kanyang katawan ay payapang natutulog. Ginoo, ilang araw lamang tatagal ang ritual na aming inalay. Ang metyeros na hawak ni Pedro Duke ang kailangan natin upang manumbalik ang lakas ng prinsesa. Alam naman nating naging pananggalan ang kapangyarihan ni prinsesa sa mundo ng Encantadia at ibinalanse nya ito dito sa mundo ng tao kaya hanggang maaari ay gawin na natin ang mga nararapat. " mahabang pahayag ni Muyak. "Kung gayun ay tara na. Unahin muna natin na busugin ang mahal ko. " wika ko na hinawakan ko na siya sa beywang at iginaya palabas ng kuwarto. **** BUMALIK SA DATING kaayusan ang kwartong ginamit nila Amulet. Biglang nawala ang mga halamang bumalot rito at naging normal. Ang mga ibon ay paru-paro ay nagsipaglabasan ng kuwarto at automatikong kumalat sa bakuran ng mansion. Nagkwekwentuhan ang buong pamilya sa ibaba ng biglang tumigil ang masaya nilang pag-uusap ng hindi sinasadyang nabitawan nanaman ang tray at nabasag ang dalang tasa na may lamang mainit na kape ni yaya Mely kaya ang lahat ng mata ay nasa kanya. Titig na titig nanaman si yaya Mely sa hagdan. "Yaya mely huwag mong sasabihin may nakita ka nanaman nakaputi!!? Yaya uubusin mo yata ang mga tasa! " si Betty na nakasimangot. "Ma'am, ang prinsesa ng mga diwata narito!!! " ang nasambit ng bibig ni yaya mely upang magbago ang direksiyon ng paningin ng lahat. "Diwata nanaman ngayon, kakaluka ka na yaya! " natatawang tugon ni Betty na tumingin narin sa direksiyon na tinitingnan ni Mely. Napatayo ang apat na magkakapatid at sinalubong ang pababang si Amulet at Cairo. "Your awake now!!! " masiglang bati ni Agham. "Hi!!! " sabay sabay na bati ng apat at walang prenong humalik sa pisnge ang tatlo na ipagdadamot sana ni Cairo ngunit ayaw nyang bastusin ang mga ito sa harap ng magulang ngunit maliban kay Top na sa labi humalik kaya naman naitulak niya ito ng malakas. "f**k you Top!!!! " sigaw ni Cairo at nanlilisik ang mga mata. At mabilis ang kanyang mga daliri sa kamay na pinunasan ang labi ni Amulet. "Topher!!!!! " suway ni Fernando. "Mahal ko! Tsk! s**t! " sambit ni Cairo na si Amulet lamang ang nakakarinig. Ang salitang mahal ay normal lamang sa mga diwata. Si Muyak na nakalutang sa ere ay tamang nakamasid lamang sa lahat. Kinabig na ni Cairo ang beywang ng dalaga patungo sa kanyang tabi at saka naglakad patungo sa kinaroroonan ng mag-asawa. "Tita, Tito meet Amulet Liwayna po, my girlfriend. " pagpapakilala ni Cairo sa magulang nila Top sabay halik nito sa sentido ng babae. "Girlfriend? Kasintahan! Tsk! Huli ka gabay! Umiibig ka sa mahal na prinsesa tulad ni ginoong si Top. " bulong ng isip ni Muyak. "Eh? " sagot ni Amulet na naunawaan na ang lahat kung bakit ito nagalit ng siya ay hinalikan ng ginoong si Top. "Ohhhh my God!!!! Napakaganda mo naman Liwayna...... Hindi ko inaasahan na may maganda kaming bisita na natutulog sa guest room. " bati ni Betty sa diwata na hinaplos pa sa mukha nito at bumeso. "Tiyak nagugutom ka na!!!!" dagdag nito. "Opo. Nagugutom na nga po ako ginang. " nakangiti nitong tugon. "Ayyyy pati ang boses mo at napakasarap pakinggan!!!! Ohhhh siya!!!! Ohhh siya!!!! Halika sumama ka sakin sa dining!!!! Cairo ako na ang bahala sa kasintahan mo ha!!! " at kinuha na ni Betty sa bisig ni Cairo ang dalaga. "Mahal na prinsesa! Ikaw nga! Maligayang pagdating! " bati ni yaya mely na yumuko pa na ikinagulat ng lahat maging si Muyak na nakamasid lamang habang nakalutang sa ere. "Salamat. " nakangiting tugon naman ni Amulet na ikinatawa ng bahagya ng ginang. "May kakulitan ka rin pala hija, halika na..." aya nito. "Tita, prutas lang po ang kinakain ng kasintahan ko. " pahabol na wika ni Cairo. "Okkk!!!! Ako ng bahala!!! Wow! Kaya pala ang ganda ganda mo hija" agad na tugon ni Betty. "And you Top!!! " naniningkit na mata ni Cairo ang sumalubong sa binata ng hindi na niya matanaw ang prinsesa. "Yes you are Topper!! Why did you do that!!!? Girlfriend ng kaibigan mo yun tapos hahalikan mo sa labi!!! Son you have fiancee!!! My God! Anong nangyayari sa iyo!!! Nakakahiya kay Cairo" namumulang wika ni Fernando. "I'll fix everything pa. And Amulet will be mine." pagkawika nito ay agad siyang umakyat at tinungo ang kanyang kuwarto . Maya maya ay lumabas din hawak ang susi ng kanyang kotse at umalis. "Cairo Hijo, Naku nakakahiya sa iyo. Mukhang - nakakahiya mang sabihin pero tinamaan yata ng malupit ang anak ko sa nobya mo!!! Tsk! Wag sanang masira ang pagkakaibigan nyo. " "I can't promise that Tito. Kailangan kong ipagdamot si Liwayna kahit na kanino. " seryosong sagot nito sa matanda. "Hala!!!!! Yan na nga ang sinasabi ko!!!! Tol, liligawan ko na sana si Prinsesa pero hindi na. Napakakomplekado na! Haha! " si Sky na tinapik ang balikat ng kaibigan. "Naku tol, itago mo na si Amulet at seryoso ang kuya ko! Kilala mo naman yun diba! " sagot ni Macky na muling umupo sa sofa. PANAY KINDAT naman ang ginagawa ni Agham sa lumilipad na si Muyak. Kinukulit niya ang diwata at sinundan pa sa dining kung nasan naroon ang kanyang alaga. Si Macky naman ay siryusong namimili muli ng mga dress at iba pang kasuotan para sa dalaga. Si Sky naman ay sinundan si yaya Mely sa kusina. Ipinagshake ni Betty ng mango si Liwayna at pinagluto ng french fries. Gumawa rin ito ng vegetable chicken sandwich. Alanganin si Princess na kainin at inumin ang nasa kanyang harapan. May saging siyang nakita at agad siyang kumuha ng isa at kumain. "Hija, try this too..... I made it for you. " lambing ng ginang sa dalaga. Inuna niya ang mango shake na ginawa ng ginang hanggang sa natikman na niya ito at hindi na niya napigilan ubusin. "Ang sarap po. Mayroon pa po ba? " na wika ni Amulet na ngiting ngiti kaya ang ginang ay awtomatikong tuwang tuwa na tumayo at gumawa muli. Si Agham naman ay natuwa rin sa reaction na ginawa ni Amulet maging si Muyak ay nagulat. "Ginoo, anu bang lasa nong ginawa ng iyong ina? " si Muyak na biglang napatanong at naupo na sa tabi ni Agham. "Huli ka!!!! " sabay hatak ng batok ni Muyak at siniil niya ito ng halik. "Iyan ang lasa ng ginagawa ni mama mahal kong Muyak. " "Aissssht! " sabay batok sa binata. "Marunong palang mambatok ang tulad mong diwata? " natatawang wika ni Agham. Hindi napapansin ni Amulet ang sa kanyang paligid dahil sa busy na itong kumakain ng vegetable chicken sandwich. "Muyak tikman mo!!! Ang sarap!!! " si Amulet na inabot ang platito na punong puno ng fries. Agad na lumipad si Muyak para paunlakan ang inaalok sa kanya ng prinsesa. "Prinsesa, maalat po. Makakasama po ito sa kalusugan nyo. " si Muyak na hindi mapunta ang mukha. "Ay mali ako ng naiabot Muyak, ito ang masarap! " sabay abot ng kalahating sandwich sa kanya. "Hmmmm, tama po kayo mahal na prinsesa. Kakaiba ang pagkain ito! " natutuwang komento ni Muyak. "Muyak, pagtinanggap mo ang pag-ibig ko, pangako, lahat ng pagkaing masasarap dito sa mundo ay matitikman mo. Mahalin mo lang ako sinisinta kong Muyak! " himig ng panunuyo ni Agham. "Sinisinta mo si Muyak ginoong Agham? " agaw pansin ni Amulet kay Agham. Na nakahalumbabang nakatitig kay Muyak. "Agham! Nakakainis ka!!! " sagot ni Muyak. "Ang aking si Agham may sinisinta? " biglang wika naman ni Betty na biglang dumating mula dirty kitchen. "Mama, merun po, ang diwatang si Muyak po na gabay ng magandang prinsesa na inyong katabi. " nangingiting sagot ni Agham. "Diwata!? " natatawang sagot naman ni Betty. "Basta hijo kasing ganda ni Liwayna, sige! Pwedeng pwede at susuportahan kita!! " natutuwang dagdag nito. "Tita, mawalang galang na po, iuuwe ko na po si Liwayna. Mahal ko, tara na. " si Cairo na iniabot ang kanyang kamay. "Ahhhh Teyka lang hijo, ililipat ko nalamang muna sa disposable cup itong mango shake nya. Pakihintay nalang. " at agad na kinuha ang baso at muling bumalik sa kusina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD