HARING ORLOK POV
Hindi ko lubos maisip na ang aking prinsesang si Alumet Liwayna ay nagtataglay ng kapangyarihan hindi mapapantayan ng kahit na sinong diwatang nilalang sa mundo ng Encandatia maging sa mundo ng mga tao.
Ang aking prinsesa mula sa labas at loob ng kanyang katauhan ay tunay na nakakabighani ang kanyang pagkadiwata. Ipinagmamalaki kong siya ay aking anak. Ganunpaman ay nag-aalala ako sa kanyang kalagayan. Gamit ang aking kapangyarihan ay nasusubaybayan ko siya sa pamamagitan ng malinaw na batis na pumapalibot sa puno ng buhay ang pinaniniwalaang ina ng metyeros.
Ako si Ornok, anak ni Haring Poseidon at Reyna Herras sa Kaharian ng Atlantika. Napapasailalim parin kami sa mundo ng Encantadiang mahiwaga na likha ni Bathala.
Hindi kapanipaniwalang lumikha ang aking anak ng tulad ng kapsula kung saan niya itinipon ang mga may buhay na hayop sa paligid. Kapsula para sa mga buto ng halamang magagamit sa muling pagbangon ng Encantadia. At kahit nasaloob kami ng ng pananggalang ng aking asawa ay nanumbalik na ang aking lakas. Hindi kami nagugutum dahil punong puno ng enerhiya ang paligid. Ang aking anak...
Hindi ko masabing nasa maayos siyang kalagayan ngayon dahil sa ibinuhos niya ang lahat ng kanyang lakas na ibinigay nya sa kanyang ina na aming pinakikinabangan. Ang aking mahal na asawa na si Amihan na inalay ang kanyang buhay upang protektahan kami. Ang aking mag-ina na lumalaban.
Hindi ko ngayon malaman kung paano ako ngayon makakatulong sa aking anak. Kung sana sana makalabas ako rito at maprotektahan si Liwayna sa masamang alipin ng kadiliman ni Empetus. Kung sana nasa kanyang mga kamay na ang metyerus.... Hindi ako mag-aalalang magagapi siya.
"Ama.... Magtiwala po kayo na matatapos rin ang lahat ng ito at maibabalik sa normal ang Encatandia. Lumalaban si ina at niyayakap niya tayo. Lalo na ang aking bunsong kapatid. Ibinabalita ng hangin na natagpuan na ng aking kapatid ang kanyang gabay sa daigdig ng tao. Ngunit may masamang balita ama. " tinig ni Prinsipe Enerya sa aking likuran na nakapagbigay sakin ng atensyon.
"May masamang balita? "
" Narito sa mundo ng Encantadia si Pedro Duke mula sa mundo ng tao ama. Ang taong tagapangalaga ng metyeros na dapat ay makakatulong kay Amulet. Hawak po siya ni Prinsipe Empetus Ama. Kinababahala kong mga ilang araw lamang ay mawawalan na siya buhay. Hindi po lingid sating kaalaman na wala ng buhay ang nasa labas. Walang mapagkukunan ng pagkain. At - at ayon kay ina ay si prinsipe Empetus lamang ang kanyang makatagal sa labas dahil sa pagmamay-ari na siya ng itim na mahika." pagbabalita sakin ng aking anak.
Totoo ang kanyang inulat. Walang mabubuhay sa labas dahil ang mga diwata mula sa aming kaharian ng Salfaria (apoy), kaharian ng Atlantika (tubig), kaharian ng Milan (hangin) at kaharian ng Bailac (lupa) kung nasaan kami namumuno at sentro ng lahat ay nagsama sama sa mismong aming pinagmulan.
Ako ay hindi mapakali sa aking kinatatayuan. Ako ay lakad parito at aking pinag-aaralan ang mga sinabi ng aking anak.
"Kung si Pedro Duke ay narito sa Encantadia, at kung hawak niya ang metyeros ay di sana nakalabas na si Empetus noong isinara ni amihan ang lagusan. " nasambit ng aking bibig habang napansin ko ang aking anak ay nakatitig sa batis.
"At dahil narito pa si Empetus sa mundo ng Encantadia ay nangangahulugan na wala sa kanya o kay Pedro Duke ang metyerus. Nasaan ang metyerus!? Ahhh!!! Sa ngayon ay nangangahulugang nasa mundo parin ng mga tao ang metyerus! Yun ang aking nasisiguro! " wika ko ng biglang...
"Ama! Sino ang mga hangal na taong iyan na lapastangang hinahagkan ang aking kapatid!!!!? " si Eneryang kitang kita kong umaalab ang kanyang kapangyarihang hangin sa paligid ng kanyang katawan bugso ng kanyang galit na nararamdaman dahil sa kanyang nasaksihan.
At napansin ko rin na si prinsipe Oceano ay gayun rin ang nangyayari. Ang tubig sa batis ay pumuporma ng mapanganib na sandata.
"Enerya gumawa ka ng paraan upang maparusahan ang mga hangal na taong lupa na iyan!!!!! Mga lapastangan!!!!! Mga hangal!!!! Isang maharlika si prinsesa Amulet Liwayna!!!! Nasaan si Muyak at hinahayaan niya lamang ang mga ito!!!" sigaw ni Oceano na nakaagaw pansin sa malalapit sa amin.
"Uutusan ko ang hangin upang balaan ang mga taong iyan!!!! Wala silang karapatang hawakan ang kahit hibla ng buhok ng aking kapatid at lalong lalo na hagkan ang kanyang sagradong labi ng ganun na lamang!!!! Hindi man lamang sila dumaan sa ating pagsubok!!!! Ang dalawa na lalaking iyan ay matitikman ang aking parusa!!! " at nakita ko na siyang humuhulma ng puwersa.
"Anak, maghulos deli ka! Baka sa gagawin mo at makasakit ka ng tao at ito'y ikasawi nila. ! "
"Iyon nga ang aking gagawin ama!! " -Enerya
"Nararapat lamang iyon ama sa dalawang hangal na iyan!!! " sagot ni Oceano.
"Teyka, alalahanin ninyong ang kapatid nyo ay nasa anyong tao ngayon! Baka pati siya ay masaktan! Mahina si Liwayna at wala siyang lakas na mailabas ang kanyang kapangyarihan! Natutulog at nagiipon pa ng lakas ang apat na elemento sa kanyang katawan, at hanggat hindi niya suot ang metyeros ay hindi lubusang manunumbalik ang kanyang kapangyarihan! " paliwanag ko sa dalawang naglalagablab parin ang galit.
Ako man ay nakaramdam ng inis at galit ngayon habang pinagmamasdan ang aking anak na nilalapastangang hawak hawakan ang maharlika nitong balat, niyayakap at ang lalaking iyon na walang alinlangang halikan ang mahal kong bunso sa kanyang labi! Maging ang isa ay walang sawang tinuka tuka ng nguso ang pisnge ng nag-iisa kong babae!!!! Mga hangal nga sila!!!! Isipin ko lang na ang aking anak ay pinagsasamantalahan ng mga ito ay-
At dito ko napansing umuulan sa kinaroroonan nila at maging dito ay gayun rin? Umiiyak ang aking anak? Ilan pang sandali ay nagbago ang panahon kasabay ng pagbago sa kinaroroonan nila Liwayna.
Hindi kaya isa sa kanila ang gabay ng aking anak? Wala pa akong sapat na kaalaman. Pero natitiyak kong muli na ang mga ito ang makakatulong at proprotekta sa prinsesa. Sana nga.... sana....
"Enerya, kapag wala ang ating kapatid sa tabi ng dalawang iyan ay gawin mo ang ating pinaplanong pagpaparusa! " muli ay dinig kong udyok ni Oceano.
"Tumigil na kayo. Ang magagawa ng hangin ay mag-ulat lamang sayo Enerya. Hindi ka maaaring mag-utos sa hangin dahil masusundan ng itim na mahika ni Empetus kung nasaan ang iyong kapatid. Ilalagay mo sa alanganin ang iyong kapatid. "
"Ama!!!! Nais kong puntahan ang aking kapatid! Nais ko siyang protektahan!" si Oceano na lumuhod at muling pinagmasdan si Amulet sa tubig.
"Tama!!!! Hindi man ako ngunit si Prinsipe Neheyah na nasa mundo ng mga tao!!!! Ang anak nila haring Ardor at reyna Eltecia mula sa kaharian ng Salfaria!!!! "
"Magaling kapatid!!! Mas nanaisin ko pang siya ang mapalagayang loob ng aking kapatid at hindi ang mga taong iyang lapastangang inaangkin ang bunso nating kapatid na wala ang ating permiso!"
"Kung gayun ay ipapahanap ko na siya sa hangin! " at dito ay kita kong nagsipag-unahan ng kumawala ang enerhiya ni Enerya.
"Magaling!!!! " nakangiti na wika ni Oceano na nakangiti na.
At nagulat akong sa aking pagtalikod ay naroon ang mga maharlikang kalalakihan na hindi maipinta ang mga mukha. Sila ay mga panauhin sa kaarawan ng aking anak. At ang mga kalalakihang ito ay talagang inaabangan ang pagiging ganap na pagkadalaga ni Liwayna upang dumaan na sa mga pagsubok mabihag lamang ang puso ng aking anak. Kalat talaga sa mundo ng Encantadia ang kakaibang halina ni Amulet. At hindi rin maiiwasang maraming maharlikang diwata ang lihim na nagkakaroon ng sama ng loob sa aking dalaga dahil ang atensiyon ng karamihang binata ay na kay Liwayna.
At si Prinsipe Neheya lamang ang maharlikang binata na napag-alaman kong hindi nakarating dahil sa nag-alburuto ang bulkan sa malayong lugar na kinakailangan niya itong subaybayan.
"Mahal na Haring Ornok, ibig po bang sabihin nito'y mawawalan na kami ng pag-asang ibigin ng prinsesa Amulet Liwayna?" wika ng isa na nababahala ang mukha dahilan upang mapahilot ako sa aking sentido.
"Tama po ba kami ng pagkakarinig na ang prinsipe ng Safaria ay nasa mundo ng mga tao!? " wika ng isa pa na nasa tinig ang pagkadismaya.
"Mawalang galang na po mahal na Hari. Nais ko ring protektahan ang mahal na prinsesa sa aking kapangyarihang taglay. Tulad ng kay prinsipe Enerya ay kaya ko ring pasunurin ang hangin. Pahihintulutan nyo po ba akong subaybayan rin ang mahal na prinsesa?" wika rin ng isa na sa tingin ko ay labis rin ng pagkahumaling sa aking anak.
May magsasalita pa sana ngunit si Haring Ardor na tahimik sa isang tabi ay nagsalita.
"Mawalang galang na sa inyo mga ginoo. Ako na ang sasagot sa inyong katanungan. Oo, ang aking anak na si Prinsipe Neheyah ay nagkataon na nasa mundo ng mga tao. At sa pagkakataong ito ay maaaring mapaibig niya ang prinsesa, dahil maaari na siyang magpakitang gilas gayung nasa tamang edad na ang prinsesa. Oo, iyon ang nais kong paniwalaan. Ngunit nasa prinsesa parin ang desisyon kung tatanggapin niya ang pag-ibig ng aking anak." si Haring Ardor na siyang humarap sa mga ginoo.
" At tungkol sa iyong kahilingang protektahan ang prinsesa sa pamamagitan ng iyong kakayahan, tulad nga ng sinabi ni Haring Ornok, malalagay sa alanganin ang prinsesa. Kapag natutunton ng kampon ni Empetus ang kinalalagyan ng prinsesa ay magkakaisa ang mga itong lusubin sila. Kaya kung gusto mong makatulong ay si Prinsipe Neheyah ang pagtulungan ninyong hanapin at ipabatid ang kalagayan ng prinsesa. " dagdag pa niyang pahayag.
"Tama ang inyong narinig. Nasa prinsesa parin ang huling desisyon kung tatanggapin niya ang pag-ibig ni Prinsipe Neheyah. At tama rin ang Haring Ardor na si prinsipe Neheyah ang kinakailangang mahanap sa ngayon upang ipabatid na kinakailangan ng prinsesa ang kanyang tulong na protektahan siya dahil hindi dapat ang mga karaniwang diwata na nakapalibot sa kanya. Si Muyak lamang ang malakas lakas sa kanila." pagsang-ayon ko sa kanyang winika.
At sa aking sinabi ay sabay sabay na nagpakawala ng malalim na hininga ang mga ginoo. Si Haring Ardor naman ay nahuli kong ngumiti na parang magtatagumpay na siya dahil matagal narin kaming sinusuyo ng mga ito na ipagkasundong ikasal ang kanyang anak sa aking prinsesa. At sa totoo lang ay gusto ko ang binatang si Neheyah dahil nakakalapit rin ang batang ito na hindi siya itinataboy ng aking anak.
Sumasakit ang ugat sa aking ulo. Ang dapat kong pag-isipan ay kung paano ako makakatulong sa aking anak. Pero naisisiingit pa talaga ang sitwasyon ng panunuyo!
Muli kong tinapunan ng pansin ang dalawa kong anak na aking ikinagulat dahil ang mga maharlikang kalalakihan ay kanya kanya ng nakapuwesto at kumakawala ang kanilang mga enerhiya.
" Mahal kong amihan, mas lalong lumalakas ang ating pananggalan dahil sa mga diwatang ito. Tsk!!! "
****
Muling nasilayan ni Muyak ang mga ngiti ni Amulet. At kapansin pansin na ang mga mumunting bubot na bulaklak ay gusto ng mamukadkad. Ito ay hindi na dahil sa mga diwatang nakapaligid kundi dahil sa nadarama nila ang presensiya ng prinsesa.
MUYAK POV
Naramdaman kong may parating. Mga tao. Agad akong lumipad patungo kay Ginoong Cairo at iniwan ko nalamang si ginoong Agham sa isang tabi.
"May tao. Ang prinsesa Amulet. " nababahala kong wika.
"Huwag kang mag-alala. Sila mama na iyan. Ako ng bahala sa mahal na prinsesa. " nakangiting sagot sakin ni Cairo.
"Hey!!!! Don't try to introduce Amulet as your girlfriend ever again damn man! " si Ginoong Top na bakas ang pagbabala nito sa tinig niya.
"Tsk! " pero nangingiting si Cairo na napatingin kay Top.
Hindi ko talaga mabasa ang dalawang ito. Kung nakikita lang ng mahal na hari ang mga kaganapang ito ay tiyak na pati ako ay mananagot! Ng-
"Oooohhhh Hindi!!!!!! " sigaw ko ng aking maalala.
"Ikaw ginoong Cairo at ginoong Top!!!! Pakiusap iwasan nyo ng hawakan ang mahal na prinsesa maging kayo ginoong Sky, Agham at Ginoong Macky!!!! " ngayon palang ay nanganganib na ang aking mga pakpak! Maging sila ay manganganib rin!!!
"Anong ibig mong sabihin!? " sabay sabay nilang tanong.
"Mga lapastangan kasi kayo! Simula palang ay sinabi ko ng huwag ninyong hahawakan ang mahal na prinsesa!!!! Pati ako ay mananagot!!!! " mangiyak ngiyak kong wika sa mga ito.