CHAPTER 11

699 Words
AMULET POV Kumakabog ang puso ko ng nakakabingi. Si Ginoong Top ay talagang hindi nagdadalawang isip sa kanyang gagawin. Busilak ang kanyang pagmamahal sa akin. Hindi.... Silang tatlo ay iisa ang pagpintig ng kanilang mga puso. Walang pag-aalinlangan. Yakap yakap nya ako kaya naman mas lalo kong naririnig ang bawat pintig nito. Puso ko ang isinisigaw ng puso niya. Kaysarap sa pandinig. Ito ang pagkain ng aking mga elemento. Sa totoo lamang ay gustong gusto ko na lagi akong nasa kanyang tabi. Ang matulog sa kanyang bisig. Lumalakas at nag-uumapaw sa katuwaan ang puno ng buhay. Bumibilib ako sa lakas ng kanyang loob. Binabasbasan ko mula sa kapangyarihan ng mutya ng tubig ang kanyang pagpapaalam na ako'y kanyang hagkan. At sa pagpayag kong ito ay may isang nilalang na magmumula sa kanyang puso at ipagkakaloob ng puno ng buhay. Ito ay isang alay para sa kalikasan. **** KAPANSIN PANSIN ANG PAGLIWANAG NG PUNO NG BUHAY sa Encantadia na ikinagulat ng lahat. REYNANG AMIHAN POV Ang mahal kong prinsesang Amulet.... Naiintindihan ko na ang lahat. Mula sa kanyang pangalan na ipinagkaloob mismo ng puno ng buhay ay lubos ko ng naiintindihan. Bago namin ipinangalan ang salitang amulet sa prinsesa namin ay kami ng aking haring Orlok ay narinig ito sa puno ng buhay. Ibinulong ito sa amin kasabay ng pandiwang ng kapaligiran. Siya ang mutya ng kalikasan. At ngayon ay ipinagkaloob na niya ang mutya ng tubig mula sa puso ng lalaking umiibig sa kanya. Ang bawat basbas niya ay katumbas ng batas sa loob ng Encantadia. Ang sanggol na isisilang ay siyang mamumuno sa kaharian ng Atlantika. **** AMULET POV Natututo ng ngumiti ang aking labi ng hindi ko namamalayan. Kakaiba si ginoong Top. Maging si Ginoong Cairo ay ganoon rin. At kung si prinsipe Neheyah naman ay alam ko namang matagal ko na siyang hinahangaan at hindi nagbabago iyon. Ngunit makakaya kaya nilang tanggapin na akoy inilikha ni Bathala para sa kalikasan? Alam na ni Ginoong Top kung pano kontrolin ang kanyang puso. Si prinsipe Neheyah naman ay ganun rin maliban lamang sa kanyang mukha na talagang ipinapakita niya ang kanyang saluubin. **** NARINIG NG APAT NA BINATA ANG MGA NAGTATAASANG MGA boses sa labas ng kubo. Kaya kaagad na nagsipagtakbuhan ang mga ito palabas. Sa kasamaang palad ay mga nagsasagupaang mga mata na lamang ang kanilang naabutan. Nakaagaw ng pansin sa kanila ang bagong mukha at nagliliwanag katabi ng Prinsesa Amulet na kaharap naman ni Top na basang basa. "What's happening here!? " basag ni Cairo sa tahimik na paligid. Lumapit si Cairo sa kanilang tatlo. "Hey Top, who's this guy!? " tanong ni Cairo na ikinangisi ng binata. "Prince Neheyah from the world of Encantadia. Makakatunggali natin sa puso ng prinsesa. " tipid niyang sagot na hindi lumulubay sa nagbabagang mata ni Neheyah. "Oh ohhhhh!!!! Paano nalang kung sumali ako sa inyo!? I love Amulet too. " si Macky na may nakakalukong ngiti sa labi na ang tatlong binata naman na katabi ni Amulet ay sabay na tumingin sa kinaroroonan niya. "Heyyyy!!!! I'm just kidding. Di na ako sasali sa gulo nyo. Nice meeting you Prince Neheyah. I'm Macky! " pagpapakilala niya. "I'm Sky! " "Agham pre!!! Kasintahan ako ng mahal kong si Muyak! " sabay kindat pa nito sa diwata. "Ehhh! " - Muyak at ang prinsipe ay napatingin kay Muyak ng walang emosyon. "I'm Cairo. Ang gabay ng prinsesa sa mundong ito.! " "Ikinagagalak ko kayong makilala. Salamat sa pagkupkop sa mahal kong si Liwayna. Mula sa araw na ito ay nakakasama nyo na ako. Kung nasaan ang prinsesa, ay naroon ako. " pagpapaabot ng mensahe nito. "Kung ganun ay asahan mo ring nasa tabi rin kami ng prinsesa. " nakangiting tugon ni Top na ikinasama nanaman ng mukha ni Neheyah. **** PRINSIPE NEHEYAH POV Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi. Ayaw kong hamakin ang taong nasa harapan ko dahil baka pagsisihan ko sa huli. Dito sa mundo ng tao ay may dalawa akong makakatunggali at kung sa mundo ng Encantadia ay -- mas pipiliin ko nalang na itong dalawa taong ito ang aking makakatunggali dahil batid kong lahat ng maharlikang diwata na naroroon ay nakaabang para paibigin ang aking si Liwayna. **** "Cristy, katatawag lang sakin Techno Co., wala pa si Cairo sa kanyang opisina. Nasan ang anak mo? Hindi ko sya macontact! Marami ng papeles ang napepending. Ang mga transaction ay hindi makausad ng wala ang kanyang signature!? Ke Lunes na lunes eh nawawala! Pati secretary nya di alam kung nasaan! " boses ni George sa telepono na kasalukuyang nasa isa pa nilang negosyo. "Honey abah! Hindi ko alam. Wala naman na dito eh! Alam mo naman na nagising na tayong wala na batang yun dito. Pati yung magandang dalaga. . Ehhh di ba nga sabi mo baka nasa opisina na. Ahhhh teyka teyka tumatawag si Mareng Betty. Update nalang kita kung macontact ko. " at agad na pinutol ang tawag ng asawa sa telepono at ang cellphone naman niya ang hinarap. "Good morning mare, napatawag ka?" "Ehhh mare kakahiya man ehhh diba dyan natulog ang mga bata ko gawa ng sinusundan nila yang alam mo na. Kagandang bata ano! Si Top eh hulog na hulog sa dalagang yun! " "Ahhhh oo nga kagandang bata!!!! Abah pati si George ay napanganga sa bisita ng anak nya!! Ahhhh si Cairo naman eh ayunnnnn dumidiskarte na at nakipagdate na siguro. Di pumasok sa trabaho eh!!! " " Ano yun mare?, hindi pumasok ang anak mo sa trabaho, teyka yung apat ko ba nandyan pa sa inyo? Hindi umuwe mga bata ko mare at nagpahatid lang ng mga damit dyan. " "Teyka , dito ba natulog ang mga binata mo? Nakuuu, di ko napansin at maaga kaming natulog kagabi. " "Tsk! Panigurado magkakasama ang mga yun. Naku umuusok na ang ilong ni Fernando at ang daming iniwan mga nakatambak na trabaho. Pakibalitaan ako mare, baka ang anak mo ang unang tumawag." **** SI MACKY ANG NAGING DRIVER NG ranger na sasakyan ni Top. Hindi na sila mahihirapan sa paghahanap kay Pedro Duke sa tulong ni yaya Mely dahil ibinigay na nito ang address ng matanda. Ito ang dahilan kung bakit may kaalaman si yaya mely sa prinsesa ng mga diwata at paminsan minsan ay nabubuksan ang third eye nito. Kapatid ni Pedro Duke ang kanyang Ama na si Juan Duke. Ang dalawang nabanggit na pangalan at kilala sa Bicol bilang manggagamot. Umalis sila ng Manila ng ala singko ng madaling araw ng tahimik dahil labing isang oras din ang tatahakin nila sa byahe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD