HINDI MAPIGILANG halikan ni Top si Amulet sa labi ng kanya itong makita kanina na bumababa sa hagdanan. Hindi siya nagsisisi sa kanyang ginawa kahit nagalit at sumama ang loob na kanya ni Cairo.
At ng marinig niya na ipinakilala ni Cairo sa magulang ang diwata na girlfriend niya ay parang sinasaksak ng sampung beses ang kanyang puso. Selos na selos siya lalo nat nakita niya na ang kanyang ina at tuwang tuwa sa diwata.
Ngayon lamang niya nakita ang ina niyang nagiliw ng ganun.
TOP POV
Kahit naman sinong lalaki ang makakita kay Amulet ay talagang mabibighani. Kahit si Papa ay napansin kong napanganga ng makita nya si Amulet.
Akin lang siya Amulet. f**k! Parang sasabog ang dibdib ko ngayon habang nagmamaneho ako ng aking sasakyan patungo sa Makati kung nasaan ang condominium na tinutuluyan ni Kaila. Inaangkin na ni Cairo si Amulet at hindi ay hindi ko gusto. Ako ang dapat niyang kasama.
Gusto ko ng tapusin ang namamagitan samin ni Kaila. Sana tama ang aking ginagawa. Kanino pa ako paulit ulit na nagdarasal na umaayon sakin ang lahat ngayon araw. Hindi ko alam kung saan o anong sitwasyon pero kahit ano pa ang mangyari ay makikipaghiwalay ako ngayon kay Kaila. Baliw na kung baliw dahil matutuluyan talaga ako ng pagkabaliw kung hindi ko ito gagawin.
Mahalin man niya ako o hindi ay ipapakita ko na labis ko siyang iniibig at handa kong gawin ang lahat para sa kanya.
Ipinark ko ang aking sasakyan sa harap ng isang gusali. Walang alam si Kaila na pupunta ako sa kanya. Ang alam nito ay ngayon palang ang uwe namin from Baguio. Nagkataon lamang na sa unang gabi namin sa camping ay nagkaroon ng pangyayari na hindi ko makakalimutan dahil dito ko siya unang nakilala.
Sakay na ako ng elevator. Buo na ang loob ko at inihahanda ko na ang aking sarili sa puwedeng mangyari. Alam kong magagalit sakin ang pamilya ni Kaila. Pero handa akong tanggapin ang lahat ng magiging resulta nito.
Narito na ako ngayon sa harap ng kanyang pinto. Hindi na ako kumatok dahil alam ko naman ang password ng kanyang unit. Bumukas ito nang maenter ko na ang key number.
Nagulat akong may nakakalat na damit ng lalaki sa sahig. f**k! Kinakabahan ako na parang natutuwa ako na parang iwan. Ito ba ang sagot sa dasal ko. Kapag sumang-ayon ang mga ito sa dasal ko ay talagang maniniwala na ako na malakas ako sa Panginoon. May pagkakataon na akong mabawe si Amulet kay Cairo.
Kinuha ko ang aking cellphone dahil umaandar ang kapilyuhan ko. Natural, para may ebidensiya ako na magulo rin siya bukod sakin. Malala pa nga ang sa kanya. Nakakarinig ako ng ungol mula sa bukas na pintuan.
Fuck!!!! Di ko inaasahan na ang karelasyon ng aking fiancee ay isang katulad din niyang babae! Nakapagsave na ako ng mga larawan nila. Atleast gumanda na ang aking pakiramdam. Hindi ko na sasabihin kung anong posisyon ang naabutan ko. Pero maaaring magaling ang tomboy na ito sakin dahil nagawa nya pang maghanap.
"Tsk! Ilang oras pa akong maghihintay dito para matapos kayo!? " pambasag ko na sa dalawa gayung malapit na sanang labasan ang fiancee ko.
"Shiiitt!!!! Top!!! Ohhh my Jun get out!!!! "
"Just continue Kaila. I'm just going to wait may be in your waiting area. " haha ito yun oh!!! Maghintay ka mahal kong Amulet, mababaw na kita.
Walang kahirap hirap!!!! Salamat salamat!!!!
"I change my mind. I don't want to marry you anymore!!!! May be you can explain this to your family in a nice way Kaila. Just don't ever mess my name. "
"Babe, listen, I'm sorry please I'm sorry!!!! We are just-"
"Shut up!!!! We're over. " sabay walk-out ko na sa harap nila.
Nagmamadali na akong umalis sa lugar na iyon sakay ng aking sasakyan. Gusto ko ng umuwe at makita si Amulet. Pagbaba ko pa lamang ng sasakyan ay agad na akong tumungo sa kwarto niya ngunit parang isang panaginip na parang walang nangyari sa loob ng kwarto na inukupahan niya.
Pinuntahan ko ang mga kwarto ng kapatid ko ngunit kahit isa sa kanila ay wala roon. Nakarinig ako ng tinig na nagkwekwentuhan sa kusina kaya doon na ako dumeretcho at doon ko nakita si mama na kawentuhan niya si yaya Mely.
"Oh anak nandyan ka na pala! " bati ng ina.
"Ma, sila Amulet!? "
"Ahhh yung dyosa ba? nakuuuu anak yun ang gusto kong maging asawa mo. Tulad ng ganun na hindi nakakasawa ang ganda!!!" biglang bago ng expression ng mukha nito.
"Aasawahin ko talaga yun ma! Asan na si Amulet!? "
"Tsk! Ang luko mo rin! Girlfriend na yun ng kaibigan mo! " natatawang sagot ni mama.
"Mama, aagawin ko! Tumalikod lang ako, sila na agad!? Hindi puwede yun ma! Akin si Amulet! Bayan ma! Asan na ba siya!? Asan na ang aasawahin ko, pakakasalan ko na sya ngayon din!" seryuso kong wika at talagang naghihintay na kong malaman kung nasaan na ang sinisinta ko.
"Ikaw Top wag mo akong pinagluluko ha! Engaged ka na kay Kaila, lumalandi ka pa sa iba!!! " nabakas ko sa mukha ni mama na di na niya gusto ang mga sinasabi ko.
"Wala na po kami ni Kaila ma! She was the one na unang lumandi. Nahuli ko sila ng karelasyon nya kanila lang sa kanyang kama that why I'm here! Hehe! But I'm happy ma!!! kaya malaya na ako ma! " masaya kong balita
"What!?" gulat nyang mukha ngayon ang makikita ko.
"Akala ko naman santa ang girlfriend mo!!! "
"Si mama naman, akala ko rin. Ma asan na sya!!!? "
"Umalis na. Inuwe na ni Cairo sa kanila. Andun sila ng mga kapatid mo. Teyka anak! Sure ka ba na kaya mong agawin si Liwayna kay Cairo!!!? Alalahanin mo matalik kayong magkaibigan ha!!!! " babala ni mama ngunit tumakbo na akong palayo sa kanya.
Naiinis akong inilipat ni Cairo ng matutuluyan si Amulet. Talagang ilalayo nya ito sakin. Mabilis akong sumakay sa aking sasakyan at nagawa kong itakbo ng tatlong minuto lamang ang aking sasakyan instead of five minutes.
Lakad takbo kong pinasok ang kabahayan nila Cairo at ang harden ang nakatawag pansin sa akin kung saan ko namataan ang mga diwata. Alam kong sa likuran ng mansion nila Cairo ay may napakalawak na harden. Mayroon itong maze na ang dulo at naroon ang batis. Lumukso ang aking puso ng nakangiting nakadungaw sa pinto ng kanyang kubo ang babaeng gumugulo ng aking isipan at ng aking puso. Parang may hinihintay ito na hindi mapakali.
Agad ko siyang tinakbo at hinawakan ko agad ang kanyang batok at hinagkan ko siya sa kanyang labi. Pasensya na at talagang natutukso ako na yakapin at halikan ang mahalimuyak na diwatang ito.
Tumagal din ito ng limang segundo bago ko pinakawalan ang malambot at malarosas niyang labi. Napakabango nya talaga.
"Ikaw si ginoong Top. Sayo at kay Cairo pumapanatag ang puso ko." ang sarap talagang pakinggan ang boses nya. Pumapasok ito sa buo kong katawan na nakapagbibigay sakin ng napakaginhawang pakiramdam.
"Ang pintig nito ay katulad ng kay Cairo. " dagdag niya na idinikit pa ang kanyang teynga sa aking dibdib kung nasaan ang aking puso.
" Nakita narin kita noong dinalaw ko siya sa kanyang pagtulog. Ang bawat t***k ng puso nyo ay kaysarap pakinggan at parang musika ito sa aking pandinig." at muli niyang iniharap sakin ang kanyang magandang mukha habang yakap ko siya ngayon sa kanyang beywang.
"Kung paano mo minamahal ang iyong mga kapatid ay ganun rin ang pagmamahal ni ginoong Cairo sayo, maging sa mga nakakabata mong kapatid. Mahal nyo ang isa't isa, at nagkataong ang pinipintig ng puso nyo ngayon ay nasa parehong saliw. "
Sa sinabi nya ay parang binuhusan ako ng malamig na tubig. f**k!!! Handa ko nga nang sirain ang pagiging magkaibigan namin! Tinatalo ko ba ang kaibigan ko!? Shiiit I just love this woman! At ayaw ko syang pakawalan!
"Gusto ko ang pinipintig ng puso nyo ni Cairo kapag payapa kayong nakadikit sakin. Dahil binigbigyan nito ang katawang tao ko ng lakas at busilak na pagmamahal. Pero nalulungkot ako na nadadama ko rin ang mga agam agam nyo na nagpapasakit sa inyo. At ako ang siyang dahilan rin niyon. Iyon din ang dahilan kung bakit para akong natutunaw na parang yelo. Napakainit ng galit na nadarama ko tulad ng naramdaman ko sa puso ni Prinsipe Empetus. Nalulungkot ako."
Sa pagkakataong ito ay biglang dumilim nalang ang paligid. Ang mata nya'y nakita kung nag-uunahan ng lumuluha. Nakita ko siyang tumingin sa may backdoor kung saan ako dumaan kanina. Napakalas ang aking mga kamay sa kanyang beywang. Naroon silang lahat. Si Cairo. Si Muyak na mababakas ko rin ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Hindi ko nagugustuhan ang sakit na nararamdaman ng mga puso nyo." at humagulhol na ito kasabay ng kulog at kidlat sa kalawakan. Ang mga patak ng ulan ay nag uunaha ng pumapatak paibaba.
****
DINIG NI CAIRO ang mensahe na gustong iparating ni Liwayna. Kanina ay nakita niya si Top na dumating habang nagpreprepare siya ng pagkain na gustong kainin ng kanyang si Liwayna. Natakam kasi ito sa mga pagkaing ipinakita ni Macky at Agham sa laptop.
Kitang kita niya ang muling paghalik ni Top sa babaeng minamahal niya ng sinundan niya ito. Halos mamula siya sa galit. Gusto niyang sugurin at suntukin si Top pero pinigilan siya ni Muyak.
Dahil sa pinigilan siya ni Muyak ay malinaw niyang narinig ang lahat ng sinabi ni Liwayna at dito siya natauhan. Siya ay gabay, siya ang kokontrol sa emosyon ng diwatang kanyang iniibig.
Agad siyang humugot ng hangin at ibinuga niya rin ito. Lumapit siya sa kinaroroonan ng dalawa. Tinapik niya sa balikat si Top at niyakap niya ng mahigpit si Liwayna. Unti unti na silang nababasa ng ulan.
"Sorry mahal ko. Nakalimot akong konektado ka sa mga puso namin... Pangako mahal magiging gentle na kami. Tahan na. " wika ni Cairo na hinahalik halikan ang pisnge nito.
"Ang may magandang mukha ng tulad ng sayo ay di nababagay na lumuluha ng ganyan. You deserve to be happy my princess. I love you and, that's it no matter what. Come! Forget what happened a while ago. You gonna love the fruit salad we made. Ito yung kanina mo pa gustong kainin dina. Top, join us. " aya ni Cairo sa kaibigan at inakbayan na niya ang prinsesa matapos yakapin ng napakahigpit.
Bumalik na ang t***k ng puso ni Cairo sa pagiging masigla na dinig na dinig ni Alumet kaya napayakap din siya sa binata at hinayaan niya rin ang binatang akbayan siya.
At tulad ni Cairo ay humugot din ng hangin si Top sabay buga nito.
"Im sorry sweetie dahil di ko man lang naisip na nababasa at nararamdaman mo pala ang tinitibok ng puso ko. Pinapangako ko na pagmamahal ko lang ang mararamdaman mo ngayon at hindi selos o kung ano pa man. Yap! Like what Cairo said. We gonna be gentle. Huwag ka ng iiyak ha please... I love you Amulet! I love you! " sabay hinge rin nito ng permisong mayakap ang diwata at nagpatianod narin si Alumet at hinayaang halikan ang malaginto nitong buhok.
Then the rain stop at dahan dahang umaliwalas ang panahon. What the f**k diba. Parang yung moment na mainit ang panahon pero naulan. Ika nga nila may kinakasal na tikbalang pagganun.
"Friends bro!" sabay na wika ng dalawang lalaki sa harap ni Amulet at nag bump ang kanilang mga bisig.
"And you young fairy, magbihis ka na muna dahil basang basa ka ng ulan. Go to your room now then after puwede na kayong kumain ni Muyak. " si Cairo na pinush paharap sa pinto ng kubo ang dalaga na sinundan na siya Muyak.
"Whooolah!!! Nagkasundo ang dalawa!!!! Ang lupit nyo!!!! " si Agham na natatawa.
"Sarap ng tawa mo hayop ka!!! Masaya na lang eh! Naunahan mo lang ako kay Muyak tol " si Macky na ngumisi.
"Oy Top akalain mo yun! May basbas si Agham kay Amulet na pwede nyang sintahin! - Tangna! Word sinta talaga noh! Oo yun na nga, pwede nyang ligawan si Muyak! At take note , hindi sa puwede o puwede ang relasyon ha, basta busilak daw ang pagmamahalan ng bawat isa, diwata at tao ay binibigyan ng pagkakataong magmahalan, pero! Pero pumapasok parin sa kasunduan!" si Sky na nakahalukipkip at yakap ang sarili at tumataas ang kilay.
"Really huh!!!! " nakangising sagot ni Top.
"Tsk! Wag ka na munang mag-isip ng popormahan mo ang mahal na prinsesa! Basang basa ko ang nasa isip mo ulol! Nakakalimutan mo atang nandito ako! May mga dapat tayong unahin! Tumigil ka! " si Cairo sabay suntok nito ng di kalakasan sa braso.
"I can't stop my mind. Talagang tinamaan ako ng lintik na pag-ibig tol!" sagot ni Top.
"f**k you!!!! Yung mahal ko pa talaga hayop ka! Tsk! " si Cairo na nakapameywangan na.
" Teyka parang nararamdaman kong may ibabalita ka ah, wanna share!? " -Cairo
"How about while we change clothes? Ang lamig na bro!" -Top
Nagsipagtabihan ang tatlong binata dahil papasok ang dalawang magkaibigan na basang basa at parang walang nangyari.
" Me and Kaila is over. " simula ni Top.
" Ohhh!!! I see. Kaya pala bigla kang napasugod dito at ang lakas nanaman ng loob mo. Tsk! Nga pala ang hilig mong humalik sa labi ng prinsesa! Magkasundo nga tayo na walang halik sa labi ohhh, umiinit talaga ang dugo ko sayo! But anyway talaga namang malakas ang loob mo noon pa man. " salubong nanaman ang kilay ni Cairo.
"Yeaaahhh I know right. Pasensya na. Hindi ko lang talaga mapigilan. Nakakaaddict ang labi nya na parang alam mo yun may honey. Yung- yung tamis na nakukuha sa mga bulaklak. Gayun sya tol! " namumulang paliwanag ni Top.
"Tangna ka tol!!! Hayaan mo at titikman ko ang labi nya mamaya! " galit nanaman ang tono ni Cairo.
"Wait, sabi mo wala ng halikan sa labi!!!? " alma ni Top.
"After kong matikman syempre! Gago ka eh!!! Pwede ba tol wag mong lapastanganin ang prinsesa! Kapag ikaw pinuntahan ng hari na kanyang Ama, awa ko sayo! Baka di ka na magising! Nga pala how come? Paano mo sya napapayag na maghiwalay na kayo!? "
"Ahm nahuli ko lang sila sa akto ng karelasyon nya actual? Simpleng simple lang diba. And may be that will be enough reason to get over with her. " nakangiti pa nitong kwento.
"What the f**k!!! Tuwang tuwa ka pa na niluluko ka na pala! Tsk!!!! Ibang klase ka Top! Parang hindi ikaw yan ah!! " -Cairo
"Ehhh sabi ko nga na love at first sight nga ako kay Amulet. Tangna!!!! Problemadong problemado ako kanina kung paano ako makakawala kay Laila haiiisssttt praise God!!! Hehe! Nalusutan ko!!!" -Top
" Tsk! Lakas mo rin eh! Owww by the way. Just wanted to tell you na ang babaeng iniibig natin ay komplikado. She can't love us back but we can love her. " si Cairo na nagiba ng emosyon ng mukha.
"What do you mean?"
"Siya ang buhay, siya ang susi. Yan ang ang naririnig ko sa bawat panaginip ko Top. Walang aangkin sa kanya kundi ang kalikasan. Alam mo yun. Yung tinig na yun ang sumasaliw tuwing nagigising ako. "
"What!? " nalilito pa rin nitong tanong.
" I can't clearly explain pa tol. Ang dami kong nakita noong ako ay natulog sa tabi nya. Ang pamilya nya nababahala. Ang Reyna Amihan na inalay ang katawang diwata sa puno ng buhay. I really don't get it. Kung saan saan ako dinala ng apat na elemento. At may isa pang tao o diwata na darating sa buhay ni Liwayna tol. Shiiit isipin ko palang yun nadadagdagan na naman ang konsumisyon ko! Sayo palang nga sagad na hanggang buto ang alta presyon ko! " si Cairo na kumukuha na ng damit sa kanyang closet at iniabot sa kaibigan.
"Eh ikaw tol? Anu ang mga nakita mo nung nakatabi mo ang prinsesa? Paniguradong pinakitaan karin dahil nakita pa kitang nakangiti habang natutulog! "
"Ah eh, di ko alam kung ilusyon ko lang yun tol oh pangitain. Magandang panaginip. Alam mo namang sumabit lang kami sayo diba. Pero kaya ako nagpupumilit kay Amulet dahil rin sa panaginip ko ring yun na umaasa akong ako nga yun. Malabo din kasi! Basta! Sa panaginip ko, malaya akong nahahalikan sya ng paulit-ulit! "
"Tangna ka talaga tol! Sumasama nanaman loob ko sayo! Kahit sa panaginip mo inaangkin mo eh! Masyado lang ilusyunado! Tsk! Ako na muna ang mauunang! " sabay pasok sa loob ng banyo.
****
Sa may harden kung saan nasa ilalim sila ng green house ay mayroong round table at mga stool na pang animan. Naroon si Alumet na katabi si Muyak at Macky. Ang katabi naman ni Muyak ay si Agham at si Sky naman ang katabi ng binata. Tuwang tuwa ang lahat ng tatlong binata na nakikinig lamang sa malalamyos na tinig ng dalawa lalo nat may mga ibon ay paru-parong umaaligid sa kanila.
Buhay na buhay ang paligid at napakalamig sa kanilang kinaroroonan. Ang mga halamang naglalambitin ay naghihimutiktik ang mga bulaklak. Ito ay bunga lamang ng presensiya ng mga diwatang nakapalibot sa kanila. At ayon pa kay Muyak ay mas yayabong ang paligid kung ang prinsesa ay makakabalik na sa dating kaanyuan na malakas.
"Muyak ang sarap!!! " tuwang tuwang sambit ni Alumet habang ang hinlalaki at hintuturong daliri niya ang kanyang ginagamit sa pagkain ng mga cubes na prutas na napupuno ng gatas.
"Tama po kayo mahal na prinsesa! Napakasarap! " tugon ni Muyak naman gamit rin ang kanyang mga daliri.
Hindi nila ginamit ang kubyertos dahil nahihirapan pa silang gamitin ang mga ito.
"Ginoong Macky halina't paunlakan ang igagawad kong pagkain sayo, tikman mo!!! " sabay subo nito sa bibig ng binata na ikinapula ni Macky ngunit agad na tinanggap ang isinubo nito at sa ganung sitwasyon ay talagang kinuha na niya ang pagkakataon na sairin sa daliri ng dalaga ang katas ng gatas gamit ang kanyang dila habang hinawakan na niya ang malambot nitong kamay.
"Prinsesa ako rin! " si Sky na binuhat na ang stool niyang upuan at tumabi kay Alumet.
Pinaunlakan narin ni Alumet si Sky. Tuwang tuwa naman ang dalawang binata ng maabutan ni Cairo at Top sa ganung sitwasyon na napatigil pa sa kanilang bungad hindi kalayuan sa mga ito. Habang si Muyak at Agham ay may sariling mundo.
"Mga ulol! Tumalikod lang kami, kayo naman ang dumidiskarte!! Tangna!!!! " si Top na nakapameywangan.
"Ah ehh!!! " tumayo si Sky at agad na pinangko si Alumet sa kanyang bisig at walang ano ano ay itinakbo niya ito sa maze.
"Mack!!! Yung salad dalhin mo!!!!! Dali!!!! " sigaw ni Sky na agad namang sumunod si Macky.