CHAPTER 10
AMULET POV
Ramdam ko ang takot sa puso nila ginoong Macky kanina, gayumpaman ay masaya ako na aking naramdaman dahil sa presensiya ng aking dalawang mahal na amahing hari. Ibig sabihin lamang na sumusubaybay sila sa akin. At ang mahal kong ina ay ikinagagalak kong lumalakas ito.
Hindi nawawala ang lungkot sa aking puso noong ako'y magising, ngunit tulad ng bilin sa akin ng aking ina ay muli naman kaming magkikita kaya paghahandaan ko ito. Muli kong bibigyang buhay ang aming mundong nilamon ng kadiliman. Muli akong makikipaglaro sa mga kaibigan kong kalikasan lalo na sa kaibigan kong puting kabayo na si Ruzo at sisikapin ko ng pangalagaan ito dahil ito ang aking tungkulin.
"Hintayan mo ako metyeros at tayong dalawa ay magiging isa. " naibulong ko sa hangin.
Nakatayo ako ngayon sa may gilid ng swimming pool. Kanina lamang ng magising ako sa aking pagkakatulog ay dinala ako ng aking mga paa dito sa harden. Napupuno ng mga alitaptap ang aking paligid. Binubuhay nito ang tahimik na gabi. Ang himig ng kuliglig nangingi babaw. Ang hamog sa paligid ay masayang tinatanggap ng aking katawan.
Alam kong ilang sandali nalang ay maglalakbay na kami. Ang mga ginoo ay mahimbing pang natutulog sa aking kubo. Nakakatuwang hindi na sila umalis sa aking pansamantalang tahanan. Si Ginoong Cairo at ginoong Top ay natulog ng nakaupo at nakahimlay lamang ang kanilang ulo sa aking papag na napupuno ng mga bulaklak, samantalang ang tatlong ginoo ay pinagkasya ang mga sarili sa sahig na yari sa kawayan. Nagustuhan ko ang bago kong himlayan.
"Mahal na prinsesa. Narito na po ang mahal na Prinsipe Neheyah. " pag-ulat ni Muyak sa akin.
Ito ang dahilan kung bakit ako nagising. Ibinulong sakin ng hangin ang paparating na si Prinsipe Neheyah, ang aking malapit na kaibigan. Ang diwatang aking hinahangaan.
"Mahal na Prinsesa kong Amulet Liwayna, ikinagagalak kong makitang kang muli. Ang iyong kagandahan ay walang kawangis na paghihintularan. Ayaw kong mangahas na tanungin ka pa kung kamusta ka dahil, ngayon palang ay ako'y nalulungkot na makita kang nasa kalungkutan at ang iyong mga mata'y napupuno ng mga luhang nais kumawala. Pahintulutan mo akong yakapin ka mahal na prinsesa upang maipadama sayo na narito ako, handang pagsilbihan ka at protektahan mahal kong Amulet...." hindi na ako sumagot ngunit ako na ang kusang lumapit sa prinsipe at yumakap kasabay ng pagbagsak ng aking mga luha.
Sa isang iglap ay pinalilibutan na kami ngayon ng enerhiyang nagmumula kay prinsipe Neheyah kasabay ng pagbagsak ng ulan sa kalangitan. At ang enerhiyang ito ang syang pumipigil upang hindi kami mabasa. Maingat niya akong niyakap at hinagod ang aking maalong buhok.
" Buong puso kong iniaalay ang aking lakas at buhay para sayo mahal kong Amulet. Ang mahal ko.... Ang sinisinta ng aking puso.... Ang tagal ko ring hinintay na makita kang muli. Ikaw ay labing limang taong gulang ng kami'y pagbawalan ng lumapit sa iyo. Kaya sa tatlong taong ay nagsikap akong magsanay at libangin ang sarili sa pamamagitan ng pag-iingat ng mga yamang bulkan sa mundong ito upang sa muli nating pagkikita ay handa may maipagmamalaki ako sa iyo. Patawarin mo ako kung hindi kita nasamahan sa unang araw na kailangan mo ng masasandalan. Ohhhh mahal kong Amulet, akoy labis na nag-aalala sa iyong kalagayan. Salamat kay Prinsipe Enerya at ikaw ay aking natagpuan. Halos wala akong pahinga sa kakahanap ng lagusan. Ikaw ang una kong inalala mahal ko... Wala akong nakuhang kasagutan sa paglaho ng lagusan ngunit nadarama kong may masamang nangyari sa loob ng Encantadia. Ohhhh Mahal kong Amulet labis akong nagagalak at nakita kitang muli... Nabigyan ng pag-asa na ipagpatuloy ko ang aking buhay..." puno ng sinseridad ang kanyang winika.
Muling gumaan ang aking pakiramdam. Siya parin si prinsipe Neheyah na aking nakilala. Ang diwatang tapat sa kanyang saloobin kapag siya ay kausap ko. Damang dama ko ang nag-uumapaw na kasiyahan sa kanyang puso. At ng mailabas ko ang aking kalungkutan ay muling tumila ang ulan.
Umangat ang aking paningin upang iparating ang aking mensahe. Ngunit walang ano ano ay kanya nya akong hinagkan sa aking labi. Napakasarap ng kanyang halik. Kaya muli akong napapikit at dinama ang init ng kanyang malambot na labi. Ang prinsipe ng apoy. Ilan pang sandali nang matapos niya akong hagkan ay nagsalita ako.
"Kailangan ko ng matagpuan ang metyerus prinsipe Neheyah dahil ilang araw lamang ang lakas na ipinahiram sakin ng kalikasan. Apatnaput walong oras na lamang ang natitira. At kapalit nito ay bagyo at sakuna sa mundo ng tao kapag wala pa sa katawan ko ang metyerus. Natatakot akong maraming magbubuwis ng buhay dahil sa kinuha kong enerhiya. Inaasahan ko na akoy maproprotektahan mo at matutulungan gayun din sa mga taong nakasama ko sa unang araw bago ako maging kasing hina nila... Nakikita nila ngayon ang mga nilalang na nasa paligid nila. Alam mo na ang nais kong iparating."
"Naiintindihan ko mahal kong prinsesa. Maaasahan mo ako basta sa iyo ay gagawin ko ang lahat. "
****
ENERYA POV
"Ama, magandang balita! Kasama na ni prinsipe Neheyah ang aking kapatid!" natutuwa kong pagbabalita sa aking ama na biglang napatayo ito mula sa kanyang pagkakaupo sa malaking bato at lumapit sa batis upang gamitan muli ng mahika.
Ang aking mga Amahin naman ay lumapit narin upang alamin kung totoo nga ang aking ibinalita. Kasama na rito si Haring Ardor, ang ama ni Prinsipe Neheyah na mababakasan ng ngiti sa labi ng makita niyang yakap yakap ng kanyang anak ang aking kapatid at tulad din ng tao ay nagawa nya lapastanganin at hagkan ng ganun kabilis ang aming si Amulet.
"Tsk! "
Kung tutuusin ay nararapat lamang na parusahan din ang prinsipe Neheyah dahil sa hangal rin itong yumakap at humalik sa mahal kong kapatid ngunit mas nanaisin ko nasa kauri namin siya umiibig at hindi sa tao lamang.
Hindi na ako mag-aala dahil natitiyak kong naroon na ang mas nararapat para sa mahal na prinsesa. Si prinsipe Neheyah ay kababata ng aking nakakatandang kapatid na si Prinsipe Oceano. Limang taon ang tanda nito sa aming prinsesa.
At hindi man ako dikit sa kanya ay nakita ko ang sinseridad nito sa aking kapatid na babae. Lihim niyang iniibig ang aking kapatid. At nakakatuwang siya lamang ang may lakas ng loob at hindi sumusuko na makuha ang loob nito sa pakikipagkaibigan.
Gayung alam ng lahat ang pagkamakulit ng aking kapatid sa pamamagitan na kapag may dumidikit dito ay kung hindi nakalambitin sa baging sa itaas ng puno ay kung ano anong patibong at kapahamakan ang nangyayari sa mga sumusunod sa kanya. Hindi ko lang masigurado kung ito'y sinasadya niya o kusang ang kalikasan ang gumagawa nito.
At isang araw na nga lang matapos na maranasan ni Prinsipe Naheyah ang lahat ng kakulitan ng aking kapatid ay nakuha nito ang kanyang pansin. Ang kaibigan ng aking kapatid na si Spirit, ang puting kabayo ay binawian ng buhay dahil sa katandaan nito. Iyon rin ang araw na nagpakita si Neheyah dala dala ang isang puting kabayo at kanya itong inalay sa aking kapatid.
Umuulan noon dahil sa pag-iyak ni prinsesa Amulet. At si Prinsipe Neheyah ay walang alinlangang sinugod ang ulan kahit alam niyang hindi pa siya gaanong malakas dahil siya ay mula sa angkan ng mga apoy. Wala pa siya sa sapat na gulang upang makuha ang lakas ng kanyang kapangyarihan para makalusong sa ulan ng walang nangyayari kaya matapos ang gabing iyon ay ilang araw na hindi nagpakita si prinsipe Neheyah dahil nagkasakit ito.
Ang tanging inaasam ko lang sa ngayon ay ang kaligtasan ng aking kapatid at huwag sana niya itong pabayaan.
****
PRINSIPE NEHEYAH POV
Halos isang taon na akong nakaantabay sa bulkan ng Cotopaxi sa Ecuador. Hindi na ako masyadong nakakauwe sa Encantadia. Hanggat maaari ay pinapakalma namin ang ilalim ng bulkang ito. At nagkataon pang isang araw bago ang kaarawan ng aking sinisintang si prinsesa Amulet ay nagpakita ng senyales ang bulkang ito na hindi dapat ipagsawalang bahala dahil sa maraming buhay sa kalikasan ang masisira.
Isang araw naming pinagtrabahuhan ng aking mga diwatang kasamahan ang pagpapakalma dito. Oo, naisagawa namin ang pagpapakalma dito at gusto ko mang humabol sa kaarawan ng aking sinisinta ay alam kong huli na. Maraming oras na ang lumipas ng gabing iyon bukod pa roon ay hinang hina ako sapagkat ang bulkan sa Africa, ang Kilimanjaro ay sumabay sa pag-alburuto.
Kaya kinabukasan pa akong nakagayak ng tumungo ako sa lagusan at laking gulat kong nawala nalang itong bigla. Hindi pa ako nakakalayo sa kakahanap ng lagusan ay sinalubong ako ng mga itim na mahika. Nakipaglaban ako at sa dami nila ay hindi ko ito kayang labanan ng mag-isa. At gamit ang kapangyarihan ko'y mabilis akong nakapagteleport pabalik ng Africa. Hindi ako mapalagay. Ako ay lakad parito. Maraming oras ang lumilipas. Lilitaw ako sa may lagusan at muling babalik. Ang aking Amulet.
At sa maraming oras na lumipas ay para naman akong nabunutan ng mga tinik sa aking dibdib. Ang mensahe ni prinsipe Enerya ang nakapagbigay sakin ng pag-asa. Mabilis kong sinundan ang hangin dala ang halimuyak ng aking si Amulet.
Hindi ko mapigilan ang aking puso sa pagtibok ng kaybilis. Ang laki na ng pinagbago ng aking prinsesa. Ang suot niya ay pang tao. Ahhh, ni hindi ko masagap ang kanyang kapangyarihan. Hanggang sa mayakap ko siya at nadama ko ang kanyang kalungkutan. Gayun pa man ay hindi nagbago ang kanyang kagandahan. Hindi na ako nakapagpigil na sabihin sa kanya ang tunay kong nararamdaman. At ang taksil kong labi ay nangahas na siya'y hagkan. Kung ako man ay parurusahan, ay tatanggapin ko ito ng walang halong pagsisisi.
****
TOP POV
Naalimpungatan akong wala sa aming tabi si Amulet. Mahimbing parin na natutulog ang mga kapatid ko sa papag at maging si Cairo ay walang pinagbago sa kanyang puwesto.
Napatingin ako sa bukas na bintana at kapansin pansin ang liwanag sa labas. Agad akong napatayo at ang aking mga paa'y nagmamadaling makalabas. Hindi ko malaman ang aking nararamdaman. May kakaibang pinipintig ito. Kakaibang kaba.
Dito ko nakita na may kausap ang aking si Amulet.
"f**k! Ito na ba ang tinutukoy sakin ni Cairo na may isa pang darating!!!!? " bulong ng nanggagalaiti kong damdamin. Ang aking mga bagang ay nagngangalot. Hawak na niya ang pisnge ng aking aasawahin!!!!
Ang walang hiya!!!! Hindi ko maitatangging napakagwapo nito at nakakabakla dahil sa haba ng buhok niya at parang foreigner. Ahhhh ang alam ko lang ay lamâng lamang siya dahil siya ay diwata at ako ay tao!!!!
Pero hindi ako magpapatalo. Kahit pa parusahan akong muli ay handa akong tanggapin ito!!! Mabilis kong tinungo ang kinaroroonan ng dalawa at walang alinlangan kong binawi si Amulet sa lalaking kanyang kaharap at isinubsub ko ito sa aking dibdib. Ginapos ko siya ng dalawa kong braso.
"Prinsesa!!! Ano't!!!!?" Unang litanya ng lalaking diwata na may galit sa tinig.
"Sino kang pangahas na bigla bigla mo na lamang hahatakin ng ganoon lamang ang mahal na prinsesa!!!!?" sigaw ng diwata.
At si Muyak ay biglang pumagitna sa aming harapan.
"Ginoong Top! Prinsipe Neheyah! " bulalas ni Muyak na nagbibigay babala.
Ngunit sa halip na sagutin siya ay ipinakita ko sa harap niya na si Amulet ay akin.
Muli ko siyang lalapastangin sa pamamagitan ng muli kong pag-angkin sa kanyang labi.
"Mahal ko, magpapaalam na ako. hahalikan kita!" bulong ko sa kanyang teynga at agad kong hinawakan sa kanyang batok ang prinsesa at ipinagkaloob ko ang nag-aalab kong halik na aking ikinagulat dahil marunong na siyang sumagot.
"Akin ka lang mahal ko.. " tinig ng pakikiusap.
Nahuli ko pa siyang ngumiti bago ako tumalsik sa tubig.
"Whaaaaaaaaahhhh!!!!! " sigaw ko.
Ahhhh parang si Cairo ito!!! Nakakaluko na agad nitong pinunasan ang labi ng aking si Amulet. Nanlilisik ang kanyang mga mata na tumingin pa sa akin at may humulmang apoy sa kanyang kamay.
Nakaramdam ako ng takot at mabuti na lamang ay muling pumagitna si Muyak.
"Mahal na Prinsipe Neheyah, pareho lamang kayong lumapastangan sa mahal na prinsesa." ahhhhh malinaw kong narinig sa kanya.
Iniisip ko kung anong kalapastanganan ang tinutukoy nito. Nakangiti ang prinsesa at ngayon ko lamang siya nakitang na napapakamot sa kanyang batok na parang tao.
"Mawalang galang na po mahal na prinsipe Neheyah, siya si Ginoong Top, ang umiibig rin sa prinsesa....at maaari po bang huminahon kayong dalawa? at sana kapag nagising na si Ginoong Cairo, pakiusap lumayo muna kayo sa isa't isa. " si Muyak na bakas sa kanyang mukha ang di maipentang imosyun.
"At sino naman si Ginoong Cairo!!!? " nagtatakang tanong nung lalaki na mababakas na ang doble dobleng pangamba.
"Isa rin sa umiibig! -Ginoong Top, siya ay isang Prinsipe mula sa mundo ng Encantadia. Kaya pakiusap huminahon na kayo. " agad na tugon ni Muyak.
Mabilis akong lumangoy at umahon sa tubig.
"Hey you, will you stop using your power at lumaban ka ng patas! And dont touch Amulet para patas tayong tatlo. This is all about love right tol and who will catch the heart of princess! be fair! " mahinahon kong wika dahil ayaw kong umiyak ang prinsesa ko dahil sa mag-aaway kami. Kailangan kong kontrolin ang inis ko dahil naririnig ito ng mahal ko.
At muli ay sinalubong ako ng ngiti ng mahal kong si Amulet.