CHAPTER 9: TAKOT

948 Words
ENERYA POV Nakita kong nanglalata si Muyak, ang gabay ng aking kapatid. Hindi siya mapakali sa kalilipad na parang natataranta. Malamang ay kanya ng napagtanto na ang aking ama ay may kakayahang masalamin ang mga kasalukuyang kaganapan sa paligid. Minsan na niya itong nasaksihan ng si Amulet ay bigla nalamang nawala at mangiyak ngiyak siyang naghahanap sa kanyang alaga. Ginamit ni Ama ang kanyang kapangyarihan at natagpuan ang aking kapatid na sakay noon ng puting kabayo at nakikipaglaro. **** MUYAK POV Hindi ako mapalagay. Pumaroo't pumarito ang aking lipad ng mapagdisesyunan kong lumapit na sa mahal na prinsesa. "Mahal na prinsesa, walang galang na. Ayaw kong maging mapangahas ngunit nagbabasakali akong pauunlakan nyo ang aking pakiusap. Nakikiusap ako na huwag kayong pumayag na ako'y mawalan ng pakpak... " mangiyak ngiyak kong pakiusap sa mahal na prinsesa. Ngumiti siya ng ubod nang tamis. Tama na sa akin ang kanyang pagngiti na nangangahulugan upang makahinga ako ng malalim. Ligtas na ako sa kaparusahan. Ang mga ginoo nalang ang mapaparusahan. Mayabang akong lumipad at humarap sa mga ginoo. "May proteksiyon o basbas na ako ng mahal na prinsesa sa parusang ipapataw sakin ng mahal na hari at ng mga prinsipe. At sa pagkakataong ito ay hindi naman ako nagkulang nang paalala sa iyo na ang mahal na prinsesa ay napakasagrado. Ginoong Top at ginoong Cairo, sa tingin ko ay ihanda nyo na ang mabigat na parusang ipapataw sa inyo ng -" bigla akong napatigil dahil sa biglang lumutang ang limang ginoo at tumilapon sila sa may halamanan ng sabay sabay. "Awwwwts!!!!!! " si Agham ang aking sinisinta na nakasampay ang katawan sa halamanan at muling pumaitaas at umikot ikot at muling bumagsak na nauna ang ulong bumulusok sa halaman. "Dammit!!!!! " si Cairo na hawak hawak ang balakang dahil sa masamang pagkabagsak sa lupa at muling tumaas at inihagis sa punpon ng mga dahon sa ilalim ng puno. "Fuuuucccckk!!!! " si Sky na nakadapa naman sa damuhan at kasabay nila ring pumaitaas at pinaikot ikot siya ay binagsakan ang kawawa kong si ginoong Agham na kakatayo pa lamang. "Arugooooy!!!! Putangnah!!!! " si Macky na nakasabit sa sanga ng puno na doon na siya mismo pinaikot ikot na parang susi sa daliri. Nakakaawa. "Muyakkk!!!! " si Top na masuwerteng sa swimming pool bumagsak ngunit umiikot ikot na siya na parang nasa puyo (whirlpool). Awang awa ako kay ginoong Top dahil parang mas malala ang sa kanya dahil lumubog lilitaw siya sa tubig at kitang kita kong halos mawalan na ito ng ulirat. Ngunit wala akong magawa dahil kahit ako ay agad na dumikit kay prinsesa Amulet. Baka ako ang isusunod ng alin man sa pamilya ng aking alaga. Ang prinsesa ay lumapit sa tubig at umupo malapit sa kantuhan ng pool. Kusang kumalma naman ang nag-aalburutong tubig. Nakakatuwang kahit ang prinsesa ay wala pang ginagawa'y talagang ang kalikasan ay sinasamba siya. **** HARING ORLOC POV "Napakasimple! " walang kahirap hirap wika ni Amang haring Habagat na ama ng aking asawang si Amihan. "Magaling!!! magaling!!!! " sabay tawa ng aking ama naman na si amang haring Poseidon. "Ako naman!!!! Ang lalaking ito ang mahilig hagkan ang aking apo sa malarosas nitong labi!!! " dagdag pa ng aking ama. Kitang kita ko sa batis na mabilis na pumapaikot-ikot ang lalaki sa tubig. Nararapat lamang ito sa kanya ngunit nakakaramdam ako ng awa. Isang hamak na tao lamang ito. " Mga ama, hindi po ba mapapahamak ang aking anak sa pagpaparusang ginawa po ninyo sa mga ginoo!? " nag-aalala kong tanong sa dalawa. "Nagawa mong matanaw ng ligtas ang iyong anak sa kalayuan, kaya magagawa mo rin na pakiramdaman ang elementong nasasakupan mo at pasunurin ito sa iyong ninanais gamit ang iyong isip lamang. " tanging sagot ng aking ama at tumawa pa ito ng nakakaluko. Nagpapasalamat ako at wala sa aming tabi ang aking mga anak. Ooohhh hindi.... Ako'y nakalimot. Nasa dolo nga pala ng batis na ito ang mga ginoo! "Abahhh!!! Tingnan mo Orlok! Ayaw na akong sundin ng tubig! Hahahaha!!! Haring Habagat, maaari bang subukan mo uling manupulahin ang hangin!? " ang aking Amang may nais alamin. At nakita ko muling umangat sa kanilang kinaroroonan ang tatlo maliban sa lalaking malapit sa aking anak. **** MUYAK POV Mabilis na umahon sa tubig si ginoong Top na hinang hina na tumabi sa pagkakaupo sa prinsesa habang mababakas na kalmado lamang ang mahal na prinsesa. Ako naman ay kinakabahan at hindi mapalagay. Sisiguraduhin ko na hindi na ako lalayo sa mahal na prinsesa para sa kaligtasan ko. "Ginoong Top, kamusta ang pakiramdam mo!? " naisingit ko pang itanong sa ginoo. "Nahihilo ako Muyak, anu bang nangyari!? " at sasagutin ko na sana siya ng muli ko narinig ang sigaw ng apat na ginoo. Muli nanaman silang lumutang sa ere. Para silang trumpo ngayon at sa lugar lang na iyon ang ipo ipo. "Mahal na prinsesa! " nasambit ng aking bibig na ang aking inaalala ay ang sinisinta kong si Agham. Oo simula ng ako ay hagdan niya ay nagkaroon na ako ng pagtingin sa kanya. Namumulaklak din kasi ang kanyang kakulitan kaya ako ay nabighani bukod sa kanyang taglay na kagwapuhan. Tumayo ang mahal na prinsesa at napansin kong dali dali namang tumayo rin si ginoong Top. Alam na siguro niyang mas ligtas kami sa tabi ng prinsesa. Hehe! Ayyyy oo nga pala! Kahit nga pala na malayo ako sa prinsesa ay hindi na ako mapapahamak dahil may basbas na niya ako. Ngunit iba parin ang naninigurado. Natatakot parin ako. Hehe mga kawawang ginoo. Pero pagnatyempuhan kayo na malayo sa prinsesa ay hindi parin kayo ligtas. Sa pagkakataong ito ay nakita kong dahan dahan ibinababa ang apat na ginoo sa aming harapan. "Mahal ko! " si Cairo na gulong gulo ang buhok at parang batang napakadungis na pagkalapag pa lamang ng paa sa lupa ay halos matumba dahil hilong hilo ito marahil. Ngunit patakbo paring lumapit ang ginoo sa prinsesa at doon na umupo sa tabi nila. "Amulet! "sabay na wika naman ng tatlo na napaupo pa ata halos gumagapang ng makarating malapit sa amin. **** HARING ORLOK POV "Nakita mo yun Haring Poseidon!? " sabay tawa ng dalawang hari. Tulad nila ay nakita ko rin ang pangyayari. "Ang ating apo!!! Siya ang sinusunod at hindi tayo!!! Magaling!!!! Kahit nasa kaanyuan siya ng pagiging tao ay hindi nawawala ang pagiging diwata niya. Siya na nga ang hinihintay nating lahat!!!" dagdag pa niya. Naguguluhan ako sa pinag-uusapan nila ngunit isa lamang ang nalalaman ko. Ang aking anak ay sinasamba ng kalikasan. **** MUYAK POV "Muyak, maaari mo bang ipaliwanag kung ano yun!!!? " Si Macky na nagkaroon ng galos sa mukha at nakaupo parin sa damuhan. "Hindi kayo titigilan ng kung sino man sa pamilya ng prinsesa Amulet sa kapalastangan inyong ginawa. Yun lamang ang masasabi ko. " "Anong ibig mong sabihin!? Hala!!! eh si Top at Cairo lamang ang umaangkin sa Prinsesa! Hindi naman kami! " sagot ni Sky na hawak hawak ang balakang na tumayo na. "Aray ko... Oo nga Muyak!! Kinalaman namin sa dalawang yan! Ehhh ikaw nga ang kalampungan ko at hindi ang prinsesa eh, nadamay parin kami!" si Agham naman na hawak hawak ang ulo. Tahimik lamang si ginoong Top at ginoong Cairo na habol habol ang kanilang paghinga na parang sila ang napuruhan. "Ahhh sa tingin ko ay isipin nyong mabuti ang mga ginawa ninyo at mabuti pa ay mag-iingat na kayo simula ngayon. Dahil ngayon ko lamang naalala na kaya nga pala tayong panoorin ng mahal na haring Orlok mula sa kabilang mundo. Kaya pakiusap kahit ang prinsesa ay nasa katawang tao ay huwag ninyo siyang lapastanganin. Kung mahal nyo ang mga buhay nyo, kayo ay tumino na, baka mamaya gawin nila kayong palaka sa isang wasiwas lamang. " paliwanag ko sa kanila na may munting babala. "Ginoong Cairo. Nariyan na sila. Ikaw na bahala kung paano mo ako ipapakilala sa iyong mga magulang. " si prinsesa Amulet na sa wakas ay nagsalita. Simple lamang siyang nakatayo sa aming gitna ngunit talagang napakaganda niya. At nakita kong ang taong naramdaman ko kanina ay nasa amin ng harapan. Ang kanilang mata ay nakatutok sa mahal na prinsesa na akala moy mapapasukan ng langaw ang kanilang bibig sa pagkanganga ng bahagya. Hindi na ako magtataka dahil kahit ang magulang ni ginoong Top ay ganito rin ang nangyari. *** ENERYA POV Halos sumakit na ang aming tiyan sa kakatawa ng aking kapatid maging ang mga ginoo na umiibig sa aming prinsesa. Para sa akin ay hindi pa ito sapat. Napaisip akong bigla habang sila ay nagtatawanan. Paano!? Hindi ko maipaliwanag. Hinanap ng aking mata si Ama. Nawala nalang itong bigla sa aming paningin matapos niyang kausapin si Haring Ardor. Dinala ako ng aking mga pakpak sa dulong bahagi ng batis kung saan ay doon ko nakita ang aking mga Amahin. Hindi ko alam kung sila ang may pakana ng lahat dahil totoong napakalakas ng mga ito. Kasalukuyan ng nag-uusap ang mga ito ng seryosong bagay pero kapansin pansin na ang mga mata nila ay nasa tubig. Pinapanood rin nila ang kaganapan sa aking kapatid. ***** CAIRO POV "Air, teyka anong nangyari at ganyan ang mga hitsura ninyo!? Binagyo ba kayo rito? Ano nanamang kalukuhan ang ginawa nyo? Hindi na ba kayo nahiya sa magandang babae sa tabi ninyo!!!? Abah!! teynga nga muna, sino ba ang napakagandang babaeng ito? Baka nais mo kaming ipakilala Air. Kasintahan mo ba siya anak!? Naku!!!! " si mama Cristy ko na nagsimula ng magtanong. "Kung mahal nyo ang mga buhay nyo, kayo ay tumino na, baka mamaya gawin nila kayong palaka sa isang wasiwas lamang. " paulit - ulit na tinig ni Muyak sa aking isipan kaya bigla na akong tumayo. "Ahhhh ehhhh mama ano, kaibigan po namin!!!! Wala pong matutuluyan, kaya dito po muna siya satin pansamantala! Yun nga po! " Fuck hindi dapat yun ang sasabihin ko talaga eh! "Ayyyy akala ko naman girlfriend mo na anak! " "Sana! Ahhh este Mahal ko! ahhhh ano bayan!!! ng Liwayna, si mama Cristy at papa George ko. Ahm pa, ma si Amulet Liwayna po! " pagpapakilala ko sa kanila. Agad siyang niyakap ng aking ina. "Hija, feel at home ha. Mga pala pinaayos mo na ba ang kwarto sa taas hijo!? Yung master bedroom na ang ibigay mo anak ha. Teyka magpapahanda na ko ng kakanin natin at maghahapunan na. Dito narin kayo kumain mga hijo. " wika ni papa "Salamat po Tito. " si Macky na siya ng sumagot. "Ahhh pa, may pinagawa po akong kubo kahapon pa, iyon po. Doon po si Liwayna matutulog. " sinabi ko na para maging maayos na lahat at di na sila magtaka at kung magtatanong sila ehhh ngayon na. "Anak naman, dont be rude!!! May maayos naman na tahanan tayo. Maraming kuwarto sa taas bakit dyan mo patutulugin? " si papa na nainis sakin. . " Request po papa ng mahal ko, ahhh este ni Liwayna pa!!!! Ehhh lahat ng gugustuhin nyo, susundin ko po yun pa! " yeah sa ganitong way ko nalang ipapadama sa mahal ko na mahal ko sya. Sabay ramdam ko naman na ako ay sinipa ni Top. Nasa likod ko lang naman kasi sya. "Ahhhh!!!! dumadamoves ka pala!!!! Ohhhh sige! Sige!!! Abahhh teyka? bakit parang -?" si papa na hayun at nakita ang paligid na lumago ang mga halaman at may mga bagong sumibol na halaman. "Ahhhhh Mahal tingnan mo ang paligid!!!! Lalo na yung green house mo!!! " si papa na hinila pa si mama na kasalukuyang kinukulit si Amulet. "Ayyyy mahal ko anu ba yun? Ayyyyy ohhh.... my... God!!! " bulalas ni mama. " Ma, pa hehe pinaayos ko rin yan kahapon kasi nga may bisita akong alam nyo na. Wag nyo ng pansinin, pakiusap. Pasok na tayo sa loob. Pahinga muna kayo ma pa, patawag nyo nalang kami kapag kakanin na. ahhm Mahal ko, este Liwayna, pahinga ka na muna sa kubo. " at salamat naman at nakinig at sumunod sila mama sakin at kami naman ay humahakbang na upang sumunod kina mama after makapasok si Amulet sa kubo at nakadungaw na ito sa kanyang munting bintana nang si Macky ay napahinto at biglang tumungo sa bintana. "Ayyyyy Mahal na prinsesa, ano kasi-" si Macky na napansin kong may gustong sabihin. "Ginoong Macky? " si Amulet na hinihintay ang susunod nitong sasabihin. Nakaantabay naman kaming lahat sa sasabihin ni Macky na para bang hindi ito mapakali. "Ehhhh prinsesa ligtas naba kami? kasi.... ayaw ko ng umikot ikot sa puno!!! Bumabaliktad ang tiyan ko, tapos ayaw ko ng maranasan ulit na umiikot sa ipo ipo!!!!! Wala naman akong ginagawang masama sayo diba prinsesa. Ako nga yung pinakamabait dito eh....! at hindi na ako mahihiyang sabihin sayo na takot ako sa height. " at ng maalala ko ang mga nangyari kanina ay hindi lang ako ang nag-iisang biglang humakbang patungo kay Liwayna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD